*The longest distance on Earth is not from North to South. It’s when I stand right in front of you and you don’t even notice me.
“Ceddy, alam mo ba yung feeling na magmahal sa isang tao nang lubus-lubusan, pero kahit anong pilit mo sa sarili mo, hindi mo talaga magawang aminin sa kanya ang mga tunay mong nararamdaman?” Ang biglaan kong tanong sa kasama kong si Cedric Ramirez nung umagang iyon.
Napatigil siya sa pagtotono ng gitara ko, at dahan-dahan niya iyong inilapag sa sahig, sabay tingin sa direksyon ko.
“Ano na naman ang nakain mo at nagda-drama ka nang ganyan?” Ang tila mapang-asar na pahayag niya.
Hindi ko mapigilang sumimangot nang marinig ko ang sinabi niya.
“Seryoso kasi ako.” Reklamo ko, sabay sandig sa pader na nasa likuran ko. “Naramdaman mo na ba yung feeling na yun?” Ulit ko.
Kinuha niya ang gitara ko mula sa lapag at nagpatuloy sa pagtotono nito.
“Sa totoo lang, oo.” Ang matipid na sagot niya.
Agad akong napatitig sa kanya pagkatapos.
“Weh? Seryoso?” Ang gulat na gulat kong sambit.
Tumango na lamang siya bilang sagot, at nag-umpisang mag-plucking at mag-strumming. Mamaya-maya’y inabot na niya ang gitara sa akin.
“O ayan. Tapos na po ang pagtotono. Sabi ko kasi sa’yo bumili ka na lang ng digital tuner e. Lagi na lang ako ang pinagtotono mo niyan.” Pagrereklamo niya.
Hindi ko na lang pinansin ang mga paratang niya at nagpatuloy lang sa pagtitig sa kanya nang maigi.
“Sino?” Tanong ko.
Binigyan niya naman ako ng isang naguguluhang ekspresyon.
“Anong sino?” Sabi niya.
Hindi ko mapigilang mag-eyeroll. Minsan talaga ang slow rin ng gung-gong na ‘to. (-_-)
“Sino yung unrequited love mo? Kilala ko ba?” Tanong ko muli.
Bigla naman siyang suminghal pagkatapos.
“At bakit ko naman sasabihin sa’yo? Close tayo?” Pang-aasar na naman niya.
Muli akong napasimangot.
“Ceddy naman e! Sino nga kasi?” Reklamo ko.
“Bakit ba gustung-gusto mo talagang malaman?”
“Kasi malay mo, baka matulungan pa kita sa sitwasyon mo.”
“Sus. Sarili mo nga hindi mo matulung-tulungan. Ang iba pa kaya?”
“E, basta. Sabihin mo na kasi!”
“Ayoko nga.”
“Ang daya-daya mo talaga kahit kailan!”
“Anong madaya dun?”
“Ayaw mo kasing mag-share e!”
“Ano naman? Hindi naman ako obligadong sabihin sa’yo yun a.”
“Bahala ka na nga!”
At pagkatapos nun ay kinuha ko na ang gitara ko at nagmadaling inayos ang mga gamit ko. Mamaya-maya’y tumayo na ako at nag-umpisang maglakad patungo sa exit ng dance hall.
Agad-agad namang sumunod si Cedric sa akin.
“Grabe naman ‘to o. Mas malala ka pa kesa sa bata kung magtampo. Nagbibiro lang naman ako e.” Sabi niya, patuloy lang sa pagsunod sa akin.

BINABASA MO ANG
Married by ACCIDENT
Teen Fiction[Accidental Romances Series Book II] [Summary] Matagal nang in love si Lyka Santiago sa best friend at childhood friend niyang si Keith De Chavez. Malas niya lang dahil girlfriend naman ni Keith ang kaibigan niyang si Denise Raymundo. Pero siyempre...