Chapter 4: may Prinsesa.

1.4K 14 0
                                    

Pumasok ako sa gate ng school namin. Napaaga ako sa pagpasok dahil kay Hudas. Loko yung lalaking yon! Di tuloy ako nakabreakfast sa mga pinagsasabi niya. Matapos ng mga ginawa ko sakanya kagabi. di-WWE ko talaga siya noh.

Pero infairness, ang wierd niya lately. Di na siya yung tipong masungit, di nga ako pinatulan ee. Ganoon kasi siya nung first month namin magkasama. Parang laging may PMS, lagi kaming nag-aaway. Tipong laging nakafrown. Salubong ang kilay kung baga. Tapos ngayon tatawa-tawa na. Maraming nagbago, promise!

Para tuloy binabawi ko lahat ng pinagsasabi kong masungit siyang tao. Biglaan kasing naging BUDOY.

Mag-one year na kaming nagsasama, so far so good kami. Kahit hindi mag-asawa ang turingan, go with the flow na lang. At wala namang nagiging sagabal sa amin, except nalang sa mga babaeng umaaligid. At sa kaewanan ni Hudas, pinapatulan niya pa ang mga alibi nila. Yung tipong..

Kunwari gusto magpatulong sa assignments. **Bopols lang teh? Pano ka nakapagCollege.

Yung iba nagpapatulong pa. **Ano yun, walang teacher?

Tapos may mga babae pang nagpapaturo sa P.E. ***halaa! Graduate na kaya siya dun! May demonstrator at Instructor naman.

At maraaaami pang iba. Kahit anu-ano nalang ang ginagawang dahilan para mapansin ni Hudas. Gago rin yun pumapatol!

Noon kasi masungit talaga siya. Tipong kinakatakutan nga yun ee. Siya yung tipong galit sa lahat ng tao. -...- Tapos all of the sudded parang kabuteng tumubo ang kanyang pagkamabait at masayahin. Di nga alam kung pano nangyari yun. Weird kaya siya nun. -...- **Nakakapagtakaa.

"Oh my God she's so pretty!"

"Oo nga kainggit."

Hala, sino yun?

Binilisan ko ang lakad ko papasok sa room kung saan maraming taong nauumpukan sa labas. Anong meron?

"Galing daw siyang States?"

"Oo, Model nga raw dun ng kilalang brand."

"Ang hot niya."

Wait, babae ang pinag-uusapan nila aa.

"Sikat na sikat pala siya dun ee, bat bumalik ng Pilipinas?"

"Siyempre dahil theres nothing like home." **Halaa, I love Philippines lang ang pegg kuya?

"EXCUSE ME." Pasigaw kong sabi habang lumalakad sa gitna ng mga chismoso kong schoolmates, nagkakabunggo bunggo na ako sa mga siko ng kung sinu-sino. HANG-INIIIT. Langyaaa. Amoy pawis na ako kay aga-aga pa.

"Oyy kuya, dahan dahan. Nanunulak?" pasarkastiko ko pang tanong sa isang studyante. Natulak pa naman ako!

Agad kong tinungo yung seat ko which is nasa bandang likuran ng classroom. Tipong 3rd from the last ako. Nasa tabi kasi ako ng Wide window namin, I love it.

"You know princess, you're so pretty." Napalingon ako para matingnan yung mga babaeng nagkukumpulan sa bandang harapan ng class. *hanuraaaw? Princess daw ang pangalan.

"Oo nga, no doubt kung bakit model ka ng Fabiesh." **Fabiesh? Yung brand ng clothing na sikat sa states?

I heard a giggle. *sino yun? "Di naman masyado." **Pahumble pa?

"Pinaghirapan ko rin kasi kaya ako naging model ng Fabiesh. Alaga sa katawan at mukha,-- yung mga ganun. Kaya ganun, I deserve naman diba?" Dagdag pa nung Princess daw. Nacurious tuloy ako sa hitsura niya.

Nag-nod lng yung mga kaklase ko at kung anu-ano pa pinag-usapan nila. Ewan, bagong santang maganda bigdeal na sa kanila.

Pero alam niyo, naiintindihan ko namang first month palang to ng class pero marami na kaming nadiscuss. Tapos all of the sudden susulpot siya, ano yun kabote? Buti pinayagan pumasok.

Bumalik ako sa pagdungaw sa bintana. Ang wierd.. yung tipong feel mo may hindi tama. Ngayon ko lang ulit to naramdaman since nung pumanaw ang parents ko. Feel ko may di magandang mangyayari.

Binalik ko ang tingin ko sa mga nagkukumpulang babae. Ano bang pinag-iisip ko. *sigh*

"This is nothing." Bulong ko sa sarili ko. Ayoko maging nega, ayoko magassume na may masamang mangyayari. Malay mo sa mood ko lang to. Buti nalang pumasok na ang first professor. And the class started.

Wala yan Cee, everything will be alright.

"Good Morning everyone." Sabi ni prof. "We have a new classmate here. Galing siyang states and I hope you'll treat her well." Dagdag pa nito. ipapa-Introduce niya ata. "Please introduce yourself Ms. Johnsons." Hala, half din ba siya?

Tumayo ang isang babae na kanina pa'y misteryoso sa aking paningin. Oh my.. Maganda pala talaga siya, makinis ang balat. SOFUTII. Tapos matangkad din, mas mataas sakin ng ilang inches. Tansya ko 5'9 ang height. 5'5 lang ako ee. Tapos ang tangos ng ilong. Nakakpanlumo tuloy, half German ako pero di naman ganun kataas ang ilong ko, tama tama lang. Nasa stage ng cuteness kung baga sabi ng pamangkin ni Hudas. Maputi rin ako pero may freckles naman sa mukha at braso. Di ako flawless kagaya niya. She has a straight Brownish hair na hanggang bandang siko niya. God... She's so perfect.

"Hi, Good Morning." Pasimula ni ganda. "My name is Princess Kate Johnsons. 19 years old and I came from America. I'm a half American and grew in America but fluent in our Language. My mom taught me well actuallly. There's no place like home. And I'm happy to meet you all." **Nasali pa yung linya ni kuya I love Philippines.

Nagpalakpakan ang mga classmates ko. Alam niyo yung tipong liit na liit ka sa sarili mo. Her voice was sooo Angelic. Nakakainsecure.

Noon naniniwala akong maganda ako kahit papano pero ngayon? Feel ko ang pangit pangit ko.

Yun nga siguro, why I felt something wrong. Kasi may dumating na Ms. Right.

"Cee."

Naputol ako sa pagda-Day dream ko nung biglang sumulpot si Hudas. "Oyy, bakit?"

"Bat ang lamya lamya mo?" Pansin nya?

"Wala ako sa mood ee." Sabi ko pa. Simula kasi kaninang naglunch time ee, wala na akong kaenergy. Parang lahat sinipsip ni Prinsesa ganda. Kaya pati mood ko wala na, 0%.

"I heard may new student sa inyo." Napahinto ako. Alam niya?

HANUBAYAAAN. "Oo, super ganda nga ee." nakakainsecure. Sarap idagdag. :/

"Really?" Tanong pa niya. **May balak ka? "Kain nalang muna ta-" Napahinto si Hudas sa pagsasalita. Halos nagpasalamat na nga ako at di niya pa pinalala ang pag-aalala ko sa bagong santa, pero akalain mo nga naman kung sino tong sumabat!

"Hi." Si Prinsesa ganda.

★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆ ✔✔●﹏●

KUMUSTA NAMAN YAN?

SABAW SABAW ata ng Update ko T3T Sabihin niyo nga sa akin. :/

ANYHOOO. Gumawa na ako ng mga CHAPTERS :3

KEEP READING.

VOTE. COMMENT. be a FAN.

Chyll ツ

Married with Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon