*Make a change while you still have the chance. Because there may come a time when there will be a lot of changes, but no more room for chances.
“Oh my gosh! I can’t believe that you didn’t even bother to tell us about this!” Ang agarang pagrereklamo sa akin ni Bliss nung umagang iyon.
Sumandig na lamang ako sa aking upuan at nagbuntong-hininga. Wala pa ngang isang minuto ang lumipas simula nung makapasok ako dito sa classroom ay agad na akong tinadtad ng mga tanong at pagrereklamo ng mga pinsan kong bruha.
“Oo nga naman! To think, natupad na nga ang matagal mo nang pinapangarap — ang pinakakinahihiling mong makasal sa best friend mong si Keith Jeric de Chavez, pero hindi mo man lang sinabi sa amin. At ang masaklap pa sa lahat, sa iba pa namin yun nalaman!” Dagdag pa ni Blair.
Muli na naman akong nagbuntong-hininga.
“Geez. Hina-hinaan niyo nga ang mga boses ninyo. Baka may makarinig pa sa inyo e.” Ang iritado kong pahayag, sabay sulyap sa direksyon ng ilan sa aming mga kaklase.
Buti naman at mukhang walang nakikinig sa aming usapan. May kanya-kanya kasing mga conversation ang iba sa aming mga kamag-aral, samantalang ang ilan naman ay may iba pang pinagkakaabalahan tulad ng pagtapos ng homework na hindi ginawa sa bahay, pagbawi sa tulog dahil masyadong napuyat nung nakaraang gabi, at kung anu-ano pa. Tsaka kung tutuusin, masyado pang maaga kung kaya’t konti lang kaming nandoon sa classroom. After all, it was only 7:00 in the morning, at 7:30 pa naman ang final bell.
“Psh. Wala naman sa mga kaklase natin ang magiging interesado sa usapan na ‘to. Kaya we can yell and complain to you as much as we want.” Kontra naman ni Blair.
“And besides, the least you can do is to explain to us what happened. Ni wala nga kaming kamuwang-muwang sa mga pangyayari e. After all, who would’ve thought na magkakatotoo pala ang mga pang-aasar namin sa’yo nung nandun pa tayo sa Las Vegas? All of us never expected that to actually happen.” Pagdidiin pa ng kanyang kakambal.
And for the millionth time that day, I let out an irritated sigh.
“Keith and I never intended to let anyone know about that accidental marriage, alright? Plano talaga kasi naming iresolba ang problemang yun nang kaming dalawa lang, without having to involve anyone else. Pinoproseso na nga Keith yung mga divorce papers namin, pero nang di inaasahan ay nakita naman ni Dad ang marriage certificate namin when he entered my room the other day. At dahil diyan, mas lalo lang naging komplikado ang sitwasyon namin. Because our parents already found out about everything, and they’re taking the matter into their own hands.” Pagpapaliwanag ko.
Naging tahimik kaming tatlo pagkatapos nun, at nakita kong tinititigan ako nang maigi ng kambal.
“But Lyka, I really have to ask, kung hindi nakita ni Tito Lance ang marriage certificate ninyo ni Keith at hindi nalantad ang inyong sikreto, papayag ka pa rin ba sa pinaplano ninyong divorce?” Pag-uusisa ni Blair.
Agad naman akong napayuko nang marinig ko ang tanong niya.
“May iba pa kaya akong choice kundi ang pumayag na lang? Sa totoo lang, ang sobrang saya ko talaga nang malaman kong kinasal pala kami ni Keith, kahit na nangyari lang naman iyon nang dahil sa isang aksidente lamang. Pero hindi ko rin talaga kasi mapigilang malungkot. Kasi kung tutuusin, mukhang ako lang talaga ang natuwa sa mga pangyayaring iyon. Kasi ang best friend ko na siyang matagal ko nang minamahal at pinapangarap na pakasalan, sobra-sobrang panghihinayang at pagsisisi ang nararamdaman.” Sambit ko, tila naluluha na nung mga sandaling iyon.
Dali-dali namang umupo sa magkabilang tabi ko ang kambal, patting me comfortingly on the back.
“Then make sure that your marriage will work out.” Pagkukumbinsi naman ni Bliss. “Halata namang hindi talaga papayag sina Tita Jasmine na ipagpatuloy ninyo ang divorce, kung kaya’t gawin mo na lang ang lahat ng iyong makakaya para matanggap rin ni Keith ang katotohanang kasal na talaga kayo at wala nang hiwalayang magaganap. Make sure that he falls in love with you too. Be the perfect wife for him. Make him realize how lucky he is to get married to you, whether it only happened by just a mere accident or not.”
Huminga naman ako nang malalim, pilit na pinapakalma ang aking sarili.
Tama naman kasi si Bliss e. The best I could do is to make this marriage work out. No matter what may happen, I should make sure that Keith won’t regret marrying me. I should make sure that he’ll become happy and contented with me as his wife. And I should definitely make sure that he would fall in love with me too, so that he won’t ever want to file a divorce and leave me.
Bigla namang naputol ang aming usapan nang may narinig kaming boses mula sa labas ng classroom. Pagkaraan ay bumukas ang pintuan ng silid, at pumasok ang tila naiiritang si Keith, at agad namang nanlaki ang aking mga mata nang makita ko kung sino ang tumatakbo pasunod sa kanya. Napunta rin ang atensyon ng ilan sa aming mga kaklase sa direksyon nila.
“Keith, kausapin mo naman ako! Let me explain everything that happened!” Ang mariing pakiusap ng naluluhang si Denise Raymundo.
Patuloy naman sa paglakad patungo sa kanyang pwesto si Keith, hindi siya pinapansin. Mamaya-maya ay nahablot naman ni Denise ang kanyang kamay, at lumingon na rin siya sa direksyon nito sa wakas. Agad niya itong binigyan ng isang napakasamang tingin.
“Bumalik ka na nga sa classroom ninyo. Malapit nang mag-bell.” Sumbat niya.
Napayuko naman ang ex-girlfriend niya, malapit na talagang umiyak.
“Magiging ganyan ka na talaga sa akin? Hindi mo man lang papakinggan ang paliwanag ko?” Pagmamakaawa niya.
Hindi pa rin nawawala ang masamang tingin ni Keith.
“Denise, wag ka na ngang gumawa ng eksena dito. Wala akong balak na kausapin ka, kaya pumunta ka na dun sa classroom ninyo.” He said coldly.
Binitawan na rin ni Denise ang kanyang kamay at tumakbo palabas ng classroom, tinatakpan ang mukha niya at tuluyan na talagang umiiyak. Nakita kong biglang naging mapanghinayang ang ekspresyon sa mukha ni Keith, pero pagkaraan ay pwersahan siyang umiling at umupo na lang sa kanyang pwesto. Nag-head-down siya at nagsimulang matulog pagkatapos. Madali namang nagsimula ang bulung-bulungan mula sa iba naming mga kaklase.
Huminga na naman ako nang malalim, tila hindi makapaniwala sa aming mga nakita. Napansin kong nakatitig pala sa akin ang kambal, na para bang ine-examine nila ako.
“Naku Lyka, mukhang hindi lang pala si Keith at ang kasalan ninyo ang mga problema mo.” Sambit ni Blair. “Because it looks like another obstacle has come back, and she’s definitely AN UNDENIABLE THREAT to you and your marriage.”
BINABASA MO ANG
Married by ACCIDENT
Novela Juvenil[Accidental Romances Series Book II] [Summary] Matagal nang in love si Lyka Santiago sa best friend at childhood friend niyang si Keith De Chavez. Malas niya lang dahil girlfriend naman ni Keith ang kaibigan niyang si Denise Raymundo. Pero siyempre...