*You never lose by loving. You always lose by holding back.
Pagkaraan ay agad-agad namang bumitaw si Keith sa akin, at mamaya-maya ay napatingin siya muli kay Denise.
“Is that proof enough?” Ang mariin niyang tugon, giving her a cold, heartless glare.
Pwersahan namang umiling ang dati niyang kasintahan.
“Hindi pa rin ako naniniwala!” Pagpupumilit niya, mas lalong napapahikbi.
Iritado namang nagbuntong-hininga si Keith.
“Alright, if you really don’t want to believe me, suit yourself.” Saad niya, sabay tuon ng isang mapagbantang tingin sa kanyang kausap. “Pero ako na ang nagsasabi sa’yo, Denise. Tigil-tigilan mo na ang panggugulo mo sa akin. And don’t you dare bother Lyka as well. Leave me and my wife alone.” He threatened, grabbing my hand and ushering me inside his home afterwards.
Hindi na siya lumingon pa, at agad niyang sinara ang gate pagkaraan, hindi man lang pinansin si Denise kahit nung tinawag na siya nito. Nanatili naman akong nakatitig lang sa kanya, hindi makapagsalita at masyado pa ring nabigla sa mga kaninang pangyayari. Nagbuntong-hininga muli ang best friend ko, at pagkaraan ay napatingin na rin siya sa aking gawi, tila nagtataka kung bakit ako nandoon nung mga oras na iyon.
All of a sudden, I finally found my voice and managed to speak up before he could utter a single word.
“If you’re wondering why I’m here, I would just like to clarify to you that it was Dad, Tita Jasmine and Tito Clark who made this set-up. Since both of us are living alone in our own houses as of the moment, they’ve arranged for me to stay here with you for the time being until they come back from their business trips.” Pagpapaliwanag ko.
Ilang beses naman siyang napakurap, pawang nabigla sa aking pagsagot, pero mamaya-maya ay tumango na rin siya sa aking direksyon.
“Okay then.” Tugon niya, at pagkatapos ay nag-umpisa na kaming maglakad patungo sa looban.
Napansin kong tila naiilang si Keith nung mga sandaling iyon, and he kept giving me guarded and cautious looks. Napayuko na lamang ako at iniwas ang aking tingin sa kanya, hindi alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.
Nang makarating na kami sa porch ay agad naman niyang hinawakan ang aking kamay, tinitingnan ako nang maigi at halatang nag-aalinlangan nung mga sandaling iyon.
“Lyks, yung tungkol sa nangyari kanina…” Umpisa niya, pawang nag-aatubili na naman.
Agad naman akong umiling sa kanyang direksyon, sabay bigay sa kanya ng isang pilit na ngiti.
“It’s okay. Alam ko namang ginawa mo lang yun para lubayan ka na ni Denise. Don’t worry too much about it anymore. I completely understand your reasons.” Sambit ko. Madali naman akong lumayo sa kanya at pumasok sa loob. “Sige, I’ll go to my room now. Pagod na kasi ako at kailangan ko nang magpahinga. I’ll just go down for dinner later.” Pagpapaalam ko, sabay tungo sa hagdanan at umakyat papunta sa second floor.
Nakita kong tumango na lamang siya sa aking direksyon, at pagkatapos ay naglakad siya papunta sa sala. Patuloy naman ako sa pag-akyat, at agad kong ni-lock ang pintuan ng aking kwarto nang makapasok ako sa loob.
Dagli akong humiga sa aking kama, nakatingala na lamang sa kisame at pilit na pinipigilan sa pagtulo ang mga luhang dali-dali namang namumuo sa aking mga mata.
Marami talagang nangyari sa araw na ito. Muling bumalik si Denise at kanyang sinusuyo na ngayon si Keith para makipagbalikan ito sa kanya. Umalis na naman patungong Singapore si Dad para dumalo sa isang meeting, ngunit iniwan niya naman akong namamalagi sa tahanang ito, na tanging ang best friend ko lang ang aking makakasama. At ang pinaka-memorable at pinakamasaklap na pangyayaring naganap ngayon ay ang pagnakaw ni Keith ng aking pinakaunang halik.
Pagkaraan ay tuluyan na talagang tumulo ang mga luha sa mga mata ko, at nang di inaasaha’y napahikbi ako.
Alam ko namang hinalikan lang ako ni Keith kanina para lubayan na siya ni Denise. Alam ko namang hinalikan lang niya ako kanina nang dahil sa napilitan talaga siya at sadyang desperado na siya. At alam kong hinalikan lang niya ako kanina para makapaghiganti siya at mapaselos niya ang dati niyang kasintahan.
Keith might have stolen my first kiss this day, but he also broke my heart in the process.
Keith’s POV
Takte lang talaga, Keith Jeric de Chavez.
Yan ang unang kaisipang pumasok sa aking utak nang marinig ko ang pagsara ng pintuan sa kwarto ni Lyka.
Agad akong napatayo sa aking kinauupuan at nag-umpisang maglalakad-lakad sa may sala, hindi talaga mapakali.
Ang gago mo talaga, Keith. Ano ba kasing pumasok diyan sa utak mo at naisipan mong halikan ang best friend mo kanina? Letsugas naman. Dinamay mo na naman si Lyka sa isa pang kaguluhan diyan sa buhay mo. Ano ka bang klaseng best friend, sira-ulo ka? Lagi mo na lang pinapahamak ang pinakamatalik mong kaibigan nang dahil diyan sa mga kabalastugang pinaggagawa mo. Takte lang talaga.
Oo, aaminin kong binalak ko talagang halikan si Lyka kanina. Desperado na kasi ako nung mga oras na iyon, at wala na akong ibang maisip na gawin para makumbinsi si Denise na lubayan ako. At sa katotohanan lang talaga, kahit papano ay gusto kong paselosin siya at iparamdam sa kanya ang sakit na nadarama ko nung araw na nakipaghiwalay siya sa akin.
But I ended up using my best friend for my own selfish reasons.
Iritado kong ginulo ang aking buhok, at muli na naman akong nagbuntong-hininga pagkaraan.
Sigurado talaga akong masama ang loob sa akin ni Lyka ngayong mga oras na ito. Kitang-kita ko naman iyon sa kanyang mga mata nung tinitigan ko siya kanina. Pero kung tutuusin rin naman kasi, kahit sino magiging ganun rin ang mga mararamdaman kung sa kanila yun nangyari. Bwiset naman. Ang gago ko kasi e.
Napunta saglit ang aking titig sa direksyon ng kwarto ng best friend ko, na siyang asawa ko na rin ngayon. Huminga ako nang malalim pagkatapos, at tumungo ako sa sofa at muling umupo doon, nanghihinayang talaga nang sobra-sobra nung mga oras na iyon.
Lyks, sorry talaga sa lahat ng mga kasalanang nagawa ko sa’yo. Sana magawa mo pang mapatawad ang isang napakawalang-kwentang best friend na katulad ko.
BINABASA MO ANG
Married by ACCIDENT
Teen Fiction[Accidental Romances Series Book II] [Summary] Matagal nang in love si Lyka Santiago sa best friend at childhood friend niyang si Keith De Chavez. Malas niya lang dahil girlfriend naman ni Keith ang kaibigan niyang si Denise Raymundo. Pero siyempre...