Chapter 4

35.5K 465 37
                                        

 

*Pretending you don’t feel anything for someone is like convincing yourself that you could probably deny the only thing you can ever be sure of.

“Lyka, dali!” Tawag sa akin ni Bliss, sabay pasok sa isa sa mga boutique na malapit-lapit lang sa nilalakaran namin.

Dali-dali naman siyang sinundan ng kakambal niya, at wala pang isang segundo ay pareho silang dumiretso patungo sa mga hilera ng iba’t ibang klase ng damit, kumukuha na ng iilang piraso para isukat.

Hindi ko mapigilang magbuntong-hininga.

So typical of the twins. Basta’t pupunta kami ng ibang bansa para magbakasyon, lagi talagang mga mall at boutique ang una nilang pinupuntahan. Kadalasan nga, na-ma-max out yung mga credit cards nila dahil lang sa pag-sho-shopping. Palibhasa kasi, mga fashionista. Laging updated sa mga latest trends. Parang department store na nga yung mga closet nila e. Halos lahat ng mga damit na in-season nandun, pati na rin ang mga limited edition na mga collection ng mga sikat na fashion designers. (~_~)

Oo nga pala. If you guys are wondering where we are right now, we’re currently touring the shops and boutiques here in Las Vegas, Nevada, the city of lights. Christmas vacation na kasi namin, at bawat taon, magkakasamang nagbabakasyon sa ibang bansa ang Santiago, Castaneda at De Chavez families. Sobrang close na rin kasi ng tatlong pamilya namin, at naging customary na ang pagdiwang ng mga espesyal na okasyon nang magkakasama.

Nauna na kaming namasyal-masyal dito nina Bliss, Blair at Keith. Masyado na kasing excited ang kambal na mag-shopping, kaya nagsama-sama na lang kaming apat para na rin makapaglibot. Naiwan naman sa hotel sina Piper at Bendix, kasama ang mga magulang namin. Mag-gagabi na kasi kaya bukas na lang sasama sa pamamasyal ang mga bata. Tsaka kung tutuusin, kailangan na rin nilang magpahinga since mahaba ang naging biyahe namin papunta dito.

Napatingin naman ako sa gawing kanan ko, sa mismong kinatatayuan ni Keith.

Tahimik lang siya, malayo ang tingin. Hindi ko nga maintindihan kung bakit siya ganun e. Simula kasi nung pag-alis namin ng Pilipinas papunta dito, parang hindi na siya masyadong nakikisama sa mga kasiyahan at kakulitan. He was always drifting off into space, at parang lagi na lang malalim ang iniisip niya. Para bang may pinoproblema siya.

Actually, I’ve been planning to talk to him about that, pero hindi ko lang talaga matiyempuhan. Si Piper kasi yung katabi ko sa eroplano during the flight, at malayu-layo naman ang pwesto nila ni Bendix kaya wala talaga akong pagkakataong makausap siya. In fact, this was the first time that we were alone together after so long.

“Keith.” Umpisa ko, nag-aatubili.

Napatingin naman agad siya sa akin, at nang magsasalita na sana ako para tanungin siya kung may pinoproblema ba siya, bigla na lang niya akong binigyan ng isang pilit na ngiti at hinila ako papunta sa pasukan ng boutique.

“Dali na. Baka mainip pa yung dalawang yun kung hindi pa tayo sumunod agad.” Sambit niya.

Tumango na lang ako at sumunod sa kanya. Sabay kaming pumasok sa loob ng boutique, at nang di inaasaha’y bigla naman akong hinatak ng kambal at pinagtutulak papunta sa dressing room.

“Sandali lang Keith ha. Hihiramin muna namin si Lyka. May ipapasukat lang kaming mga damit sa kanya.” Ang dali-daling pahayag ni Blair.

“And don’t worry. This will only take just a second. Kung gusto mo nga, ikaw pa yung maghusga kung bagay sa kanya ang mga damit o hindi.” Dagdag pa ni Bliss.

Napalingon ako saglit at nakita kong tumango na lang si Keith sa direksyon namin. Mamaya-maya’y tumungo naman siya papunta sa mga accessories.

“Teka, teka. Bakit ako pa yung pinagsusukat niyo ng mga yan? Alam niyo namang ayokong magsuot ng mga ganyang klase ng damit.” Ang agarang pagpoprotesta ko.

Married by ACCIDENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon