Chapter 26- Feeling broken.

159 3 2
                                    

[LUCAS]
Villaflor-Davenson Mansion. 10:46 pm

Umuwi na ako ng bahay right after matapos ang party. Di naman ako nakapag-enjoy dahil walang rason para mag-enjoy. At yung pag-uusap namin ni Princess? Wag na nating pag-usapan.

She just want me back to her. Sabi niya just like before. But I can't do it. She said she just wanted me to treat her like nothing happend pero di ko yun magagawa. Para ko nang pinagtaksilan si Cee kung magagawa ko yun at parang niloko ko lang ang sarili ko kung pagbibigyan ko siya. Tinanggihan ko siya sa lahat na mga offer niya. Kahit yung hahayaan niya na si Cee basta lang maging kami. Baliw na ako kung sasagot ako ng OO, kaya ko naman ipagtanggol si Cee sa kung anong mangyayari. Wala rin naman akong mapapala. Masasaktan ko lang si Cee kung ginawa ko yun. Pero..

Ako lang pala ang masasaktan.

"C'mon Lucas, let's dance!" Yaya sakin ni Princess habang pilit akong hinihila. "Hindi ka ba naiinggit? Look at them!" Dagdag niya pa pointing the huge crowd. "They look so happy." Tapos inom ng baon niyang alak na nakatago sa purse niya.

"Dito lang ako." Sagot ko with disgust. Watching her drinking simultaniously.

"Ang saya ng lugar oh! C'mon!" Aya niya ulit sabay hila. Tumayo nalang ako at hinayaan siyang hilain ako. 'Last na 'to.' Bulong ko sa sarili ko. Ayoko talaga ng maiingay na lugar at mga party na gaya nito. kasi nakakairita lalo na kung ang mga taong kasama ko puro baliw gaya nila. Oo, pumupunta ako ng bar pero isang tahimik na bar. Kung saan nakakapag-isip ako. Kung di lang sa Davenflor di ako dadalo, and sabi din ni Bryan nakita niya sa Cee na tumutulong sa set up kanina kaya dumalo ako dahil di ko pa siya nakikita.

"Lucas let's enter the crowd." Aya niya hinihila ako papasok sa dagat ng mga tao. I hate this. Kung bakit pa kasi ganito ang celebration ng pagkapanalo ng basketball team ng D.U. sa National Competition.

"Masyadong magulo." I told her. And she pouted in return.

"But you promised." Paalala niya. "Last na 'to diba? Huling araw na tratratuhin mo'ko na parang walang nangyari." Oo last na. Pero not this way. It's beyond on how I treated her before. "Come on Lucas, think about it." Panimula niya ulit. "Malay mo, Cee's in there. Dancing.. Enjoying.. With her friends?" She asked sabay tingin sa taas na parang may iniisip. "And with.. Lance?" Sabay tingin ulit sa akin. Ng dahil sasinabi niya nanginit ang tenga ko. Ewan ko ba, pag magkasama si Cee at Lance, nagagalit ako. Kahit alam kong ganoon talaga si Lance, malapitin sa mga tao and palakaibigan, di ko kayang tigilan at isiping pilit siyang lumalapit kay Cee. Iniisip ko palang parang gusto ko na'ng basagin ang mukha niya.

"So c'mon?" She said at hinila ako. Nagpadala nalang ako kahit halos dika makadaan dahil sa daming tao. Hanggang makarating kami sa gitna ng crowd, particularly malapit sa stage.

"ARE YOU ENJOYING THE NIGHT DAVENFLORIANS????!!!" The DJ shouted at nagsigawan ang mga students as a response.

Nakakabingi rin ang music dahil sa malapit na rin kami sa speakers sa harap ng stage. At napansin ko na dumating ang mga kaibigan ni Princess.

"Well well well. Parang nagiging mabuti na ang lahat," sabi ng isang kaibigan niya. "Totohanan na ba 'to?" Dagdag niya pa with a large grin on her face.

"Nope, just tonight." Princess answered at napatingin sa akin. "It's a long story." Iniiwasang magtanong pa ng iba.

"Edi sulitin nyo." One girl suggested and Princess' face lit up. Na parang may brilyanteng idea na naisip. I wish it's not stupid. Trying to discard the thought.

"Lucas!" May narinig akong tumawag before the DJ suddenly drop the beat. Kaya lumingon ako trying to search for it. Dahil sa dami ng tao na nagbabaliwan, at sa ilaw na nakakaduling, di ko makita ang tumawag sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Married with Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon