"Hi."
Napatingin kami ni Lucas sa may-ari ng Boses. Si Princess Ganda. Anong binabalak niya?
"Uh Hello." Eto namang si Lucas nakatingala parin. Napatingin ako sa magandang mukha ni princess, ang lapad pa ng ngiti! Bumabalik insecurities ko. **HANUBAYAAAN.
"You're Lucas right?" Tanong pa niya, still smiling.
"Uh yup. What do you need?" Tanong ni Lucas, nakataas pa ang kilay. Parang di nagagandahan. Ayos!
"May itatanong lang sana ako." Tanong raw? Bakit kay Lucas. psh.
"Sure, ano yun?-- Wait, please sit down." Sabi pa ni Lucas. Motioning his hand dun sa upuan sa kabilang banda ng Table. **Woow. Gentleman?
Tapos yung ngiti naman ni Princess, kung kanina malapad na, mas lumapad pa. Is she flirting with Lucas?
Agad naman niyang sinunggaban ang offer ni Lucas, but you know what she did? Agad siyang tumakbo paikot sa side namin at umupo sa--
ARAAAARGH! INAGAWAN NIYA AKO NG PWESTO! YEAH RIGHT, SHE'S A FLIRT.
Di bale siya ay nakapagitna sa amin ni Lucas. Nagulat nga si Lucas sa ginawa niya. Ngayon, sila na ang katabi.
Nang-iinit ang dugo ko dre! Siya na! Siya na ang MAJONDEEEE! ARGH!
Di naman talaga big deal sakin na di ko na katabi si Lucas. No way! Yung big deal lang sakin, ee kung makaasta siya ee parang kung sino ng close kay Hudas. Bwiset!
Alam niyo yun? Nakakabadtrip. Si Prinsesang maganda, mala-IMPAKTA pala.
Psh.. Sige sila na! Sila na ang close. Ayun nagkwekwentuhan na si Hudas sa magandang Impakta. Ang awkward. Makaalis na nga.
"Cee, san ka pupunta?" Oyy si Hudas napansin ako. "Aalis. Biglang sumama pakiramdam ko ee."
"Papasama ka sa Clini--" Aakmang tatayo na si Hudas.
"Pero di pa tayo tapos mag-usap Lucas." Impaktaaa!!!! Yung boses kay jonde! Nakahawak pa sa braso ni Hudas nung papatayo si Hudas. Bwiset.
"Ayy, wag na Hu-- Lucas. May kausap kang Royal Highness, ayoko mapatapon ng kampon niya." Kampon ng Kadiliman. Sabay irap sakanila.
Nakita kong nag-frown si Lucas. Namiss ko yata yang ganyan niyang mukha. Tsh.. Ano ba Cee. "Sure?" I nodded. "Okey.." kalma niyang sagot.
At alam niyo bang nagbeam si Impakta! Aba't nag-smirk pa siya sabay irap sakin. May gana tlgang irapan ako aa. AAARGH.
I marched palayo sa table nila. Kakainis! Di na naman ako nakakain ng lunch. Ako na.. Ako na ang pasmado.
Kainis ka rin Hudas. Kainis!
"Oyy Cee." Bahagya akong napamulat ng naramdaman kong may tumapik sakin. Oyy siya pala.
"Lance."
"Bat ka nag-iisa?" Tanong niya. Inayos ko na ang sarili ko ng tumabi siya sakin. Naku, nakatulog pala ako sa library, baka may tuyong laway pa sa mukha ko. Kakahiya kay Prince Lance. lol.
"Naku, busy sila Hannah at Carmen ee." Sagot ko.
Kahit di niyo napansin, may mga kaibigan nman ako dito sa school. (*¯︶¯*)
Si Hannah Marie Sanchez, varsity swimmer ng department namin, kaya ayun.. Busy sa pagpractice dahil malapit na naman mag-intrams. Si Carmen Sy naman maagang sinusundo ng driver niya, **SOSYAAAAL. Wala kasi syang pasok after lunch pag MWF. Kaya ganun, di namin siya nakakasabay kumain pag MWF. Eh ako pag MWF hanggang 4pm. In-adjust ni Tito Mike para daw lagi kaming sabay pumasok at umuwi ni Hudas. Kaso imposible naman kasi lagi siyang nauuna sa school. Minsan din di ko siya nakakasabay umuwi kasi may mga haliparot na babaeng nag-aaligid at nagpapatulong ng kung ano.
Same reason, same persons.
"Eh si Lucas?" Npahinto ako sa ginagawa ko, 2 pm na kasi. 2:30 next class ko. Tsk. If I know nakikipaglandian na naman yung lalaking yun sa mga babae.
Sumobra ang changes niya ee. Parang mas ayos pa ako dun sa pagka-suplado niya. Atleast kinakatakutan siya at kung may nagkakagusto sa kanya, hanggang tingin nalang.
Pero ngayon??
Ayuuun! Di na mahagilap ng dahil sa mga landi girls. Tapos pagdating sa bahay pagod, di na rin kumakain kasi daw pinakain ng mga tinulungan niya. Kaya di ako magtataka kung bigla siyang nagayuma. Buti nga sa kanya.
Wait-- teka! About kay Prince Lance pala. Oo, Prince Lance. Prince ang tawag sakanya dahil nanalo siya sa Interschool na Search for the next University Prince.
Bagay naman sakanya dahil gwapo naman talaga siya, mabait at gentleman rin. Pero don't make me wrong huh! I don't have a crush on him. As a friend lang.
Buti nga may lalaki akong friend except kay Hudas.
Kung friend rin nga lang turing niya sakin. <(_ _)>
VOTE. COMMENT. be a FAN.
Chyll ツ
BINABASA MO ANG
Married with Mr. Perfect
RandomMr. Perfect ?? Oh no! I preffer Mr. Goody-two-shoes! Mapagpanggap, Mapang-lait, akala mo kung sinong gwapo.. UBOD NAMAN NG SUNGIT!! Nakalimutan ko bang sabihin sainyo na IKAKASAL ako sa MOKONG NA'TO?