*What’s better? A lie that draws a smile? Or the truth that draws a million tears?
“Sigurado ka bang okay ka na talaga?” Ang muling pagtatanong ko kay Cedric nung gabing iyon, naglalakad-lakad sa aking kwarto at hindi talaga mapakali.
Napatawa naman sa kabilang linya ang asungot kong kaibigan.
“Oo nga, mabuti na talaga ang pakiramdam ko. Tutal, nilagnat lang naman ako e. Malayo yung epekto nun sa bituka. At alam mo namang masamang damo ako. Hindi agad ako mamamatay nang ganun-ganun lang.” Pagbibiro pa niya.
“Ceddy naman e! Wag ka ngang magbiro nang ganyan!” Pagpoprotesta ko naman, hindi pa rin talaga mapalagay.
Narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga pagkaraan.
“Seryoso nga kasi, Lyka. Okay na talaga ako, kaya kumalma ka na. Ang OA mo naman kung makapag-react diyan.”
Huminga naman ako nang malalim at pilit na pinakalma ang aking sarili.
“Sige na nga, maniniwala na ako sa’yo.” Ang mariin na pagsuko ko. “At talaga bang hindi ka na galit sa akin?” Ang muling pagtatanong ko.
Napatawa na naman siya.
“Bakit? Gusto mo bang magalit ulit ako sa’yo?” Pangungutya pa niya.
“Geez, Cedric Ramirez!”
Mas lalo lang siyang napatawa.
“Huminahon ka na nga diyan. Oo na, hindi na ako galit sa’yo. Tutal, magagawa ko kayang tiisin ka nang pang-matagalan? Halata namang hindi ko yun magagawa e.”
“Talaga?”
“Ang kulit rin ng lahi mo no? Oo nga kasi. Napaliwanag mo na rin naman ang lahat sa akin e. At may pagbabago pa bang mangyayari kung mag-gagalit-galitan man ako? Diba wala naman? Kaya kahit labag na labag talaga sa kalooban ko, kailangan ko nang tanggapin ang mapait na katotohanang hindi kita pwedeng ligawan dahil may asawa ka na.”
Napaupo naman ako sa aking kama at napabuntong-hininga.
“Thank you so much for understanding my situation, Ceddy. And thank you for accepting my apology as well.” Sambit ko.
“Siyempre, alam mo namang malakas ka sa akin e.” Saad niya. Narinig ko ang kanyang biglang paghikab. “Sige Lyka, pahinga na muna ako. Kita na lang ulit tayo sa studio sa Sabado. Sigurado na rin namang makaka-attend na ako sa susunod na session.” Pagpapaalam niya.
“Sige. Good night, Ceddy. Magpahinga ka na talaga a? Para tuluyan ka nang gumaling.”
“Oo na po. Ikaw din, matulog ka na. Gabing-gabi na kaya.”
Napangiti naman ako.
“Matutulog na po mamaya-maya.” Saad ko.
At pagkatapos nun ay tuluyan na naming tinapos ang tawag. I set aside my phone and managed my breaths, finally feeling relieved.
Sa wakas ay nagparamdam na rin sa akin si Cedric. Akala ko talaga, aabot ng ilan pang linggo, baka buwan pa nga, bago niya ako tuluyang papansinin. Yun pala, ang totoong dahilan kung bakit hindi siya naka-attend ng mga sessions ngayon sa studio, pati na rin ang makapasok sa kanyang mga klase, ay sapagkat nagkasakit siya. Ilang araw daw siyang nilagnat, at ngayon lang talaga siya gumaling.
Buti nga at nakapag-usap na kami, at gumaan na rin ang aking kalooban dahil nakapagpaliwanag na ako sa kanya. And to add to that, Cedric wasn’t angry with me anymore, at mukhang magiging tulad na muli ng dati ang aming pagsasamahan. Fortunately, our friendship was saved in the end, and at least one problem in my life is finally resolved.
Narinig ko ang biglang pagsara ng pintuan doon sa baba, at agad akong lumabas ng aking kwarto para tingnan kung sino ang dumating. Nakita kong naglalakad si Keith patungo sa sala, at madali naman akong bumaba ng hagdanan para salubungin siya doon.
“Bakit ngayon ka lang?” Ang dagli kong tanong sa kanya.
Agad siyang napalingon sa aking direksyon, pawang nabigla.
“Gabi na a. Bakit gising ka pa?” Tugon naman niya.
Nagbuntong-hininga ako.
“Ayun na nga e. Gabi na, pero nasa labas ka pa rin.” Pakli ko.
Napangiti naman siya at tinapik niya ako sa aking balikat.
“Pasensya na kung pinag-alala kita. Hindi ko na yun uulitin muli sa susunod, para hindi mo nang kailangang maghintay pa sa akin.”
Tinitigan ko naman siya sa mata.
“Pero bakit nga ba ngayon ka lang? Saan ka ba kasi galing?” Pagtatanong ko na naman.
Muli niya akong tinapik sa aking balikat.
“Tumambay lang kami nina Drake at Dustin sa Drew & Vanz ngayon. Masyado lang kasing napasarap yung usapan namin doon kung kaya’t napagabi ako.” Sagot niya. “Sige, akyat na ako sa kwarto ko a? Mag-sho-shower lang ako saglit at matutulog agad pagkatapos. Kaya’t matulog ka na rin, okay?”
Napatango na lamang ako. Nauna namang umakyat sa hagdanan si Keith, at agad siyang pumasok sa kanyang kwarto pagkaraan. Napayuko naman ako, pawang nanghihina nung mga sandaling iyon.
Alam kong nagsisinungaling si Keith. After all, his alibis were completely unsupported. Kasi buong maghapon, nandoon ako sa Drew & Vanz at tumutugtog para sa aking shift. At alam kong magkasama naman buong araw sina Bliss at Drake, pati na rin sina Levi at Dustin, dahil dumaan silang apat doon sa bistro para manood sa aking performance.
At mas lalo lang na lumakas ang aking paghihinala nang tiningnan ko si Keith nang maigi kanina. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang matinding panghihinayang, at pawang hindi pa nga niya ako matingnan nang diretso. I’m definite that he’s keeping secrets from me, but I don’t even know if I want to find out what they are. Because either way, I know that I would still be hurt in the end.
Pero sadyang hindi na rin talaga kasi ako mapalagay.
Kasi alam ko, deep down in my heart, na kahit ano pa mang excuse ang maisipan ko para makumbinsi ang sarili kong namamalik-mata lang talaga ako kanina nung dumating ako sa Drew & Vanz, hindi ko pa rin mababago ang katotohanang sina Keith at Denise nga ang nakita kong magkasama. And the mere thought of them getting back together again was already enough to shatter my heart into a million pieces right then and there.
Bigla akong may narinig na cellphone na nag-vibrate, at nakita ko ang mobile ni Keith na nakapatong sa living room table. Madali namang napunta saglit ang tingin ko sa kwarto ng aking best friend, at nung pawang hindi siya lalabas mula doon ay dagli kong kinuha ang kanyang cellphone at binasa ang message na kanyang natanggap.
I know that it wasn’t right to snoop around, at alam kong mali ang pangingialam ko sa gamit ng iba, lalo na sa mga gamit ng mismong asawa ko, pero nang dahil sa mga ikinikilos ni Keith, hindi ko na talaga mapipigilan ang sarili ko. Because I really needed a confirmation.
At tuluyan na talagang gumuho ang aking mundo nang mabasa ko ang text na natanggap niya galing kay Denise. Dahil ang message na iyon ang nagsilbing kumpirmasyon ng aking hinihinala.
Thank you so much for making my day, Keith. You’re definitely the best boyfriend ever. I love you.
I knew it.
Keith really was cheating on me.
[Official Love Teams for MBA: Team KeiKa (Keith and Lyka), Team CedKa (Cedric and Lyka), Team KeiNise (Keith and Denise) and Team DenDric (Denise and Cedric?). Which love team/s is/are you guys supporting? XD]

BINABASA MO ANG
Married by ACCIDENT
Teen Fiction[Accidental Romances Series Book II] [Summary] Matagal nang in love si Lyka Santiago sa best friend at childhood friend niyang si Keith De Chavez. Malas niya lang dahil girlfriend naman ni Keith ang kaibigan niyang si Denise Raymundo. Pero siyempre...