*A life with love will have some thorns, but a life without love will never bloom roses.
Keith’s POV
“I heard that you and Lyka have already met up with each other earlier this week.” Ang agarang salubong sa akin ni Mama habang naglalakad siya papunta sa aking kinauupuan nung umagang iyon.
Napabuntong-hininga naman ako at pagkaraan ay sumandig ako sa likuran ng aking upuan at tumingala, pinagmamasdan na lamang ang aking paligid.
Dahil Sabado ngayon at walang pasok sa opisina ay minarapat ko na tumambay-tambay na lang muna dito sa back garden ng aming bahay para magpahinga at magpalipas-oras. Tanging si Mama lamang at ang mga kasambahay namin ang mga kasama ko dito ngayong araw na ito.
May inaasikaso pa kasi si Dad sa kumpanya at kasama niya ngayon si Tito Lance, samantalang si Piper ay umalis na naman ng bahay, most likely, para mag-malling kasama ng mga kaibigan at mga kabarkada niya. Hay naku. Naging taong-gala na talaga ang batang yun simula nung tumungtong siya sa high school level. (~_~)
And also, it has already been four days since my confrontation with Lyka at the cafeteria in Tito Lance’s studio, at simula nung araw na iyon ay hindi na muli nagkrus ang aming mga landas. Pero kung tutuusin, mas marapat nga na hindi na muna kami magkita muli, lalong-lalo na dahil bukas na ang kanilang grand concert ng Triple C. Ayoko rin namang maging distraction sa kanya, most especially since she really needs to place all of her concentration on their rehearsals and practice sessions for their upcoming performance.
Mamaya-maya ay pumuwesto naman si Mama sa upuan na nasa aking tapat, at nakita kong pinagmamasdan niya ako nang maigi nung mga sandaling iyon.
“Well, did the two of you really did meet up earlier this week?” Pag-uulit niya.
Muli naman akong nagbuntong-hininga at pagkatapos ay umayos na rin ako ng upo at tiningnan siya nang diretso.
“Opo, nagkita at nagkausap na kaming dalawa ni Lyka kama-kailan lamang. Actually, dalawang beses na nga pong nangyari yun e.” Ang mahinang tugon ko.
Nakita kong pawang naging interesadong-interesado ang ekspresyon sa mukha ni Mama nang kanyang marinig ang mga sinabi ko.
“How did it go then? Were the two of you able to talk much? Were your conversations casual or awkward?” Ang sunud-sunod niyang mga tanong pagkatapos.
Huminga ako nang malalim at muling sumandig sa likuran ng aking upuan.
“As expected, everything didn’t turn out so well. We weren’t able to talk much at all, and if by chance that we did have a casual conversation at first, it would still end up becoming completely awkward, and the atmosphere between the two of us would suddenly turn utterly intense.” Sambit ko. “And I’m completely sure that after our most recent meet-up with one another, she most probably hates me even to the point of death now.”
Agad namang napasimangot si Mama sa naging sagot ko.
“Keith, how can you be so sure of that? After all, almost everyone in our six conjoined families knows for a complete fact that Lyka has been in love with you all these years. Sigurado naman akong kailanman hinding-hindi niya talaga magagawang kamuhian ka nang ganun-ganun lang, kahit na gaano pa man katindi ang kamaliang nagawa mo sa kanya noon.”
I couldn’t help but let out an ironic laugh when I heard everything that she said.
“Wow, to think, throughout all these years, ako na lang pala ang hindi nakakapansin sa mga tunay na nararamdaman ng best friend ko para sa akin.” Ang mahinang pahayag ko, at muli akong napatingin sa gawi ni Mama. “Ma, bakit po kaya ang sobrang manhid ko?”
Nagkibit-balikat naman ang aking ina.
“Hindi rin namin alam ng dad mo e. Hindi nga namin mapagtanto kung kanino mo namana yang kamanhidan mo.” Ang tila mawalang-bahalang sagot niya.
Napayuko na lang ako, pawang wala nang ibang masabi. Mamaya-maya ay inilapat naman ni Mama ang kanyang kamay sa ibabaw ng kamay ko, at nakita kong binibigyan niya ako ng isang mahabaging tingin.
“Pero natutunan mo na rin namang mahalin nang pabalik si Lyka diba?” Tanong niya.
Napatango ako nang konti.
“Oo naman po. Pakiramdam ko nga, matagal ko na talagang minamahal nang higit pa sa pangkaraniwang kaibigan si Lyka, pero yun nga lang, I ended up confusing my true feelings for her because of our friendship and most especially because of my relationship with Denise. At nang mapagtanto ko na ang katotohanang mahal ko na nga pala talaga siya, masyado nang huli ang lahat.” Ang mapanghinayang kong sambit.
Umiling naman sa aking gawi si Mama.
“Hindi pa huli ang lahat. Tutal, hindi mo pa naman naaamin at nasasabi sa kanya ang mga tunay mong nararamdaman diba? There’s still a chance for you to do that, and I suggest that you have to grab the opportunity to confess to her while she’s still here. Bago pa talaga maging huli ang lahat-lahat.” Pag-aanyaya niya.
Huminga na naman ako nang malalim.
“Pero Ma, hindi niyo rin po naiintindihan ang sitwasyon namin ni Lyka.” Pagpupumilit ko. “Kasi kung tutuusin, kahit noon pa man, she never gave me the opportunity to confess my true feelings for her. She never gave me the opportunity to tell her that I love her as more than a mere best friend. And she never gave me the opportunity to prove to her just how true and sincere I was. Kasi kung kailan handa na akong ipaglaban ang aming kasalan at ang aking pagmamahal para sa kanya, saka naman niya napagdesisyunang sumuko nang ganun-ganun lang at nakipaghiwalay sa akin.
“And besides, even if I confess my feelings for her, wala rin namang pagbabagong mangyayari. Kasi sa kasalukuyan, may iba nang nagmamay-ari ng puso niya. May iba nang nagpapasaya sa kanya at namamalagi sa kanyang tabi. May iba na siyang minamahal at iba na ang kumukumpleto sa buhay niya. At sadyang hindi na ako ang lalaking iyon.” Sambit ko, sobrang nanghihinayang na talaga nung mga oras na iyon.
Tinapik ako ni Mama sa aking balikat.
“But you should at least try, right? Kesa habambuhay mo na lang itinatago at pinipigilan ang mga nararamdaman mo, it’s much better that you confess your feelings for Lyka and let everything come out in the open. There’s definitely no harm in trying to do that. There’s simply no harm in taking risks. And there’s absolutely no harm in falling in love. Because it’s a natural emotion that each one of us would end up experiencing at least once in our entire lives.” Ang mapaniguradong pahayag niya.
Napayuko na lamang muli ako, pinag-iisipan nang maigi ang kanyang mga sinabi. Pagkaraan ay bigla namang tumayo mula sa kanyang kinauupuan si Mama, at pagkatapos ay binigyan niya na naman ako ng isang mapaanyayang ngiti.
“Pag-isipan mo nang mabuti ang mga sinabi ko, alright?” Pagpapaalala niya sa akin, at pagkatapos ay tumalikod siya at nagsimulang maglakad papunta sa looban. “Anyways, kung meron ka pang gustong pag-usapan o kung di kaya’y may gusto ka pang itanong sa akin, just feel free to come to the kitchen. I’ll be staying there for a short while to help Ate Lilia in preparing our lunch.” Tawag niya sa akin bago siya tuluyang pumasok sa loob at naglaho sa aking paningin.
Tumango na lang ako, napapatingala na naman at patuloy lang sa pagsasaayos ng mga nagkakaguluhang mga kaisipan sa aking utak. At pagkalipas ng ilang sandali ay napaayos na naman ako ng upo, at agad-agad kong inilabas ang aking cellphone at tinawagan ang number ni Drake.
Ilang beses na nag-ring ang kanyang cellphone, at pagsapit ng paglimang ring ay sinagot na rin ng aking kabarkada ang tawag.
“O, Keith. Ba’t ka biglang napatawag?” Ang agarang salubong niya sa akin, halatang nagtataka.
Dagli namang may namuong ngiti sa aking mga labi, at agad-agad kong na-visualize ang mga kaganapang posibleng mangyari pagdating ng oras na aking aaminin nang harap-harapan ang mga nararamdaman ko para sa best friend ko at dating asawa.
“Drake, pwede bang ipaalam mo na rin ‘tong pinag-usapan natin kela Dustin, Bendix at Devin? May pinaplano kasi akong gawin, at kailangang-kailangan ko talaga ang mga tulong ninyo.”

BINABASA MO ANG
Married by ACCIDENT
Teen Fiction[Accidental Romances Series Book II] [Summary] Matagal nang in love si Lyka Santiago sa best friend at childhood friend niyang si Keith De Chavez. Malas niya lang dahil girlfriend naman ni Keith ang kaibigan niyang si Denise Raymundo. Pero siyempre...