*It's weird when you completely know that the end of something great is coming, and yet you still want to hold on even just for a mere second, just so it could hurt a little bit more.
One Month Later
Cedric's POV
"Pre, sigurado ka bang hindi ka talaga pupunta?" Ang muling pangungulit sa akin ni Carter mula sa kabilang linya ng aming tawag sa cellphone nung umagang iyon.
Nagbuntong-hininga naman ako at sumandig sa pader ng practice room doon sa studio na pinagmamay-ari ni Mr. Santiago, tumitingala sa kisame.
"Hindi talaga e." Ang mahinang tugon ko, sabay ubo nang konti. "Sadyang masama ang pakiramdam ko, at pinagbawalan rin ako ng doktor na umalis ng bahay." Pagsisinungaling ko.
Narinig ko ang tila iritadong pagbuntong-hininga ng aking best friend.
"Yan ba ang napakawalang-kwentang palusot mo na gusto mong sabihin ko kay Lyka mamaya kapag magtanong siya?" Ang napakaseryosong tanong niya.
Hindi ko mapigilang magbuntong-hininga muli.
Takte naman. Umasa pa akong hindi agad ako masisita ni Carter, kahit na alam na alam ko namang hindi rin magiging epektibo ang pagkukunwari kong maysakit. Tutal, kilalang-kilala na rin kasi ako ng mokong na 'to, at halos lahat ng mga kinikilos ko ay pawang maipagtatanto niya rin agad-agad. (=_=)
Sigurado naman kasi akong sa pinakasimula palang ng aming usapan, napag-alaman na niya kaagad na nagsisinungaling lang talaga ako. Pero letsugas rin naman kasi, sadyang hindi ko talaga magagawang dumalo doon sa kasalan nina Lyka at Keith, kasi alam kong pareho naming hindi makakayanan ng aking puso na makita ang natatanging babae na minahal ko at minamahal ko pa rin nang totoo at lubus-lubusan na ikasal muli sa ibang lalaki.
Sa lalaking ilang beses kong hiniling na sana ay ako na lang.
"Oo, Pre. Yan ang sabihin mong dahilan ko kung bakit hindi ako makakapunta sa kasalan nila ni Keith. Tell her that I'm very sorry for not being able to come to the most special day of her life, and tell her that I'm truly wishing for her complete happiness with her once again soon-to-be-husband." Pahayag ko.
"Takte lang talaga, Cedric Martin Ramirez-" Umpisa ng sigurado akong dapat na magiging protesta sana ni Carter, na madali ko namang pinutol.
"Sige, Carter. Kailangan ko na rin kasing tapusin ang tawag na 'to. Have fun at the wedding and the reception later." Pagpapaalam ko, at bago pa makapagsalita muli ang aking best friend ay dagli kong tinapos ang tawag.
Ilang beses na nag-ring ang aking cellphone pagkatapos, at agad ko namang ni-reject ang lahat ng mga tawag na natanggap ko mula kay Carter, at mamaya-maya'y mula na rin kay Chris.
Kinuha ko naman ang aking gitara mula sa case nito, at nagsimulang tumugtog at kumanta pagkaraan.
Baby I know the story
I've seen the picture
It's written all over your face
Tell me, what's the secret?
That you've been hiding?
And who's gonna take my place?

BINABASA MO ANG
Married by ACCIDENT
Teen Fiction[Accidental Romances Series Book II] [Summary] Matagal nang in love si Lyka Santiago sa best friend at childhood friend niyang si Keith De Chavez. Malas niya lang dahil girlfriend naman ni Keith ang kaibigan niyang si Denise Raymundo. Pero siyempre...