Chapter 24

26.9K 382 19
                                        

*I hate to see the one I love happy with someone else, but I would surely hate it more to see the one I love unhappy with me. 

Lyka’s POV 

 

“Nandito na tayo.” Tawag sa akin ni Cedric nung mag-gagabing iyon, pagkalipas ng halos isang oras na biyahe galing sa studio ni Dad papunta sa St. Luke’s Medical Hospital, ang branch na nandito sa Quezon City. 

Dahil hindi agad makakapunta sina Drake, Bliss, Blair, o kahit sinuman sa mga kabarkada ko, nagpasama na lang ako kay Cedric papunta sa ospital. Buti naman at dala niya ang kanyang sasakyan pagkapunta niya ng studio, at dahil wala rin naman siyang pupuntahan pagkatapos ng kanilang performance, pumayag siyang ihatid ako dito.

Dagli niyang ipinarada ang kanyang kotse sa isa sa mga bakanteng pwesto doon sa parking lot at pinatay ang engine pagkatapos. Madali naman akong lumabas mula sa passenger side ng sasakyan at tumungo papasok ng ospital.

“Una na ako a?” Ang nagmamadali kong pagpapaalam sa kanya bago ako tumakbo papunta sa looban.

Nakita kong tumango na lang siya sa aking direksyon, tila nagulat sa biglaan kong pag-alis. Nagpatuloy naman ako sa aking pagtakbo, mas lalong binibilisan ang aking mga yabag.

“Saang room po naka-assign ang pasyente ninyong si Denise Raymundo?” Ang agarang tanong ko sa nurse na naka-assign na mag-assist doon sa front desk.

Halatang nagulat ito sa biglaan kong paglitaw, pero dagli rin naman siyang natauhan at kanyang isinuri ang kanyang listahan ng mga pasyenteng namamalagi doon.

“She’s currently staying in the recovery room as of the moment, but she’ll get transferred to a private room after a short while.” Sagot niya.

Madali naman akong tumango sa kanyang gawi pagkatapos.

“Thank you po.” Sambit ko, at pagkaraan ay dagli akong tumungo papunta sa direksyon ng recovery room.

Agad kong nadatnan sina Keith at Denise doon nang ako’y pumiring sa glass window, at nang papasok na sana ako sa loob ay bigla na lang akong napatigil sa aking mga yabag. Madali na namang bumigat ang aking dibdib at sumakit ang aking puso.

Napayuko na lamang ako pagkaraan at nagsimulang maglakad papunta sa labasan. Mamaya-maya ay nakasunod na rin sa akin si Cedric, at dagli niya akong sinalubong, tila naguguluhan ang ekspresyon sa kanyang mukha.

“O, hindi ka ba papasok dun sa loob?” Tanong niya sa akin.

Dahan-dahan naman akong umiling, pilit na pinipigilang tumulo ang mga luhang namumuo na naman sa aking mga mata.

“I know when I’m not needed. And as of now, for those two, I am pretty much out of the picture.” Sagot ko.

Pagkalipas ng ilang sandali ay huminga ako nang malalim at tiningnan na rin siya nang diretso. Pilit naman akong ngumiti sa kanyang gawi pagkatapos.

“Ceddy, okay lang ba sa’yo kung ihatid mo na lang ako sa bahay namin? Pero kung sadyang malaking abala na yun sa’yo, okay lang rin naman sa akin ang mag-commute pauwi.” Pagpapaalam ko sa kanya.

Agad naman siyang pwersahang umiling.

“Wag na, ihahatid na kita sa inyo. Kesa naman hayaan pa kitang mag-commute nang mag-isa, mas marapat na sumabay ka na lang sa akin. Baka mapaano ka pa sa daanan, at kung tutuusin, malapit na ring magdilim. Masyado nang delikado para sa’yo, lalo na at babae ka pa.” Sagot niya.

Married by ACCIDENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon