Chapter 2

38.4K 503 24
                                    

 

*I’m jealous. So much. But the problem is that I don’t have the right to feel that way. Because you’re not mine in the first place.

“So, how was school?” Ang kaswal na tanong ni Tita Jasmine sa akin, sabay latag ng table cloth sa dining table nung dapit-hapong iyon.

Tinulungan ko siyang ayusin yun, at pagkatapos ay nag-umpisa na kaming maglagay ng mga pinggan, baso, at iba’t ibang klase ng silverware.

“Okay rin naman po.” Ang matipid kong sagot, sabay bigay sa kanya ng isang maliit na ngiti.

Tumango siya sa direksyon ko, pero mamaya-maya’y bigla siyang napabuntong-hininga.

“Saan nga ulit nagpunta si Keith?” Ang tila iritadong sambit niya.

Hindi ko mapigilang mapayuko nang marinig ko ang tanong niya.

“Hindi ko po alam.” Pahayag ko, hindi pa rin makatingin sa kanya nang diretso. “Basta sabi niya po sa akin kanina, may pupuntahan daw sila sandali ni Denise kaya hindi po siya makakasabay sa inyo sa pagpunta dito.”

Muling nagbuntong-hininga si Tita Jasmine.

“That boy.” Ungol niya, halata na talagang naiinis. “Sa lahat ba naman ng araw na pwede niyang piliin para makipag-date, ngayon pa talaga.” Pagpapatuloy niya.

Nanatili na lang akong nag-aayos ng hapag-kainan, hindi umiimik. Nang ako’y napatingala ay dun ko napansing tinititigan pala ako ng mom ni Keith.

“Ano po yun?” Ang nagtatakang tanong ko.

Panandaliang nanlaki ang mga mata ni Tita Jasmine, at ilang beses siyang umiling para matauhan.

“Pasensya na talaga Dear.” Ang dahan-dahan niyang sambit. Tumingin siya muli sa direksyon ko, napapaisip. “It’s just that, I couldn’t help but wonder why Keith didn’t choose you as his girlfriend.” Pahayag niya.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng pagkailang at mapayuko muli.

 

Hindi ko nga rin po maintindihan kung bakit hindi na lang talaga ako ang pinili niya. Gustung-gusto ko talagang sabihin, pero pinilit ko ang sarili kong manatiling tahimik na lamang at magmukhang hindi apektado.

“It’s not that I have anything against Denise of course.” Pagpapatuloy ni Tita Jasmine, malayo muli ang tingin. “Hindi ko lang talaga kasi maiwasang magtaka. Lalo na dahil simula pagkabata, malapit na malapit na kayong dalawa ni Keith sa isa’t isa. I’ve always thought that you two would end up together when you grow up.” Dagdag pa niya.

Pilit akong ngumiti nang marinig ko ang mga sinabi niya.

“Pero Tita, alam niyo naman pong magkaibigan lang talaga kaming dalawa ni Keith. It has always been that way for years. And I don’t think we’ll ever be more than that.” Pahayag ko.

Nang di inaasaha’y bigla na lang may namuong mga luha sa aking mga mata, at ilang beses akong kumurap para pigilan ang mga ito sa pagtulo. Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Tita Jasmine, at mamaya-maya’y malumanay niya akong tinapik sa aking balikat. Muli na naman siyang nagbuntong-hininga pagkatapos.

“My son is such a dense boy.” Ang mahinang sambit niya, at hindi ko talaga alam kung ibig ba niyang iparinig iyon sa akin o hindi.

Pagkaraan ay nagpatuloy na lamang kami sa pag-ayos ng hapag-kainan. Pagkalipas ng ilang minuto ay pumasok na rin sa dining room sina Tita Kate, kasama sina Tita Camille at Tita Vanessa, pati na rin sina Bliss at Blair. Lahat sila ay may hawak na iba’t ibang putahe, na agad naman nilang inilapag at iniayos sa mesa.

Mamaya-maya’y pumasok na rin sina Dad, Tito Clark, Tito Alex, Tito Andrew at Tito Ralph, kasama sina Drake at Dustin, na may mga hawak na tatlong bandehado na puno ng steak at barbecue.

Nang maihain na ang lahat ng aming kakainin ay tinawag na namin sina Piper (little sister ni Keith), Bendix (little brother nina Bliss at Blair), Valerie (little sister ni Drake) at Devin (little brother ni Dustin), na kanina pang naglalaro sa garden para magpalipas-oras.

Nag-umpisa na rin kaming magsikain pagkatapos.

“Dadating pa kaya si Keith?” Tanong sa akin ni Blair, sabay upo sa isang tabi ko.

“Oo nga. Gabi na o. Hindi kaya nakalimutan na niya yung dinner?” Dagdag pa ni Bliss, na pumwesto naman sa kabila.

Nagpatuloy lang ako sa paglagay ng pagkain sa plato ko.

“Dadating siya. Sigurado ako diyan. Late lang yun.” Paninigurado ko, pero sa totoo lang, hindi rin talaga ako mapalagay nung mga sandaling iyon.

Ngunit kahit papano ay napahinga ako nang maluwag nang marinig namin ang biglaang pagtunog ng doorbell.

“A, baka si Keith na yan.” Ang agad na pahayag ni Tita Jasmine.

“Lyka, pwedeng pakisalubong na lang sa kanya? Nasa kusina pa kasi sina Ate Rosa. Baka hindi nila agad mapagbuksan ang batang yun. Gabing-gabi pa naman.” Pakiusap sa akin ni Tita Kate.

Tumango ako at madaling lumabas ng bahay, sabay diretso patungo sa gate. At gaya ng hinala ni Tita Jasmine, si Keith nga ang dumating.

“Ano ba yan. Lagi ka talagang huli.” Ang mapang-asar na bati ko sa kanya, sabay bigay ng isang mapagbirong ngiti.

Napatawa siya saglit, at napangiti na rin pagkatapos.

“Nandiyan na ba silang lahat?” Tanong niya.

Tumango ako.

“Ikaw na lang ang kulang. Tsaka nag-uumpisa na silang kumain doon sa loob. Ang tagal mo kasi e.” Sabi ko.

Napatawa muli siya.

“Pasensya na. Hindi kasi namin namalayan ni Denise yung oras eh. Kaya ayun, nahuli kami ng dating.” Sambit niya.

“Teka, wag mong sabihing…?” Umpisa ko, pero hindi ko na naipagpatuloy ang mga susunod na sasabihin ko nang ma-realize kong hindi pala nag-iisa si Keith.

Sapagkat nasa likuran at hawak-hawak ang kamay niya ay walang iba kundi ang girlfriend niyang si Denise Raymundo.

Married by ACCIDENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon