*I’m trying really hard not to cry over you right now, because every tear is just one more painful reminder that I don’t know how to ever let you go.
Lyka’s POV
Halos isang oras na akong naglalakad-lakad sa daanan, nakayuko lang at dala-dala ang aking mga maleta. Kahit papano ay tumigil na rin sa pagtulo ang mga luha sa aking mga mata, at nabawasan na rin nang konti ang sama ng loob na aking nararamdaman simula nung aming komprontasyon ni Keith.
Alam ko, nagmumukha na akong tanga dito, at alam ko ring sa pananaw ng mga taong nadadaanan ko o di kaya ng mga taong nakakakita sa akin, nagmumukha akong nagrebeldeng bruha na naglayas sa kanilang bahay. Pero kung tutuusin rin kasi, parang totoo naman kahit papano ang kanilang papanaw. Kasi tanga naman talaga ako. At isa naman talaga akong bruhang nagrebelde at nakipaghiwalay sa kanyang asawa at naglayas pa mula sa kanilang bahay.
Mamaya-maya ay napatigil na lang ako bigla sa aking mga yabag, at nang pinagmasdan ko ang aking kapaligiran ay dun ko napagtantong nasa tapat na pala ako ng entrance ng park na malapit lang sa school namin. To think, sa halos isang oras na palaboy-laboy lang ako sa daanan, dito pa ako dadalhin ng mga paa ko.
Nagbuntong-hininga ako at tumungo papunta sa isa sa mga bench na malapit sa fountain. Pinagmasdan ko muli ang aking mga kapaligiran, tinatandaan ang mga masasayang ala-ala na nabuo dito sa park na ito.
Sa pagkakaalam ko, dito sa lugar na ito aksidenteng nagkaroon ng relasyon sina Mom at Dad (refer to My Boyfriend by Accident Chapter 4). Sa di inaasahang pagkakataon, pinaglaruan ng tadhana ang mga magulang ko, at dahil sa mga sunud-sunod na mga makabuluhang pangyayari, nang di nila akalain ay bigla na lang naging sila.
Ngunit hindi lang iyon ang mga ala-ala ng aking mga magulang na nabuo dito sa parkeng ito. May kasama rin kasing mga masasakit at nakakapanghinayang na mga pangyayaring naganap sa kanilang mga buhay dito. Tulad nang maghiwalay silang dalawa sa pangalawang pagkakataon (refer to My Boyfriend by Accident Chapter 26).
Sa totoo lang, hindi ko masyadong alam ang mga talagang nangyari at ang mga totoong dahilan kung bakit nila binigyang-wakas ang kanilang relasyon, pero siguradong-sigurado ako na pareho talaga silang nasaktan at nagdalamhati nang mangyari ang lahat ng iyon. Buti nga at nagkabalikan rin sila sa huli, kahit na nangyari lang naman iyon pagkalipas pa ng mahigit pitong taon.
Huminga ako nang malalim at sumandig sa likuran ng bench. Tulad nina Mom at Dad, meron rin akong mahahalaga at hindi makakalimutang mga ala-alang nabuo dito. At ang isa sa mga ito ay naganap nung araw na aking na-realize na mahal ko na pala ang aking pinakamalapit at pinakamatalik na kaibigan na si Keith.
Pre-school at nasa nursery level palang kami noon nina Keith, Bliss, Blair at Drake, mga apat na taong gulang pa lamang ang aming mga edad. Doon kami sa playground na nakapwesto sa bandang dulo lang ng park, at sa pagkakaalala ko, Biyernes nung araw na iyon at kakatapos lang ng lahat ng aming mga klase, at tulad ng aming karaniwang gawain ay dumiretso kami sa palaruan para magpalipas-oras at maglaro.
Kasama din namin doon sina Ate Gina, Ate Lilia, Ate Rosa at Ate Loressa (kasambahay nina Drake), na nagsisilbing mga tagasundo at tagabantay namin pagdating ng oras ng uwian mula sa school. Nasa swing set kami nina Bliss at Drake noon, samantalang sina Blair at Keith naman ay nagsasalit-salitan sa slide.
Nakaupo kami sa magkabilang swing ng aking pinsan, samantalang si Drake naman ang nagsilbing tagatulak namin. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay masyadong napalakas ang pwersa ng pagtulak sa akin ng aming kalaro, at nang nasa pinakataas na kalingkingan na ako ng swing ay bigla na lang akong napabitaw dahil sa sobrang pagkabigla at pagkatakot.
Kung tama pa nga ang aking mga inaalala, alam kong agad akong napapikit nung mga sandaling iyon, pawang inaasahan na ang sakit na aking madadama pagdating ng segundo’y ako’y mahulog sa lupa. Ngunit nang di akalain ay wala akong naramdamang sakit kahit nung lumipas na ang ilang sandali, at nang aking idinilat ang aking mga mata ay nakita kong nakapatong na ako sa ibabaw ni Keith, na siyang tumakbo pala papunta sa akin para ako’y isalba at saluin.
And the instant that I opened my eyes and saw his face, and the moment that our eyes met during that faithful day, I knew for a fact that the happening that occurred earlier had marked the beginning of my unrequited love for my best friend.
Hot and fresh tears immediately formed in my eyes once again as those old and precious memories came flashing back before my very eyes.
Keith, sinalo mo ako nung unang beses na ako’y nahulog, ngunit bakit hinayaan mo na lang ako nung nagsimula namang mahulog ang loob ko sa’yo? You just let me fall continuously, until it came to the point that when you weren’t there to catch me, I ended up too broken and bruised up that I can no longer get up and stand by myself.
Napahikbi na naman ako pagkaraan, hindi na talaga mapigilan ang muling pagbigat ng aking dibdib at pagsakit ng aking puso.
Bakit ba kasi ang sobrang sakit pa rin ng aking pakiramdam? Hindi ba’t ito rin naman talaga ang gusto ko? Ang tuluyan nang makawala sa aming kasalan ni Keith at mabigyang-katapusan na rin sa wakas ang aking patuloy na pag-iintindi at pagtitiis nang alang-alang sa kanya? Hindi ba’t ginawa ko naman ang tama? Hindi ba’t ginawa ko naman ang nararapat na gawin para na rin sa kapakanan naming lahat? Pero bakit ba hanggang ngayon ay sobra pa rin akong nagsisisi at nanghihinayang nang dahil sa mga desisyong pinili ko? Bakit ba hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapalagay at maluwagan ng loob nang dahil sa lahat ng mga ginawa ko?
“Lyka.” May bigla na lang tumawag sa akin mula sa aking harapan.
Agad naman akong tumingala para tingnan kung sino iyon, at sa totoo lang, nagbabaka-sakali talaga ako na sana si Keith iyon. Ngunit laking gulat ko na lang nang makita ko si Cedric, na siyang tinitingnan ako nang maigi at nag-aalala ang ekspresyon sa kanyang mukha.
“C-Ceddy? A-anong ginagawa mo d-dito?” Sambit ko, sabay hinga muli nang malalim, pilit na pinapakalma ang aking sarili.
Dagli naman siyang tumabi sa akin doon sa bench, hindi pa rin inilalayo ang kanyang tingin sa akin.
“Nagmamaneho kasi ako papunta sa studio, nang bigla na lang kita nakitang naglalakad sa may daanan at may dala-dalang mga maleta. Napagtanto ko kaagad na posibleng naglayas ka sa inyo, at alam kong malaki ang dinadala mong problema ngayon.” Sagot niya.
Mas lalo lang akong napaiyak pagkatapos, at bigla naman niya akong niyakap nang sobrang higpit.
“It’s okay. Just cry all you want. Don’t worry, I won’t ever leave you. I’ll stay by your side until you finally feel at least a little bit better. So as of now, just cry all you want.” Tugon niya, mas lalong hinihigpitan ang pagkakayakap niya sa akin.
And after hearing his words, I immediately cried to my heart’s content.

BINABASA MO ANG
Married by ACCIDENT
Novela Juvenil[Accidental Romances Series Book II] [Summary] Matagal nang in love si Lyka Santiago sa best friend at childhood friend niyang si Keith De Chavez. Malas niya lang dahil girlfriend naman ni Keith ang kaibigan niyang si Denise Raymundo. Pero siyempre...