Chapter 34

24.7K 322 19
                                        

*The scariest thing and the most painful feeling, is to be hated by the person whom you truly love with all of your heart.

“Good morning, Ma’am Lyka.” Ang agarang bati ng security na nagbabantay sa entrance ng studio na pinagmamay-ari ni Dad nung umagang iyon, sabay bigay ng isang maliit na ngiti sa akin.

“Good morning rin po sa inyo, Kuya Guard.” Sambit ko naman, napangiti na rin sa kanyang direksyon pagkatapos.

Tumango ang empleyado sa aking gawi, at mamaya-maya ay pumasok na rin ako sa looban.

There’s only five days left before the day of my grand concert with Triple C, at nilulubos na naming lahat ang mga nalalabing araw bago ang aming performance para mag-practice at mag-rehearse.

Ngunit nung patungo pa lamang ako sa aming gagamiting practice room ay madali naman akong napatigil sa aking yapag nang madatnan kong nandoon rin pala si Keith, na siyang kausap si Ms. Cordova, ang staff member na naka-assign na magbantay sa front desk ng studio.

“Keith.” I suddenly murmured before I was able to stop myself.

Madali namang napalingon sa aking direksyon ang aking best friend, at pawang nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ako.

“Lyks.” Saad niya, pawang biglang-bigla.

Lumipas ang ilang sandali, at nanatili na lang kaming nakatitig sa isa’t isa, tila parehong masyadong gulat at hindi talaga magawang makapagsalita. Ngunit nang ako’y matauhan na rin sa wakas ay madali kong inilayo ang aking tingin sa kanya at napayuko na lamang.

Inilayo na rin ni Keith ang kanyang tingin sa akin, at itinuon na lang niya muli ang kanyang titig kay Ms. Cordova, at ipinagpatuloy nila ang kanina nilang pinag-uusapan na naputol nang ako’y biglang dumating.

Mamaya-maya ay may kinuhang folder na pawang naglalaman ng iba’t ibang klase ng mga documents mula sa staff member ang best friend ko, at pagkatapos niyang magpaalam sa empleyado ay madali naman siyang lumapit sa akin.

“Ano palang ginagawa mo dito? At para saan ang mga hawak-hawak mong mga papeles?” Ang agarang mga tanong ko sa kanya nang makarating na siya sa aking tapat.

Napatingin siya saglit sa kanyang hawak-hawak na folder, at pagkaraan ay muli siyang lumingon sa aking gawi.

“May pinaasikaso kasing mga paperwork sa akin si Dad, and he assigned me to fetch some documents for him here.” Sagot niya.

Napatango na lang ako nang konti. Oo nga pala, I almost forgot that Keith is currently undergoing training in Dad’s company, and he’s been assigned to work under Tito Clark’s supervision, which focuses mainly on celebrity management.

“A, ganun ba.” Ang matipid na tugon ko.

“Yeah.” Saad naman niya. “Anyways, may rehearsals at practice sessions ka ba ngayon?” Tanong niya sa akin pagkaraan.

Napalingon ako saglit sa direksyon ng aking assigned practice room bago ako muling magsalita, at napansin kong pawang wala pang tao sa loob nung mga oras na iyon.

“Oo, pero mukhang hindi pa dumadating sina Cedric, Kuya Carter at Kuya Chris. It seems as though I’m the first one who arrived for the scheduled rehearsals.” Pahayag ko.

Bigla naman akong binigyan ng isang mapaanyayang ngiti ng aking best friend.

“Well, why don’t the two of us go to the cafeteria and have some coffee then? Kesa naman maghintay ka na lang doon sa loob ng practice room ninyo nang mag-isa, I’ll stay and keep you company even for just a short while.” Pagmumungkahi niya.

Married by ACCIDENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon