*Even if a genie would grant me a million wishes, I would only use one. The one wish that would make you love me the same way that I love you.
Lyka’s POV
“A, sa wakas at dumating ka na rin.” Ang agad na salubong sa akin ni Dad pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay namin nung hapong iyon.
Dagli naman akong apatingin sa kanyang direksyon, at nakita kong suot niya ang kanyang business suit at may dala-dala rin siyang suitcase. Nakaupo siya sa recliner sa may living room, at may inaayos rin siyang mga papeles.
“You’re going on a business trip again, Dad?” Tanong ko sa kanya, sabay lakad patungo sa kanyang direksyon.
Binati ko siya sa pamamagitan ng halik sa pisngi, at pagkatapos ay tumungo ako sa sofa at umupo doon. Tumango naman siya sa aking gawi, nakatuon pa rin ang kanyang atensyon sa mga hawak-hawak niyang documents.
“Yes, I need to fly off to Singapore immediately. May biglaan kasing inarrange na meeting para sa akin with a possible client doon.” Sagot niya.
Napatango na lamang ako, at pagkatapos ay sumandig ako sa likuran ng sofa. Habang nagmamasid-masid ako sa silid ay bigla ko namang nakita ang maleta ko, na siyang nakapwesto malapit sa hagdanan.
“Teka, bakit po nakalabas ang maleta ko, Dad?” Ang agad na pag-uusisa ko.
Tumingin na rin siya sa aking direksyon.
“Oh, I forgot to mention the news to you earlier. Starting today, you’ll be staying at the De Chavez residence.”
Madali namang nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang kanyang mga sinabi.
“Pero bakit naman po? This is the first time that you’ve made me stay in someone else’s house while you’re on a business trip. And why now of all times, Dad? At bakit po kailangang sa tahanan nina Keith pa? Kaya ko naman pong mag-isa dito sa bahay since nandito rin sina Ate Gina at ang iba pang mga kasambahay. Tsaka hindi ba’t mag-isa lang rin si Keith doon sa bahay nila ngayon? Dad, don’t tell me that you’re seriously going to leave me with him alone?” Pagbubulalas ko.
Pareho kasing nasa ibang bansa ang mga magulang ni Keith, and the purpose for their departure is both for business purposes. Nasa Europe si Tita Jasmine ngayong mga panahong ito, attending a conference and acting as the representative for Mom’s company, samantalang si Tito Clark naman ay nasa Malaysia at may inaasikaso para sa kumpanya ni Dad.
Ang little sister naman ni Keith na si Piper ay panandaliang namamalagi sa tahanan nina Tita Vanessa, mainly due to school purposes. Hindi kasi pareho ang dismissal time ng high school at elementary level sa St. Michael’s Academy, kaya hindi makakasabay si Piper sa pag-uwi kay Keith. Para naman hindi magiging hassle ang pagbabantay sa kanya, minarapat ni Tita Vanessa na sabay na lang silang susunduin ng nakababatang kapatid ni Drake na si Valerie, which truly is a much better and suitable option lalo na dahil magkaklase rin naman ang dalawang bata.
Sumandig naman sa recliner ang ama ko.
“That’s the main reason why you’re going to stay there in the first place. Since the two of you are going to get married once again soon and will start living together immediately afterwards, mas marapat na masanay na kayo sa presensya ng isa’t isa. And there’s really no need to worry, Dear. Technically, the two of you aren’t living alone there. Kasama niyo rin naman sa bahay na iyon ang mga kasambahay nina Keith.” Ang tila mawalang-bahala niyang tugon.
BINABASA MO ANG
Married by ACCIDENT
Novela Juvenil[Accidental Romances Series Book II] [Summary] Matagal nang in love si Lyka Santiago sa best friend at childhood friend niyang si Keith De Chavez. Malas niya lang dahil girlfriend naman ni Keith ang kaibigan niyang si Denise Raymundo. Pero siyempre...