Chapter 31

30.2K 384 25
                                        

*I’m doing my best in forcing myself to forget everything about you, and I’m trying my hardest to not think about you at all, even though I know that the fact still remains that it’s completely IMPOSSIBLE.

“K-Keith.” Ang mahinang sambit ko, hindi pa rin tuluyang natatauhan nung mga sandaling iyon.

Nanatili lang ring nakatitig sa akin ang aking best friend at dating asawa, at hindi pa rin niya inilalayo ang kanyang tingin sa akin. Mamaya-maya ay dagli ko namang naramdaman ang madaling paglapit ng kambal sa magkabilang tabi ko, at kitang-kita ko na tila gulat rin sila sa biglaang paglitaw ng aming kabarkada.

“Keith, it’s a surprise to see you here.” Tugon ni Bliss, halatang gulat na gulat pa rin.

Inilayo na rin sa wakas ni Keith ang kanyang titig sa akin, at kanya namang itinuon ang kanyang tingin sa aking mga pinsan.

“Bliss and Blair, long time no see as well.” Bati niya.

Napatango naman ang dalawa sa kanyang direksyon.

“Nga pala, anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Blair pagkaraan, pawang nagtataka.

Napangiti nang konti ang best friend ko.

“Isn’t this Lyka’s fans meet-up? Well, I’m one of her many fans, and I came to meet her.” Ang tila mawalang-bahalang sagot niya.

Natauhan na rin ako sa wakas nang aking marinig ang kanyang mga sinabi.

“But there really was no need for you to do that. Tutal, pwede rin naman tayong magkita any day during the time period that I’m staying here. All you had to do was to contact me.” Sambit ko.

He gave me a small and curt smile in return.

“Actually, I did try to do that, pero ayoko rin naman kasing makagambala sa’yo, most especially since I don’t even know whether or not you’re free to take any calls during a certain time period. At ayoko rin talaga kasing makaistorbo sa’yo, lalo na dahil alam ko namang isa ka nang napaka-busy na personalidad ngayon, at hindi lahat ng oras ay magiging libre ang schedule mo.” Sagot naman niya.

Dagli naman siyang napalingon sa kanyang likuran at nagmasid-masid sa loob ng silid. Pagkaraan ay muli siyang napatingin sa aking direksyon.

“Well, since I seem to be holding up the line here by chatting with you guys, pwede bang mag-usap na lang tayo mamaya after your autograph, poster and CD signing? If you’re available of course.” Pagmumungkahi niya sa akin, halatang nagbabaka-sakali.

Agad naman akong napakurap nang ilang beses, nag-aatubili na nang sobra-sobra.

“Baka matagalan pa ako e. Meron pa kasing picture taking session pagkatapos ng signing.” Ang mahinang pahayag ko.

He gave me a reassuring smile in return.

“Don’t worry about that, I’m willing to wait for you to come no matter how long it takes.” Pagpupumilit niya.

Mamaya-maya ay tiningnan niya ako nang maigi, inuusisa ang ekspresyon sa aking mukha.

“O baka naman dahil sa ayaw mo lang talaga akong makita at makausap kung kaya’t ayaw mong pumayag?” Tanong niya.

Agad naman akong pwersahang umiling.

“I’ll come. I’ll definitely make sure of that.” Ang siguradong panayam ko.

Napangiti na naman siya.

“That would be great then. I’ll be waiting at the MZ Bistro, which is located just across from here.” Ang tila natutuwang saad niya, at pagkatapos ay nagsimula na siyang tumungo papunta sa labasan ng coliseum.

Married by ACCIDENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon