*Fate is just too unpredictable. Fate plays tricks on you when you least expect it. ACCEPT. That’s the only thing you can do. What will happen happens.
Headache.
Yan ang nagpagising sa akin nung umagang iyon. Isang matiniding hangover. Isang nakaririnding sakit ng ulo. At isang nakakahilong disposisyon.
Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko, at napapikit muli nang masilawan sa liwanag ng ilaw sa kwarto. I groaned and turned to my side, rubbing my eyes. Umurong ako ng konti para umunat, pero agad naman akong nagtaka nang maramdaman kong para bang may katabi ako. Na para bang hindi lang ako mag-isa sa kama.
Iminulat ko muli ang aking mga mata, naguguluhan. At agad namang nanlaki ang mga ito nang makita ko kung sino ang kasama kong nakahiga doon. Napasigaw ako pagkatapos at madaling lumayo ng ilang pulgada. Dagli namang nagising ang katabi ko.
“Ano ba yan, Lyks. Kauma-umaga, ang ingay-ingay mo.” Ang agarang reklamo niya, sabay bangon.
Nanatili pa rin akong nakalayo sa kanya at ginamit ko ang isang unan sa ulunan ko bilang pangharang.
“T-teka lang, Keith. Bakit ka nandito?” Demanda ko, hindi alam kung dapat ba akong mailang o magalit nung mga sandaling iyon.
Tumayo ang best friend ko at umunat, tila mawalang-bahala nung mga oras na iyon. Binigyan niya ako ng isang mapang-asar na ngiti pagkatapos.
“Malamang, para matulog. Ang sobrang obvious naman ng tanong mo, Lyks.” Pangungutya pa niya.
Hindi ko mapigilang mag-eyeroll.
“Geez. Ang ibig kong sabihin, bakit nasa iisang kwarto lang tayong dalawa?” Pagkaklaro ko.
Nagkibit-balikat na lamang siya.
“Malay ko sa manager ng bar. Siya kasi yung pinag-book ko ng hotel room dito. Baka akala niya couple tayo kaya iisang kwarto lang yung pina-reserve niya.”
Muli na namang nanlaki ang mga mata ko.
“Wag mong sabihing…” Umpisa ng accusation ko, sabay bigay sa kanya ng isang masamang tingin.
Agad naman siyang napatawa sa ekspresyon sa mukha ko.
“Grabe ka naman, Lyks. Kalma lang. Walang nangyari sa atin.” Sagot niya.
Hindi pa rin ako gumagalaw sa posisyon ko.
“At paano ko naman masisigurado yun? Malay ko ba kung nagsisinungaling ka lang pala.” Pagpapatuloy ko.
Muli siyang napatawa. Pero mamaya-maya’y bigla na lang naging seryoso ang ekspresyon sa kanyang mukha, at lumapit siya sa akin. Lumayo na naman ako, hanggang sa tuluyan na akong nakasandal sa ulunan ng kama, samantalang patuloy lang siya sa paglapit sa akin, at pagkaraan ay ilang pulgada na lamang ang layo ng mukha niya sa mukha ko.
“U-uy K-Keith, ano na naman y-yang ginagawa mo?” Ang tila kabado kong sambit, nang-iinit ang mukha.
May namuo na namang mapang-asar na ngiti sa kanyang mga labi, at bigla niya akong hinalikan sa aking noo.
“Wala ngang nangyari sa atin.” Paninigurado niya, nakatitig sa aking mga mata. “Alam kong kailangan ko ng kasangga kagabi, Lyks. Pero kahit kailan ay hinding-hindi ako susuko sa tukso at sasamantalahin ang pagkakataon. Marunong akong kontrolin ang sarili ko. Mas lalo na dahil ikaw ang kasama ko.”
Ilang beses akong kumurap, at napatango na lamang ako, hindi talaga makapagsalita nung mga sandaling iyon. Ngumiti muli si Keith at dagling lumayo sa akin, sabay tungo sa direksyon ng banyo.
“Sige, shower muna ako a.” Pagpapaalam niya, sabay pasok doon.
Napatango na lamang muli ako, tila wala sa sarili. Napunta ang kamay ko sa aking noo, sa mismong bahagi na hinalikan ni Keith. Muli na namang nang-init ang mukha ko pagkatapos, at agad-agad ko pinagsasampal ang mga pisngi ko para matauhan kahit papano.
Pagkaraan ay bumangon ako mula sa kama at umunat. Narinig ko ang pag-agos ng tubig mula sa shower sa banyo, pati na rin ang paghiging ni Keith sa background. Sinuri ko naman ang sarili ko nung mga sandaling iyon, mula sa magulo kong damit, pati na rin sa buhok ko.
Hindi ko pa rin talaga mapigilang magduda sa mga sinabi ni Keith. Kung tutuusin, posible rin naman talagang may mangyari sa pagitan namin e. Pero hindi naman sa kagustuhan ko iyon no. Naninigurado lang talaga ako. At siyempre, dapat wala nga talagang mangyari. Hindi yun pwede. Dahil ayoko namang magkailangan kami ni Keith. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin. Lalo na dahil mag-best friends kami.
Ayun na nga, hanggang mag-best friends lang talaga kami.
Ilang beses akong pwersahang umiling, pinagpapalo na naman ang mga pisngi ko. Ano ba yan, Lyka Nadine Santiago! Hindi ngayon oras para magdrama! Ayusin mo na kaya yang sarili mo no? Mukha kang sinugod ng bagyo sa itsura mong yan! (-_-)
Hinanap-hanap ko sa kwarto ang handbag ko, at nakita kong nakapatong iyon sa recliner na malapit sa kinauupuan ko. Naglakad ako papunta doon at madali itong kinuha. Dun ko naman napansin ang papel na nakaipit sa ilalim nito, na siyang kinuha ko na rin.
Agad namang nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang mga nakalagda doon. Saktong-sakto, lumabas si Keith mula sa banyo, basa ang buhok at may suot na maluwag na t-shirt at pantalon.
"O, ano yang binabasa mo at mukhang takot na takot ka diyan?" Ang naguguluhang tanong niya, sabay lapit sa akin.
"K-Keith..." Umpisa ko, nanginginig ang boses. "Natatandaan mo ba ang mga nangyari kagabi?"
Napaisip siya at pinagkibit ang kanyang mga balikat.
"Nalasing tayo. At pagkatapos nun, gaya ng sinabi ko sa’yo kanina, tinulungan tayo ng manager ng bar na maka-book ng hotel room dito. Tsaka nakatulog agad tayo pagkapasok natin. Ayun lang naman talaga diba?" Tugon niya.
Ilang beses akong umiling, at inabot ko sa kanya ang papel, hinding-hindi talaga makapaniwala sa mga nabasa ko.
"Keith, hindi lang yun ang nangyari." Sambit ko, kabadong-kabado.
Halatang naguguluhan na siya sa mga pinagsasabi ko, kaya binasa na niya ang mga nakasulat sa papel. Mamaya-maya'y nanlaki rin ang kanyang mga mata.
"J-joke lang 'to diba...?" Ang nag-aalinlangan niyang tanong, hindi na rin mapalagay.
Napabuntong-hininga ako at malungkot na umiling. This was definitely no joke. Hindi ko talaga alam kung paano nangyari ang lahat-lahat, pero meron na kaming proweba sa mga totoong naganap kagabi. Mga kaganapang sigurado akong pagsisisihan naming dalawa nang sobra-sobra.
"Keith, last night while we were drunk, WE GOT MARRIED BY ACCIDENT."
BINABASA MO ANG
Married by ACCIDENT
Fiksi Remaja[Accidental Romances Series Book II] [Summary] Matagal nang in love si Lyka Santiago sa best friend at childhood friend niyang si Keith De Chavez. Malas niya lang dahil girlfriend naman ni Keith ang kaibigan niyang si Denise Raymundo. Pero siyempre...