Chapter 23

26.1K 358 28
                                    

*Love is a fire. But whether it is going to warm your hearth or burn down your house, you can never really tell.


Keith's POV


"Hindi ka naman napinsala dun sa aksidente diba?" Tanong sa akin ni Drake mula sa kabilang linya ng tawag namin nung dapit-hapong iyon, halatang hindi talaga mapalagay.

Huminga naman ako nang malalim at dagling ginulo ang aking buhok, tila natataranta at hindi rin mapakali.

"Oo, wag kang mag-alala. Wala namang nangyari sa akin e." Pagpapanigurado ko sa kanya, sabay buntong-hininga.

Agad na napadako ang aking tingin sa aking relo, at nakita kong malapit nang mag-five o'clock ng hapon nung mga sandaling iyon. Ibig sabihin, natapos na ang performance ni Lyka, at hindi ko man lang yun naabutan at napanood. Takte naman. Hindi ko natupad ang pangako ko sa best friend ko.

"Nga pala, Drake. Can you please tell Lyka that I'm really sorry for not being able to come there and watch her performance? At pakisabi na rin pala na ipapaliwanag ko rin ang lahat sa kanya pagkauwi ko sa bahay mamaya." Pakikiusap ko sa kaibigan at kabarkada namin.

Huminga na rin siya nang malalim pagkatapos.

"Sige, Pre. Sasabihin ko sa kanya." Sagot niya.

"Salamat talaga, Drake." Saad ko naman.

Pagkaraan ay amin na ring tinapos ang tawag, at akin nang ibinalik ang cellphone ko sa loob ng bulsa ko. Napasandig ako sa likuran ng upuan na aking pinupwestuhan doon sa waiting area, hindi talaga mapalagay nung mga sandaling iyon.

Agad na idinala sa emergency room si Denise pagkadating na pagkadating namin dito sa ospital. Madali rin siyang inasikaso ng mga doktor at mga nurse dito, at halos pitong oras na rin silang namamalagi doon sa loob ng emergency room. Sana talaga at naagapan ang kanyang kondisyon, lalo na at dagli rin namang dumating ang ambulansya pagkalipas ng ilang minuto simula nang maganap ang aksidente.

Na-contact ko na rin sa wakas ang nag-iisa at nakatatandang kapatid ni Denise na si Audrey, ngunit hindi siya makakapunta agad dito sa ospital sapagkat nasa ibang bansa siya ngayon para sa kanyang trabaho bilang isang chef. Pareho namang nasa Italy ang kanilang mga magulang para dumalo sa isang business convension, at sila ang tumatayong mga representatives para sa kanilang family company. Pawang bukas pa talaga sila makakapunta dito para mapag-alaman ang kasalukuyang kondisyon ni Denise.

Agad na napadako ang aking tingin sa direksyon ng emergency room nang marinig ko ang pagbukas ng mga pintuan nito, at madali akong lumapit kay Dr. Montecastro, ang doktor na in-charge sa operation kay Denise.

"Kamusta na po yung kondisyon ni Denise, Doctor?" Ang dagling tanong ko sa kanya, nasa kasukdulan ang kabang aking nararamdaman nung mga oras na iyon.

Napatingin naman siya sa aking direksyon at madali niya akong tinapik sa aking balikat.

"She's alright, so there's no need for you to get so worked up anymore. She didn't suffer any internal injuries, but she must require a usage of a splint for her left arm since it is dislocated, as well as a cast for her right leg since it is fractured. But other than that, her condition is completely stable, and she only required a few cuts and bruises on some parts of her body due to the collision with the vehicle earlier." Pagpapaliwanag niya.

Kahit papano ay nakahinga na rin ako nang maluwag nang marinig ko ang kanyang mga sinabi.

"Am I allowed to see her now, Doctor? Even for just a short while?" Pagpapaalam ko.

Tumango siya sa aking gawi.

"She's in the recovery room right now, and she might wake up after several minutes or a few hours." Tugon niya.

Dagli rin akong tumango sa kanyang direksyon, and I immediately made my excuses and darted towards the direction of the recovery room.

Isang walang malay na Denise ang agad na nadatnan ko doon pagkapasok na pagkapasok ko sa silid, at madali kong nakita ang kanyang itsura na putlang-putla talaga nung mga oras na iyon. Hindi ko rin mapigilang maudlot nang aking masilayan ang natamo niyang disposisyon nang dahil sa aksidente. Dahan-dahan akong lumapit sa kanyang kinahihigaan at pinagmasdan ang kanyang mukha, kahit papano ay muli na naman akong hindi mapalagay nung mga sandaling iyon.

Pagkalipas ng ilang minuto ay huminga ako nang malalim at tumalikod na rin sa kanya, plano nang lumabas ng kwarto para maghanap ng nurse na pwedeng magbantay sa kanya pagkaalis ako.

Tutal, kailangan ko na rin talaga kasing umuwi ngayon para puntahan si Lyka, para humingi ng patawad sa aking asawa dahil sa hindi ko pagtupad ng aking pangako sa kanya, at para ipaliwanag sa kanya ang lahat ng mga pangyayaring naganap ngayong araw na ito, nang sa gayon ay kanya ring maiintindihan ang kasalukuyang sitwasyon na napasukan ko at hindi na niya ako pagdududahan.

Ngunit bago pa man ako makaalis sa aking kinatatayuan ay may bigla na lang humablot sa aking kamay, at nang ako'y lumingon ay nakita kong gising na pala si Denise.

"Keith, just for tonight, will you please stay by my side? Kahit ngayong gabi na lang, please remain here with me. And after that, you're free to go. Hindi na kita pipigilan pa. Hindi na kita pipiliting ipagpatuloy pa ang relasyon natin. At hindi na ako magiging sagabal pa sa pagsasamahan ninyo ni Lyka. Just remain by my side tonight, please? For one last time." Pakiusap niya sa akin.

Agad naman akong napatitig muli sa kanyang mukha, na tila naluluha na naman nung mga sandaling iyon. Pagkaraan ay huminga ako nang malalim at hinawakan ang kanyang kamay, at pagkatapos ay aking hinila ang upuan na nakapwesto sa tabi ng kanyang kama at umupo.

Huminga na naman ako nang malalim at tumango sa kanyang direksyon, sabay lapat ng aking kamay sa ibabaw ng kanyang kamay, hindi pa rin bumibitaw sa pagkakahawak ko dito.

"Okay then, I'll stay by your side just for tonight. And just for one last time."

Married by ACCIDENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon