*There are people who keep what they feel. They still smile even though it hurts. They pretend to be fine even though they are not. They cry alone. They seem to be strong, but inside, they are already dying because of the pain that they’re continuously trying to hide. And guess what? Sometimes, I’m one of them.
“Next up, Lyka Santiago and Keith de Chavez. Theme: Divorce.” Ang agad na tawag ni Ms. Ocampo sa amin ng best friend ko, pagkatapos na pagkatapos mag-perform nina Drake at Ryan nung umagang iyon.
Ngayon na ang final performance namin para sa Drama class, at aaminin kong kabadong-kabado talaga ako nung mga sandaling iyon. Kung tutuusin rin naman kasi, kahit na may experience na ako kahit papano sa theater nang dahil sa mga workshops na isinasagawa sa studio ni Dad, pawang hindi pa rin iyon sapat sapagkat hindi naman kami masyadong nakapag-practice ni Keith. Sadyang madami kasing mga problemang dumating sa mga buhay namin kama-kailan lang, kung kaya’t hindi talaga namin masyadong napagtuunan ng pansin ang mga practice sessions namin.
Madali naman kaming tumungo sa stage ni Keith at pumunta sa aming mga pwesto.
Sa umpisa ng scene, dadating galing sa trabaho si Keith, at agad ko siyang sasalabungin. And the dialogue will begin from there.
“Okay, action!” Punyagi ni Ms. Ocampo pagkaraan.
Nagtinginan kami saglit ni Keith, at mamaya-maya ay sabay kaming tumango. And afterwards, the performance immediately began.
My best friend entered the stage, carrying a suitcase and acting as if he was very tired. Madali naman akong lumapit sa kanya at banayad na pinunasan ang kanyang mukha, sa mga pawis na kunwari’y nandoon. Nagbuntong-hininga naman siya at agad na lumayo sa akin.
“We need to talk.” Tugon niya, at pagkatapos ay nilapag niya ang kanyang suitcase sa mesang nakapwesto doon at may nilabas na mga papel, na kunwari’y mga dokumento.
“What do we need to talk about?” Tanong ko habang naglalakad palapit sa kanya.
Tinitigan niya naman ako nang maigi, at hindi ko talaga mabasa ang ekspresyon sa kanyang mukha.
“I’m filing for a divorce.” Ang mariin niyang pahayag.
Hindi ko alam kung bakit, pero nung mga sandaling iyon, bigla ko na lang nakalimutan na isang performance lang pala ang ginagawa namin ni Keith. Dahil nang kanyang sabihin ang mga katagang iyon ay pawang naniwala na talaga akong gusto na nga niyang makipaghiwalay sa akin.
And unexpectedly, fresh and agonizing tears immediately formed in my eyes.
“Why? Is it because of me? Did I do something wrong?” Sambit ko, napapahikbi.
Tila nabigla si Keith sa dagling pag-iyak ko, but fortunately, he still managed to keep up his act and state his next lines.
“You didn’t do anything wrong. And it’s not you who’s the problem here, it’s our marriage itself. I can’t keep this up anymore. I can’t keep overlooking our predicament. And most of all, I can’t keep forcing myself to think that everything is alright, even though I truly know for a fact that it’s far from being that way.”
Tuluyan namang tumulo ang mga luha sa aking mga mata pagkatapos.
“You love someone else, don’t you?” Ang mahinang pahayag ko.

BINABASA MO ANG
Married by ACCIDENT
Teen Fiction[Accidental Romances Series Book II] [Summary] Matagal nang in love si Lyka Santiago sa best friend at childhood friend niyang si Keith De Chavez. Malas niya lang dahil girlfriend naman ni Keith ang kaibigan niyang si Denise Raymundo. Pero siyempre...