*You cannot protect two things at the same time. Because if you don’t make a decision, you will lose both.
“Make sure that you’ll definitely come, alright?” Ang muling pagpapaalala sa akin ni Lyka nung umagang iyon, tinitingnan ako nang maigi at nakapiring mula sa screen door ng bahay namin.
Binigyan ko siya ng isang mapaniguradong ngiti at agad na tumango sa kanyang direksyon.
“Oo na, oo na. Pupunta talaga ako mamaya, kaya wag ka nang mag-alala, okay?” Tugon ko.
Tinapik niya ako sa aking balikat at tiningnan ako sa mata, halatang hindi talaga mapakali nung mga sandaling iyon.
“Promise?” Sambit niya, even giving me a puppy-dog stare for additional effect.
Hindi ko mapigilang matawa nang makita ko ang ekspresyon sa kanyang mukha. Nginitian ko muli siya at dagling ginulo ang kanyang buhok.
“Alam mo bang parang bata ka talaga ngayon? Kulang na nga lang ipa-pinky swear mo ako e.” Pang-aasar ko sa kanya, tila natatawa pa rin. “But it’s definitely a promise, Lyks. I will surely come to your performance later. Kaya kumalma ka na diyan at maghanda ka na lang, okay?”
Tumango na rin siya pagkaraan, at huminga siya nang malalim pagkatapos.
“Sige na nga, hindi na kita masyadong kukulitin tungkol dun.” Ang mariin na pagsuko niya, sabay buntong-hininga. “Sadyang kabado talaga kasi ako, lalo na dahil ang sobrang importante ng performance na gagawin ko mamaya para sa possible career ko sa music industry.”
Tinapik ko naman siya sa kanyang balikat, muli siyang binibigyan ng isang mapaanyayang ngiti.
“Wag ka nang kabahan, alright? At wag mo ring masyadong i-pressure ang sarili mo. Alam kong ang sobrang importante ng performance mo mamaya, pero isipin mo na lang na ang presentation na gagawin mo ay pareho lang ng mga gigs na ginagawa mo sa Drew & Vanz. Be yourself and act natural.” Pagmumungkahi ko.
Huminga siya nang malalim at napangiti na rin sa aking direksyon sa wakas.
“Okay. I’ll definitely do that.” Sambit niya.
Tumango ako at nagsimula muling maglakad papunta sa labasan.
“Sige, alis na muna ako a? Pero didiretso rin ako agad-agad sa studio para panoorin at suportahan ka.” Pagpapaalam ko.
Ngumiti na naman si Lyka.
“Sige, mag-ingat ka Keith a? At siguraduhin mong hindi ka talaga ma-le-late mamaya!” Ang muling pagpapaalala niya.
I gave her one last smile and waved goodbye to her, at pagkatapos ay pumasok na ako sa kotse ko at nagmaneho palabas ng gate.
Ilang linggo na rin ang lumipas simula nung malaman ko ang mga tunay na nararamdaman ni Lyka para sa akin. At sa mga linggong iyon, I spent most of my time with her, making up for all of the days that I’ve constantly neglected her.
Aaminin ko, nung una talaga, ginawa ko lang yun for her consideration, and because I really felt guilty for all of the times that I’ve continuously taken her for granted and disregarded her feelings. Pero pagkaraan, I realized that my reasons for staying by her side have changed.
It was no longer because I was considering her feelings or because of the guilt that I’m feeling towards her, but because of the fact that I realized just how much I’ve missed her company. I realized just how much I’ve missed the good old times when we were always so close and comfortable with each other. And I realized just how much I’ve wanted to rewind back the time and return to the days when everything wasn’t as complicated and tense as they are now.
BINABASA MO ANG
Married by ACCIDENT
Teen Fiction[Accidental Romances Series Book II] [Summary] Matagal nang in love si Lyka Santiago sa best friend at childhood friend niyang si Keith De Chavez. Malas niya lang dahil girlfriend naman ni Keith ang kaibigan niyang si Denise Raymundo. Pero siyempre...