Chapter 12: School Rumble

1.1K 15 2
                                    

"Sasabay ka ba kay Lucas, Cee?" Napatigil ako sa pag-aayos ng aking bag ng marinig yung tanong ni Manang.

"Bat ako tinatanong niyo, ee si Lucas naman 'tong di sumasabay sakin." Sagot ko with a frown.

Si Manang naman, parang di na nasanay.

Sasagot na sana si Manang when the front door open at niluwa nito ang kabuohan ng Hudas. Nice entry.

"Sasabay ako!" Patakbo niyang tinungo ang sasakyan kung saan ako nakalean.

*huff* Himala!

"Sasabay na ako palagi." Bulong niya pa sakin with his pilyo smile when he got into my side.

And you know what? What he did gave me creeps! -..-

Inirapan ko nalang siya and threw my bag inside the car before ako tuluyang pumasok. Che!

Parang bumabalik na naman ang natatangin Mr. perfect ng Davenflor U.

Ngumiti lang naman siya ng malapad nung nasilayan ang pagmamataray ko. Lokong 'to!

"Aray Cee!" Singhal niya ng sinubukan kong isira ang pinto kahit alam kong nakaharang siya. Bleeeh buti nga!

--—--—--— Davenflor University

Pormal kaming pumasok sa gate ng school at pormal din naman kaming binati ni Kuya Lito, yung guard. "Morning Ms. Cee and Sir Lucas!" Bati pa nito at nagreply lang kami ng Morning.

I thought that this would be just like every normal day. Though alam kong may nangyari kahapon, but I was wrong.

Sino naman kasi ang di makakapansin sa mga tingin ng mga students na nagkukumpulan malapit sa entrance?

Halatang halata pa na kami ang laman ng mga bulungan dahil napapatingin din samin habang nagsasalita.

'Narinig mo ba yung ginawa niyang Orange-haired girl na yan dun sa model ng Fabiesh?'

Narinig ko sa di kalayuan yung bulong. Jusko! Bulong yan aa?

'I heard na nagkaroon sila kahapon ng away. As in sabunutan!'

'Huh? Akala ko mabait yan?'

'Maraming namamatay sa maling akala.'

'Dahil ba dun sa kay Lucas? Yang katabi niya?'

'Palagi kasi daw yang kasama nung model. Inggitera pala yang si Orange gal.'

Napasinghap nalang ako ng kaybigat na hangin sa narinig. Shet.

Lalapitan ko sana ang nagkumkumpulan na yun kung saan nagbubulongan daw sila, kaso pinigilan ako ni Lucas at hinawakan pa ako sa braso.  Tsk.

Nice. Daig pa nila nagpagging sa Mall sa lakas at linaw ng pinagsasabi nila aa!

"Cee." Pagpigil sakin ni Hudas sabay higpit sa pagkakahawak ng aking braso. "Ayaw mo naman sigurong gumawa ng eksena ulit diba?" Pabiro niyang sabi.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. At ako pa talaga ang gagawa ng eksena huh? Hard.

Hinampas ko siya ng malakas sa braso niya at tumawa lang naman yung loko. —...—

"Niwre-wrestling kita pero di ko kayang gumawa ng eksena noh!" depensa ko pa. Di naman ako Warfreak noh!

"I know." Tipid niyang sagot habang ngumingiti sakin ng nakakaloko. Ewan.

"I just want to clear things out. Kung sino yang nagkakalat ng chismis na yan!" Gigil kong pahayag. Di naman totoo, walang katotohanang tsismis! Pinapalabas pa na Ako ang inggitera? At Ako ang nanguna?

Married with Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon