*Just because my eyes don’t tear, doesn’t mean my heart doesn’t cry. And just because I come off strong, doesn’t mean that there’s nothing wrong.
“What do you mean it’s valid?” Ang pasigaw na demanda ni Keith, sabay bigay ng isang napakasamang tingin sa kinakausap niyang staff member sa chapel office.
Naudlot saglit ang empleyado, pero mamaya-maya’y nanumbalik ang kanyang composure at sinuri niya nang maigi ang mga papeles na hawak-hawak niya.
“If I may clarify, you two are Mr. and Mrs. Keith de Chavez, correct?” Pagkaklaro niya.
Mas lalo lang nang-init ang dugo ni Keith nang marinig niya ang pahayag nito.
“Mr. and Mrs.? What the heck are you talking about? We are definitely not married!” Isinigaw na niya.
Agad ko siyang tinapik sa kanyang likod, sabay hila sa kanya pabalik.
“Keith, kumalma ka lang. Wala kang patutunguhan kung papairalin mo ang init ng ulo mo.” Sambit ko.
Napunta na rin sa akin ang titig niya pagkatapos, at kitang-kita ko sa mga mata niya ang matinding kaba at panghihinayang. Napabuntong-hininga ako.
“Calm down, okay? And talk to her rationally and reasonably. I know that you’re completely stressed out because of this dilemma, but you shouldn’t let that overtake you.” Dagdag ko.
Nagbuntong-hininga na rin siya at tumango. Pagkaraan ay itinuon niya muli ang kanyang atensyon sa staff member.
“I apologize for my outburst.” Pagpapaumanhin niya.
“It’s alright, Sir.” Sagot naman ng empleyado.
Napatingin saglit sa akin si Keith, at agad akong tumango sa direksyon niya.
“Is the marriage really considered legal?” Tanong niya.
Sinuri muli ng staff member yung mga hawak niyang papeles.
“According to the records, the two of you got married at 11:48 PM last night. And as stated in these files, you two are already of lawful age and are considered legal adults. Both of you are already eighteen, am I correct?” Pag-uusisa niya.
Sabay kaming tumango ni Keith.
“But Ma’am, we we’re both in a drunken state last night. We weren’t even aware of what we were doing.” Protesta ko.
Tiningnan kami nang maigi nang staff member.
“Is that so? But according to the witnesses, the two of were completely stable and coherent, and it didn’t seem like you were under the influence of alcohol at all.”
Napunta ang kamay ni Keith sa noo niya, at ginulo niya ang kanyang buhok sa sobrang inis.
“Takte. You’ve got to be kidding me.” Ungol niya, sabay buntong-hininga.
Napabuntong-hininga na rin ako, at tinapik ko siya muli sa kanyang likod. Pagkaraan ay napatingin muli ang best friend ko sa staff member.
“But how can we make the marriage void?” Tanong niya.
Itinabi ng empleyado ang mga papeles at huminga nang malalim.
“The most appropriate solution to that problem is to contact your authorized attorney and process your divorce papers. The progress might take weeks or even months, depending on the advancement of the case, and you also have to settle the issue in court for finalization, as well as distribution of your shares as a married couple.” Pagpapaliwanag niya.
Nagtinginan muli kami ni Keith, at bakas na bakas sa mukha niya ang sobrang panghihinayang. Napayuko na lang ako, hindi alam kung ano ba ang dapat kong sabihin o gawin nung mga sandaling iyon.
“Thank you for the information, Ma’am. And we’re sorry for the inconvenience that we may have caused you.” Pagpapaalam ng best friend ko, sabay hila sa akin palabas ng chapel.
Tumango na lang sa gawi namin ang staff member, at pagkatapos ay nagpatuloy na siya sa pagsuri ng mga papeles sa folder na nakapatong sa desk niya. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ni Keith, hanggang sa pumara siya ng taxi at pumasok kami sa loob.
“To Chevalier Hotel, please.” Batid niya sa taxi driver, na agad namang tumango at nagmaneho patungo sa direksyon ng hotel na tinutuluyan naming magpapamilya.
Pagkaraan ay napunta ang titig ko sa best friend ko, at hindi ko talaga mabasa ang ekspresyon sa kanyang mukha. Napayuko na naman ako, nanginginig ang mga kamay dahil sa sobrang kaba.
“K-Keith, ano nang gagawin natin?” Tanong ko, problemadong-problemado.
Bigla niyang inilapat ang kamay niya sa isang kamay ko, at tinapik niya ako sa aking likod, pinapahinahon ako.
“Ako na ang bahala sa lahat. I’ll contact a legal attorney as soon as possible and process everything that we need. Pero sa ngayon, kailangan muna nating bumalik sa hotel. Sigurado akong nag-aalala na ang mga pamilya natin. Lalo na si Tito Lance.” Pahayag niya.
Tumango na lang muli ako, hindi na makapagsalita nung mga sandaling iyon. Yinapos ako saglit ng best friend ko, at patuloy lang siya sa pagtapik sa likod ko.
“Wag kang mag-alala, Lyks. Mareresolba natin ang problemang ‘to.” Paninigurado niya.
Huminga naman ako nang malalim.
“I really hope so.” Sambit ko.
Tinitigan niya ako sa mata.
“Ipinapangako ko sa’yo, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para lang maayos ang gulong ‘to. But before that time comes, pwede bang wala ka munang pagsasabihan ng tungkol sa isyung ‘to? Kahit sina Bliss at Blair, at mas lalo na si Tito Lance. Let’s just keep everything a secret for now. A secret that’s just between the two of us.” Tugon niya.
I sighed and managed a slight nod.
“Just between us.” Sang-ayon ko.
Naging tahimik na lang kaming dalawa pagkaraan, pawang ni isa sa amin ay wala nang ibang masabi. Buti naman at nang makarating kami sa hotel ay walang nakapansin sa pagkawala naming dalawa buong gabi, maliban nga lang sa pinsan kong kambal.
“Oy, saan ka naman nagpunta at buong gabi wala ka?” Ang agarang pangungusisa sa akin ni Bliss, sabay taas ng kilay sa gawi ko.
“Oo nga. Narinig kitang lumabas ng kwarto, pero hindi ka na talaga bumalik pagkatapos. Wag mong sabihing buong gabi nasa labas ka?” Dagdag naman ni Blair.
Nagkibit-balikat na lamang ako.
“Nag-sightseeing lang ako. At wag kayong mag-alala, hindi ako naglakwatsa nang mag-isa buong gabi. Kasama ko si Keith.” Sagot ko.
Dagling nanlaki ang mga mata ng kambal, at pagkatapos ay may namuong malalaking ngiti sa kanilang mga labi.
“Nice one, Lyka! Nag-date lang pala kayo ni Keith kaya ka wala.” Pang-aasar ni Blair.
“O date lang ba talaga yun? Baka mamaya, magulat na lang kaming lahat, nagpunta pala kayo ng wedding chapel at kinasal!” Tawa naman ni Bliss.
Napatahimik ako nang tuluyan pagkatapos, at tumungo na lang ako sa banyo, tila walang pakialam kahit magtaka man ang mga pinsan ko. Agad na bumigay ang mga tuhod ko nang makapasok ako doon, at napaupo ako sa sahig, lumuluha.
Sa totoo naman kasi, hindi lang kaba ang naramdaman ko nung mga panahong nalaman kong kinasal kami ni Keith, kundi hindi-mapapatawang kaligayahan. Kasi kahit hindi man namin talaga intensyong mangyari ang lahat, at naganap lang ang insidenteng iyon dahil sa isang aksidente, naisakatuparan pa rin ang isa sa mga matagal ko nang pinapangarap at hinihiling. Ang mapangasawa ang lalaking pinakamamahal ko.
Pero mukhang ako lang talaga ang nasiyahan sa pangyayaring iyon.
BINABASA MO ANG
Married by ACCIDENT
Ficção Adolescente[Accidental Romances Series Book II] [Summary] Matagal nang in love si Lyka Santiago sa best friend at childhood friend niyang si Keith De Chavez. Malas niya lang dahil girlfriend naman ni Keith ang kaibigan niyang si Denise Raymundo. Pero siyempre...