Prologue [Part 1]

52K 682 48
                                        

Masakit malamang hindi ka mahal ng taong mahal na mahal mo.

Masakit malamang kailanman ay hinding-hindi niya masusuklian ang mga nararamdaman mo.

At masakit malamang hindi ikaw ang makapagpapasaya sa kanya at kukumpleto sa buhay niya.

Pero alam niyo ba kung ano pang mas masakit sa mga nauna kong nabanggit?

Yun ay ang magmahal sa isang tao nang lubus-lubusan,

Pero hanggang sa huli’y hindi mo masabi sa kanya ang mga tunay mong nararamdaman.

Hindi matatawaran ang tindi ng sakit na mararamdaman mo sa ganung sitwasyon.

Ang manatiling tahimik na lang sa sidelines.

Ang magkunwaring hindi ka apektado tuwing nakikita mong masaya siya sa piling ng iba.

Ang maglagay ng pekeng ngiti sa mukha mo at magpanggap na natutuwa ka para sa kanila.

Ang magsuot ng maskarang masaya para matakpan ang mukha mong lumuluha na.

Ang manatiling taga-comfort at balikat na iniiyakan niya tuwing nasasaktan siya.

At ang magpaka-martyr alang-alang sa pagmamahal mo para sa kanya.

Sa totoo nga,

Daig mo pa yung mga artistang nanalo ng award bilang best actor at best actress dahil sa galing ng pag-aarte mo.

Pero hanggang kailan mo pa ba ipagpapatuloy ang pagtitiis mong yan?

Hanggang kailan mo pa ba pipigilan ang mga nararamdaman mo?

At hanggang kailan mo pa ba uulit-uliting saktan ang puso mo?

Hihintayin mo pa bang tuluyan na siyang maagaw ng iba?

Hihintayin mo pa bang mawala na talaga siya sa piling mo?

Hihintayin mo pa bang maging huli ang lahat para maamin mo na rin sa wakas ang mga nararamdaman mo?

Kailangan mo nang gumawa ng paraan para mapasa-iyo siya.

Kailangan mo nang ipakita na hindi lang simpleng kaibigan ang tingin mo sa kanya.

Kailangan mo nang iparating sa kanya ang pag-ibig mong matagal mo nang tinatagu-tago at binabalewala.

Bago ka pa maunahan ng iba.

Dahil sa huli,

Kung mananatili ka na lang bilang tagapagsubaybay ng buhay niya,

Siguradong magsisisi ka nang tuluy-tuluyan.

Kasi nga naman diba,

“Regrets are always in the end.”

Hihintayin mo pa bang humantong doon ang sitwasyon mo bago ka kumilos?

Married by ACCIDENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon