Chapter 16

27.5K 380 49
                                    

*Strangers become friends. But it’s painful when friends become strangers. 

Lyka’s POV 

 

“The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try again later.” Ang agad na salubong sa akin ng operator nang muli kong tinawagan ang number ni Cedric nung umagang iyon. 

Nagbuntong-hininga ako at nilapag sa aking bedside table ang cellphone ko. Humiga naman ako sa aking kama at tumingala na lamang sa kisame pagkatapos.

Isang linggo na ang lumipas simula nung insidenteng naganap sa karaoke house, at hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapansin ni Cedric ang mga texts, tawag o kahit ang mga e-mails na sini-send ko sa kanya.

Hay. Kung tutuusin rin naman kasi, sigurado akong masamang-masama talaga ang loob niya sa akin hanggang ngayon, at alam kong hindi agad iyon maglalaho lalo na dahil hindi ko man lang sinabi sa kanya agad ang tungkol sa accidental marriage namin ni Keith. Heck, I didn’t even explain to him the whole story and how everything happened in the first place. Kaya ayan tuloy, iniisip niyang parang pinaasa ko lang siya sa wala.

Bigla namang nag-ring ang cellphone ko pagkaraan, at agad-agad akong napaupo sa kama at kinuha ito, umaasa talagang sana si Cedric ang tumatawag. Ngunit hindi ko mapigilang makaramdam ng disappointment nang makita kong si Dad pala ang aking caller.

“Hello, Dad?” Ang agad na salubong ko sa aking ama nang sagutin ko ang kanyang tawag.

“A, kamusta ka naman diyan sa paninirahan mo sa bahay nina Keith, Dear?” Bati niya sa akin.

Muli akong humiga sa aking kama, at tumingala na naman sa kisame habang kinakausap siya.

“Okay lang naman po. I’ve already adjusted since I used to stay over here with Keith when we were little.” Sagot ko.

“Buti naman kung ganun.” Was his relieved response.

Huminga naman ako nang malalim at nagmasid-masid sa silid.

“Nga pala, bakit po kayo napatawag?” Tanong ko pagkalipas ng ilang sandali.

Narinig kong may isa pang nagsalita mula sa kabilang linya, most likely, isa sa mga kasamahan ni Dad sa trabaho. Narinig kong may sinabi si Dad sa kanyang kasamahan, at mamaya-maya ay ako muli ang kanyang kinausap.

“Sorry for that short interruption, Dear.” Sambit niya. “Anyways, I just wanted to check up on you. Mukha kasing matagal-tagal pa ang stay ko dito sa Singapore, at parang hindi rin agad-agad makakauwi diyan sina Jasmine at Clark.”

“Ganun po ba? Okay lang po yun. Keith and I are both doing fine here, so there’s no need for all of you to worry about us. Hindi niyo po kailangang madaliin ang mga trabaho ninyo. After all, we’re already old enough, so we can manage living here by ourselves.” Paninigurado ko sa kanya.

“Alright, that’s good to hear then.” Tugon naman ni Dad. “By the way, naaalala mo pa ba yung pinakilala kong music producer sa inyo ng Triple C noon, Dear?”

Agad akong napaisip, inaalala ang mga producers na pinakilala sa amin noon ni Dad.

“Alin po ba doon?” Tanong ko.

“Yung music producer na nag-ma-manage ng kumpanya natin sa Washington. Si Mr. Arthur Brandon.”

“Oh, I remember him now. Teka, ano po bang meron sa kanya, Dad?”

“Well you see, I showed him a video of you and Triple C performing during one of your training sessions in the studio, and he’s decided to showcase your debuts by this summer.” Ang tila natutuwang pahayag niya.

Married by ACCIDENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon