Chapter 5

32.3K 498 34
                                        

 

*Everyone wants to be the sun that lights up your life. But I’d rather be your moon so I can shine on you during your darkest hour when your sun isn’t around.

“Another round here!” Ang muling tawag ni Keith sa bartender pagkatapos niyang ubusin ang pan-labindalawang bote niya ng beer nung gabing iyon.

Madali namang dumating ang server at binigyan ng panibago at punong bote ang best friend ko. Pagkatapos magbayad ay madali iyong binawasan ni Keith, at halos kalahati na agad ang nainom niya.

“Keith, tama na yan. Lasing ka na. Umuwi na tayo.” Ang muling pagpupumilit ko, sinusubukang kunin ang beer mula sa mga kamay niya.

Lumayo-layo siya sa akin at nagpatuloy lang sa pag-inom.

“Hindi pa ako lasing. At mas lalong hindi pa ako uuwi.” Sagot niya, sabay senyas sa bartender na bigyan muli siya ng isa pang bote.

Napatingin siya saglit sa direksyon ko, at agad niya akong binigyan ng isang masamang tingin nang makita niyang wala pa ring bawas ang bote ng beer na hawak-hawak ko.

“At akala ko ba nandito ka para damayan ako? E ba’t ako lang ‘tong umiinom?” Dagdag pa niya.

Napabuntong-hininga ako at dahan-dahang ipinatong ang bote ko sa mesa na nasa tapat ko.

“Alam mo namang mababa lang ang tolerance level ko para sa alcohol. Kahit isang bote lang ang mainom ko, lasing agad ako. Paano tayo makakauwi nang maayos kung pareho tayong lasing?” Sambit ko.

He gazed at me with half-closed eyes, at halata na talagang lasing na lasing na siya.

“Kahit isang bote lang naman Lyks e.” Sabi niya, sabay yuko. “Hindi ka naman ata malalasing agad dahil lang dun. Sige na. Pagbigyan mo naman ako o. Para kahit papano nadamayan mo nga talaga ako.”

Naudlot ako nang marinig ko ang mga sinabi niya, at hindi ko mapigilang magbuntong-hininga muli. Paano ko ba naman matitiis ang lalaking ‘to? E konting pamimilit niya nga lang sa akin, bumibigay agad ako. Kahit umabot pa nga yun sa puntong nagmumukha na akong martyr dahil sa mga pinaggagawa ko.

Hay. Masyado na ba talaga akong tanga pagdating sa pag-ibig? Na kahit labag man sa kalooban ko ang mga pinapagawa ni Keith sa akin, sa huli, ginagawa ko pa rin? Hanggang kailan pa ba magiging ganito ang lahat? Hanggang kailan pa ba ako magsasakripisyo? Hanggang kailan pa ba ako magtitiis? Hanggang kailan pa ba ako magmamahal nang palihim? At higit sa lahat, hanggang kailan pa ba ako masasaktan nang ganito?

Huminga ako nang malalim at kinuha yung bote ng beer.

“Fine. Pero isang bote lang talaga ang iinumin ko. Hindi sosobra dun.” Sabi ko, sabay inom.

Tumango si Keith at maya-maya’y napatingin siya muli sa direksyon ko. Isang maliit na ngiti ang namuo sa kanyang mga labi.

“Salamat Lyks. Lagi talaga kitang maaasahan. Ang swerte ko at naging best friend kita.” Sambit niya.

 

At ang malas ko naman dahil hanggang best friend lang talaga ang tingin mo sa akin. Gusto ko sanang sabihin.

Nagpatuloy na lamang kami sa pag-inom pagkatapos. Muli na namang nag-order ng panibagong bote si Keith, samantalang pakonti-konti naman ang pagbawas ko sa laman ng bote ko. Ilang minuto ang lumipas, at tahimik lang kaming dalawa. Para bang walang gustong magsalita sa amin.

Napasulyap ako sa direksyon ng best friend ko, at halatang malalim ang iniisip niya nung mga sandaling iyon. Hindi ko na kailangang hulaan pa kung sino ang laman ng utak niya.

Married by ACCIDENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon