Chapter 27

26.2K 365 16
                                        

*Letting go doesn’t actually mean that you’re giving up, but rather, you’re completely accepting the fact that there are things that are just not meant to be. 

“Congratulations on graduating everyone!” Ang agad na bati sa amin nina Tita Jasmine, Tita Kate, Tita Vanessa, Tita Camille at Tita Naomi nung mag-gagabing iyon. 

Agad naman kaming nagsingitian nina Bliss at Blair, at nakita kong may namumuo ring mga ngiti sa mga mukha nina Drake at Keith. Kakatapos lang kasi ng aming graduation ceremony kaninang hapon, at nagtipon-tipon kaming lahat dito sa bahay ng mga Castaneda para magdiriwang.

Dahil kahapon lang rin idinaos ang graduation ceremony para kela Levi at Dustin, minarapat na ipagsabay-sabay na lamang ang mga iplinanong handaan para magkasama-sama na rin ang lahat ng magpapamilya sa selebrasyon.

Siyempre naman, sumama na rin sa pagdiriwang sina Ate Margaux, Piper, Bendix, Valerie at Devin, at pawang kumpleto kaming lahat para sa pagtitipon na ito. Buti nga at sa wakas ay nakauwi na rin mula sa kanilang mga business trips sina Tita Jasmine at Tito Clark, at pati rin si Dad na kakarating lamang galing ng Washington kahapon, kung kaya’t nakadalo at nakasama talaga sila sa napaka-espesyal na okasyong ito.

“This gathering is also in commemoration of Lyka’s soon-to-be debut as the newest song artist in the music industry, as well as an early celebration for her upcoming nineteenth birthday!” Punyagi ni Dad, napakalaki ang ngiting nakalapat sa kanyang mukha nung mga oras na iyon.

“And let us not forget, this is also a festivity for the preparation of Lyka and Keith’s forthcoming wedding, which will immediately commence before the end of summer.” Dagdag pa ni Tito Clark, pawang ngiting-ngiti rin.

Dagli namang naghiyawan at nagsi-ingay ang lahat, maliban sa aming dalawa ni Keith na nagkatinginan saglit at agad namang napayuko pagkatapos.

Napatingin naman sa aming direksyon si Tita Jasmine, nakangiti rin at tila walang kamuwang-muwang sa kasalukuyan naming disposisyon ng kanyang panganay na anak.

“By the way, I’ve been meaning to ask the two of you, when do you want to have your wedding? Siyempre naman, kailangang maganap ang pangalawang kasalan ninyo bago ka umalis papuntang Washington para sa debut mo, Lyka.” Saad niya.

“But of course, we should also consider the other special dates, like your father’s imminent forty-fifth birthday which is on May 10.” Pahayag naman ni Tita Kate.

“So, we’ve been thinking, why don’t you have your wedding a week after that special occasion? Like around the sixteenth, seventeenth or eighteenth of May?” Sabi ni Tita Vanessa.

“That way, we would still have plenty of time to send out the invitations to everyone on your soon-to-be guestlist, as well as set up the venue, decorations, motif, attires and everything else that you will need. After all, it would still be more than one month before the actual main event. We’ll definitely and willingly help out with all of the preparations.” Dagdag pa ni Tita Camille.

Muli kaming nagtinginan ni Keith, talagang hindi na mapalagay at nag-aalinlangan na nang sobra-sobra nung mga oras na iyon. Nakita ko namang sabik na sabik na nagkukwentuhan tungkol sa malapit na aming ikalawang kasalan ang aming mga nakatatanda, lalong-lalo na sina Tita Jasmine, Tita Kate, Tita Vanessa, Tita Camille at Tita Naomi, at kahit ang aming mga kabarkada, pati na ang mga bata, ay pawang nakisali na rin.

Pagkaraan ay huminga ako nang malalim at pwersahang itinakwil ang kabang namumuo sa kalaliman ng aking dibdib, at pagkatapos ay pilit akong ngumiti sa direksyon ng aming mga kasamahan, lalong-lalo na sa aming mga magulang ni Keith.

Married by ACCIDENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon