*Relationships are like glass. Sometimes, it’s better to leave them broken than to hurt yourself by continuously trying to put the pieces back together.
Keith’s POV
Pagsapit ng 8:00 ng umaga, dumating na rin sa wakas mula sa France si Audrey Raymundo, ang nag-iisa at nakatatandang kapatid ni Denise.
“Thank you talaga sa pagbantay kay Denise habang wala pa kami nina Mama at Papa, Keith.” Sambit ni Ate Audrey, nakangiti sa akin at tinatapik ako sa aking balikat.
Dagli naman akong tumango sa kanyang direksyon at tumayo mula sa aking kinauupuan, na siyang nasa tabi lang ng aking dating kasintahan. Pinagmasdan ko sa huling pagkakataon si Denise at hinawakan muli ang kanyang kamay, giving it one last squeeze as a sign of my final goodbye to her.
Pagkaraan ay tumalikod na rin ako sa kanya at humarap sa kanyang kapatid, na inaayos naman ang lahat ng kakailanganin niya para sa mga linggong siya’y mamamalagi dito sa ospital.
“Sige po, Ate Audrey. Mauuna na po ako.” Pagpapaalam ko sa kanya, sabay lakad patungo sa pintuan palabas ng silid.
“Okay, Keith. Ingat ka sa pag-uwi mo ha.” Paalala naman ni Ate Audrey sa akin.
Muli akong tumango sa kanyang gawi at lumingon saglit para tingnan na naman si Denise, na siyang mahimbing na natutulog sa kanyang higaan. Huminga na rin ako nang maluwag at naglakad palabas ng hospital room niya.
Madali naman akong tumungo sa parking lot at pumasok sa aking kotse, agad na nagmamaneho patungo sa direksyon ng aking bahay pagkatapos.
At pagkalipas ng ilang sandali ay hindi ko talaga mapigilang magbuntong-hininga.
Ngayon at uuwi na ako sa aming tahanan ni Lyka, pawang hindi ko magawang pigilan ang sarili kong makaramdam ng matinding kaba nung mga oras na iyon. Dahil sa aksidenteng natamo ni Denise, hindi na talaga mapipigilan ang paghihinala tungkol sa tunay na namamagitan sa amin ng aking dating kasintahan, hindi lang mula kay Lyka, kundi posibleng pati na rin mula sa aming mga kabarkada. Tutal, hindi rin talaga mapipigilan ang pagsususpetsa, sapagkat ako lang naman ang kasama ni Denise nung araw na iyon.
Hay. Takte naman. Kailangan ko na talagang ipaliwanag ang lahat-lahat sa kanila once and for all, para maayos na rin ang kung anumang gulong aking inumpisahan.
Agad akong pinagbuksan ng gate ni Ate Lilia pagkalipas ng ilang sandali simula nung ako’y unang bumusina. Nang akin nang naiparada ang aking sasakyan sa driveway ay dagli akong tumungo papunta sa looban.
Madali ko namang nakita si Lyka sa sala pagkapasok na pagkapasok ko, nakaupo sa recliner at mukhang hinihintay ang aking pagdating.
“Lyka.” Ang agad na tawag ko sa kanya, nagiginhawaan na rin ng loob ngayon at kasama ko na muli siya.
Lumingon naman siya sa aking direksyon, at dagli akong naguluhan nang aking nakita ang napaseryosong ekspresyon sa kanyang mukha.
“Buti naman at nakauwi ka na rin sa wakas, Keith.” Bati niya sa akin, sabay tango nang konti sa aking gawi.
Dun ko naman napansin ang kanyang mga maleta, na siyang nakalabas at nakasandig malapit sa hagdanan, pati na rin ang mga papeles na nakapatong sa ibabaw ng living room table.
“Teka, bakit nakalabas ang mga maleta mo? Bakit naka-impake rin ang mga gamit mo? At ano yang mga documents na nakapatong diyan sa mesa na nasa harapan mo?” Ang sunud-sunod na mga tanong ko sa kanya, naguguluhan na talaga nang sobra-sobra.
BINABASA MO ANG
Married by ACCIDENT
Teen Fiction[Accidental Romances Series Book II] [Summary] Matagal nang in love si Lyka Santiago sa best friend at childhood friend niyang si Keith De Chavez. Malas niya lang dahil girlfriend naman ni Keith ang kaibigan niyang si Denise Raymundo. Pero siyempre...