Chapter 15

27.8K 393 51
                                    

*You know what hurts the most? It’s the mere fact that no matter what I do, I still can’t force my heart to stop loving you.

Keith’s POV

 

Agad akong lumabas ng silid pagkatapos na pagkatapos naming masilayang lahat ang biglang pag-amin ni Cedric Ramirez kay Lyka. Hindi ko talaga alam kung bakit, pero bigla na lang sumama nang sobra-sobra ang aking loob nung mga oras na iyon. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ako nagkakaganun, at naging gulung-gulo rin ang aking isipan pagkatapos naming madatnan ang pangyayaring iyon. 

Iritado akong nagbuntong-hininga pagkaraan, at madaling lumabas ng karaoke house para magpahangin saglit, umaasang sana ay mawala na ang inis na nararamdaman ko kapag makalayu-layo muna ako sa aking mga kasamahan.

Takte naman. Bakit ba kasi ako nagkakaganito nang dahil lang sa mga kaganapan kanina? Kung tutuusin, halata naman kasing matagal nang may gusto si Cedric kay Lyka, at hindi rin malabong magkagusto ang best friend ko sa kanya lalo na dahil malapit na malapit sila sa isa’t isa. Pero ang nakakainis lang talaga ay ang katotohanang bigla na lang sumasama ang loob ko tuwing naiisip kong masayang magkasama ang dalawang iyon sa piling ng isa’t isa.

Bwiset. Nagiging over-possessive na ata ako e. Di porket na best friend ko si Lyka ay ibig sabihin na ako lang ang lalaking pwede niyang kaibiganin. Natural lang naman na magkakaroon din siya ng iba pang mga kaibigan, most especially with her carefree and outgoing personality. At natural lang rin na marami ang magkakagusto at magbabalak na manligaw sa kanya, lalo na dahil maganda, talented na singer, at mabait talaga siya. Hindi rin naman kasing mahirap mahalin si Lyka e. Sa totoo nga, ang sobrang dali lang talaga.

Agad naman akong pwersahang umiling nang ma-realize ko ang mga iniisip ko. Letsugas naman, Keith. Kung anu-ano na namang pumapasok diyan sa utak mo. Brokenhearted ka lang kay Denise tapos nagiging ganyan na ang tingin mo sa best friend mo? Tarantado ka talagang sira-ulo ka. (=_=)

Patuloy lang ako sa pagtambay doon sa may labasan, pilit na ino-organize ang mga kaisipan sa napakagulo kong utak. Bigla namang nag-vibrate ang cellphone ko pagkatapos, at nang inilabas ko ito para tingnan kung sino ang nag-text sa akin ay dun ko napagtantong isang message na naman galing kay Denise ang natanggap ko.

Keith, can we talk again please? I’m begging you.

 

From: Denise 

+63926*******

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako tinatantanan ng ex-girlfriend ko. Hindi pa rin siya tumitigil sa pangungulit sa akin, lalo na sa school. At kung wala naman kaming pasok ay walang sawa siyang nag-te-text at tumatawag sa akin. Mapupuno na nga ang memory ng cellphone ko dahil sa dami ng mga messages na natanggap ko galing sa kanya. Kahit ang inbox ko sa Facebook at e-mail ay punung-puno na rin ng mga private messages niya. At sa tuwing bino-block ko siya ay naghahanap pa rin siya ng paraan para ma-contact muli ako. Buti nga at hindi na siya pumupunta sa bahay o di kaya’y sumusunod sa akin kapag ako’y umuuwi. (=_=) 

Nagbuntong-hininga ako at balak na sanang ibalik sa aking bulsa ang cellphone ko, nang bigla ko na lang naisipang pindutin ang call button at tawagan ang number ni Denise. Huminga ako nang malalim at itinapat sa aking tenga ang receiver, letting the mobile ring.

Madali namang sinagot ni Denise ang aking tawag sa pangatlong ring, at halatang sabik na sabik siya nang mamalayang pinansin ko na rin siya sa wakas.

“Keith, buti naman at tumawag ka! Ibig sabihin ba nito na—” Umpisa ng kanyang pahayag, na agad ko namang pinutol.

“Magkita tayo sa park na malapit sa bahay ninyo. Doon tayo mag-usap.” Tugon ko, at pagkatapos ay agad kong inend ang tawag bago pa siya makapagsalita muli. Binalik ko ang aking cellphone sa bulsa ko at nag-umpisang maglakad.

Nagbuntong-hininga na naman ako pagkaraan, at ginulo ko ang aking buhok.

Ano na namang kaguluhan ang pinapasukan mo, Keith? Tama ba talaga yang plano na iniisip mo? Baka sa huli pumalpak ka na naman nang dahil diyan sa kabalastugan mo. Ang agad kong naisip nung mga sandaling iyon.

Isang buntong-hininga na naman ang lumabas sa aking bibig. 

Hay, bahala na nga. Bahala na sina Batman, Superman, Spiderman, Ironman at kung sino pang superhero na kinikilala diyan. Go with the flow na lang. Kung ano ang dapat na mangyari, yun ang mangyayari.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na rin ako sa park na isang street lang ang kalayuan mula sa Raven’s Tail. Malapit-lapit lang rin doon ang tahanan nina Denise, at walking distance lang ang kalayuan nito papunta sa mall.

Madali ko namang nakita doon ang dati kong kasintahan, na siyang nakaupo sa isa sa mga benches malapit sa pasukan. Agad siyang tumayo nang nakita niya akong naglalakad patungo sa kanya.

Dagling bumigat ang dibdib ko at sumakit ang puso ko nang madatnan ko siya. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin talaga mapigilang maging ganito sa tuwing nakikita ko siya. Hindi ko pa rin mapigilang masaktan, at hindi ko rin mapigilang manghina sa bawat pagkakataong nagkakaharap kaming dalawa. Totoo nga talagang hindi pa rin ako tumitigil sa pagmamahal sa kanya.

“Keith, buti naman at pumayag ka nang makipag-usap muli sa akin.” Sambit niya, sabay bigay ng isang masayang-masayang ngiti sa akin.

At bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay agad ko siyang niyakap nang sobrang higpit, tila wala na talagang planong bumitaw sa kanya nung mga sandaling iyon.

Sa totoo lang, nung mga oras na iyon, para bang nakalimutan ko na ang lahat ng mga pinoproblema ko. Ang ilangan sa pagitan namin ni Lyka, ang biglang pag-amin sa kanya kanina ni Cedric, ang malapit na naming kasalan at pagtira sa iisang bubong pagdating ng bakasyon, at kung anu-ano pa. Tuluyan na talaga akong naging manhid sa mundo during those moments. Kasi ang tanging namamalagi lang sa aking isipan ay ang katotohanang yakap-yakap ko ang babaeng minahal ko noon at minamahal pa rin hanggang ngayon.

“Keith?” Tawag ni Denise sa akin, halatang naguguluhan sa aking mga ikinikilos.

Mas lalo ko namang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.

“Oo na. Pumapayag na ako sa kagustuhan mo. Makikipagbalikan na ako sa’yo.”

Married by ACCIDENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon