Chapter 19

26.5K 393 36
                                        

*The truth is that we hide because we want to be found. We walk away to see who would follow. We cry to see who would wipe away the tears. And we let our hearts get broken to see who would come and go out of their way in order to fix them. 

Keith’s POV 

 

Alam na ni Lyka ang tungkol sa amin ni Denise.

Agad na bumigat ang aking dibdib nang mapagtanto ko ang mapait na katotohanang iyon.

Hindi ko talaga alam kung paano niya natuklasan ang aming muling pagkakabalikan ng ex-girlfriend ko, pero siguradong-sigurado ako na matagal na ring naghihinala si Lyka. At base sa kanyang pakikitungo sa akin noong mga nakaraang araw, at mas lalo na kanina nung isinasagawa namin ang aming final performance para sa drama class, hindi ko na mapagkakaila ang napakalaking posibilidad na talaga ngang nagkaroon na ng kumpirmasyon ang kanyang mga hinihinala. 

Ilang beses akong napasulyap sa direksyon ng kanyang kwarto, at alam kong nandoon siya sa loob ngayong mga oras na ito. Napatayo naman ako mula sa aking kinauupuan at nagsimulang maglakad-lakad sa sala, gulung-gulo ang kaisipan at hindi talaga alam kung ano ba ang dapat kong gawin.

Iritado kong ginulo ang aking buhok pagkaraan, at muli na naman akong napasulyap sa pintuan ng kwarto ni Lyka. Nanatili lang akong nakatitig doon nang ilan pang sandali, pilit na inaayos ang mga kaisipan sa napakagulo kong utak.

Mamaya-maya ay nagbuntong-hininga ako at nag-umpisang umakyat sa hagdanan, patungo sa tapat ng kanyang silid.

 

I hope these tears will stop running someday

Someday after this darkness clear up

I hope the warm sunshine dries these tears

 

When I feel that I’m getting tired of looking exhausted,

I want to give all my dreams I’ve kept hard

Every time I feel that I’m lacking in many things more than I have

I lost strength in my legs and drop down

 

I hope these tears will stop running someday

Someday after this darkness clears up

I hope the warm sunshine dries these tears

Agad kong narinig ang kanyang pagkanta kahit nung ilang talampakan pa ang layo ko sa kanyang kwarto. Habang nagmamasid ay nakita kong hindi pala tuluyang nakasara ang kanyang pintuan, at may maliit na espasyong nakabukas na maaaring pagsilipan. 

Dahan-dahan naman akong naglakad patungo sa direksyong iyon at sumulyap sa loob, sinisiguradong hindi ako masyadong mag-iingay o madidinig ng aking best friend.

Dagli ko namang nakita doon si Lyka, na siyang nakaupo lang sa kanyang kama. Tinutugtog niya ang kanyang gitara at patuloy na kumakanta, at pagkaraan ay napansin kong tila luhaan ang kanyang mukha. Mukhang kanina pa siya umiiyak, sapagkat kitang-kita ko na pawang namumula at namamaga ang kanyang mga mata.

Plano ko sanang lumayo na lamang at iwan siya para makapag-isa, pero tuluyan naman akong napatigil sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang muli niyang pag-awit.

Every day I hold out comforting myself, “It’ll be alright.”

But it makes me afraid little by little

I tell myself to believe in myself, but I don’t

Now I don’t know how longer I can hold out

 

But wait it’ll come

Although the night is long, the sun comes up

Someday my painful heart will get well

 

I hope it helps me now

I hope that God will help me

I don’t have enough confidence anymore

To overcome myself

 

Matagal ko nang alam na isang napakagaling na mang-aawit si Lyka, pero nung mga sandaling iyon, habang pinapakinggan ko siya, ay para bang mas lalo lang siyang gumaling. Kung tutuusin, kapag maririnig mo ang kanyang pagkanta ngayon, madadama mo talaga ang sakit at dalamhati na kanyang ipinapahiwatig, at mararamdaman mo rin ang mga emosyon na kanyang ipinaparating. Kung kaya’t nung mga oras na iyon, tuluyan na talaga akong na-engganyo sa kanyang boses.

 

I hope these tears will stop running someday

Someday after this darkness clears up

I hope the warm sunshine dries these tears

 

But wait it’ll come

Although the night is long, the sun comes up

Someday my painful heart will get well

Someday

Someday

 

Tila natauhan na rin ako nang tumigil na siya sa pagkanta. Nag-strum siya ng ilan pang beses pagkatapos, tinutugtog ang mga huling chords sa kanta, hanggang sa tuluyan itong magwakas. 

Napatingin muli ako sa kanya pagkalipas ng ilang sandali, at nakita kong may tumulo na namang luha mula sa kanyang mata. Agad siyang napayuko pagkaraan, nag-uumpisa muling humikbi.

Dagli na naman akong nakaramdam ng matinding panghihinayang, lalo na dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit siya umiiyak at nagkakaganun. Kung tutuusin rin naman kasi, ang napakawalang-kwenta ko talagang best friend kahit kailan, at wala na akong ibang ginawa kundi ang saktan ang pinakamalapit at pinakamatalik kong kaibigan.

Plano ko na sanang pumasok sa loob ng kanyang kwarto para patahanin siya, ngunit muli akong napatigil sa aking mga yabag nang marinig ko ang kanyang mga sunod na isinambit.

“Keith, kung alam mo lang talaga sana kung gaano mo ako nasaktan nang dahil sa mga ginawa mo. Kung alam mo lang talaga sana kung gaano ako nagsisisi dahil patuloy pa rin akong nagpapakatanga alang-alang lamang sa’yo. At kung alam mo lang talaga sana kung gaano ako nagagalit sa sarili ko dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang patigilan ang puso ko sa pagmamahal sa’yo.”

[Click on the video at the side to listen to the song, "Someday" by IU.]

[P.S. I do not own the video, the song, or the lyrics. Credits to the video makers, the song artists and the composers.]

Married by ACCIDENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon