[Ceena]
We got into our respective seats sa loob ng Bus. Grabe! Super excited na ang lahat sa Educational tour ng mga Tourism students. Sila Hannah at Carmen naman di nakatulog kagabi. Sa sobrang excited halos maiwan na yung mga bags nila dahil sa pakikipag-unahang makaupo sa last row ng exclusive na bus ng Davenflor.
Pinagmamalaki ko ata 'to!
Dahil kung Luxury buses lang naman ang pag-uusapan ay pasok na pasok ang bus namin. From the spacious space nga ee, sa isang upuan ay pwde magkasya ang dalawang tao, may patungan din sa paa na pwde mo lang hilahin under the chair on where you're sitting, may mini TV every seats, may mini table pang nakakabit sa likod ng every upuan, May Mini Kitchen din kami na nakalagay sa bandang likuran ng Bus at take note, maraming foods dun.Oha?! Anggara noh?! ;)
At hindi lang yan, We have extension plugs incase malowbat naman yung kung anu-anong gadgets ay pwde sila makapagcharge, dahil malolowbat naman talaga yung mga cellphones o laptops nila sa kakagamit ng wifi. Haha! Yabaaang.
"Ohmygosh! I am so Excited na talaga frieeeend!" Sabi pa ni Carmen sabay tili. Ingay!
"Halata naman dahil jan sa Eyebags mo! Di ka nakatulog kagabi noh?" Haha! Maldita ngayon si Hannah aa.
"K.J. ka! Madali lang naman mabawi yung eye bags na yan." Sabagay totoo naman. si Carmen pa ba ee beauty expert yan.
"Bat Badmood ka ata?" Singit ko sa kanila. Nakabusangot kasi yung pagmumukha ni Hannah. Yung parang batang inagawan ng Candy sa Park.
"Ee naiwan ko kasi yung iPod ko ee. Tapos hinanda ko pa talaga yung playlist ko para sa mahaba-habang byahe na'to." Aaaaa yun pala. Problema ba yun?
Nagsleep over pa kasi sila sa bahay namin kagabi. I dunno what got into them kasi namilit pa talagang matulog dun ee mas malapit lang naman yung mga bahay nila sa school, mas convinient yun dahil malayo-layo konti 'tong bahay namin dun. Tapos sa gabi ding yun putol-putol yung tulog ko. Bigla kasi silang nawawala sa kinahihigaan namin o kaya nama'y may maririnig ka nalang na ingay somewhere sa kwarto ko. Pero pinababayaan ko nalang yung dalawa dahil alam kong sila lang naman yung may ginagawang kalokohan sa kwarto ko.
But then paggising ko naman, ee normal lang ang lahat. Parang wala namang nagbago sa kwarto ko. Maayos parin at walang bakas ng kalat. Feel ko nga pinagtritripan lang ako na kunwari may multo. x3
I didn't bother to check na rin dahil nakapack na ang mga bags ko na dadalhin sa Tour. Kaya kung ano man yung ginawa ko dun ay sana naman di makakaapekto sa amoy ng kwarto ko. Yung lang kasi inaalala ko. :P
Dahan dahan nang rumarami yung mga tao sa loob ng bus at nafi-fill na ang mga vacant seats. Umiingay na rin dahil pumasok na rin yung napakaingay na sila Horsey and friends. Pero wapakels naman kami, para samin tapos na ang business namin sakanila.
"Ang sasama parin ng tingin nung kabayong yun." Napalingon ako kay Hannah na tinanggal yung headphones niya. Oh, may cellphone naman palang pwde magamit pang music ee. Prinoblema pa ang iPod. ==.
"Ee masasama rin naman yung mga mukha nila. Anong ine-expect mo?" Napatawa naman kami ni Hannah sa mga salitang binitawan ni Carmen. Ha! Relax na relax pa sa pagsesemi-higa sa upuan niya with her blinds on.
Maya maya pa ee puno na ang bus at hinintay nalang na mafill din ang kabilang bus. Which is parehong ayos at mukha ng bus na ginagamit namin ngayon. To ensure na comfortable na comfortable kami on our way to Bohol.
I just can't wait na dumating na kami dun. Anrami ata ng balak naming gawin at bibilhin. Nafill na rin namin yung wishlist namin at ready nang malagyan ng check signs. :D
BINABASA MO ANG
Married with Mr. Perfect
RandomMr. Perfect ?? Oh no! I preffer Mr. Goody-two-shoes! Mapagpanggap, Mapang-lait, akala mo kung sinong gwapo.. UBOD NAMAN NG SUNGIT!! Nakalimutan ko bang sabihin sainyo na IKAKASAL ako sa MOKONG NA'TO?