Chapter 2

2.9K 70 2
                                    

                  Chapter Two

KINABUKASAN maaga akong nagising. Ipinagpatuloy ko na rin ang pag-impake na hindi natapos ni Mama kagabi. Nang matapos ay bumaba na rin ako at syang pagdating ng sasakyan sa may gate. Kaagad namang pumasok ang driver nito at kinuha ang mga bagahe na nasa may hamba ng pinto.

"Papa," tawag pansin ko kay Papa. May hawak siyang newspaper habang nagkape. Umangat ang kanyang tingin sa'kin. "Aalis na po ako, at si mama, p-pakisabi nalang sa kanya na maaga akong umalis."

"Sige," sumimsim siya sa kanyang coffee. "Si Dustin, hindi na ba siya papasok dito sa loob?" tanong nito.

Tumingin ako sa labas, nakita ko naman si Dustin na tinanaw lang ako. At sabihin man niya at sa hindi, alam kong nababagot na siya.

"H-hindi na po, Pa. Baka nagmamadali si Dustin kaya hindi na pumasok," lumapit ako sa kanya at humalik sa kanyang pisnge.

"Ingatan mo ang sarili mo, Christine. Kahit hindi mo man sabihin, pero alam ko ang lahat ng mga pinanggagawa mo. Kung may kailangan ka, nandito lang kami ng mama mo." umiwas ako ng tingin. Napaangat na rin ako ng tingin para mapigilan ang pagiging emosyonal sa harapan ni Papa.

"S-sige po, pa. Kayo rin, i-iingatan niyo rin po ang sarili niyo."

Matapos magpaalam kay Papa, saglit kong inilibot ang paningin sa loob ng bahay. Mas ipinukos ko pa ang mata sa kwarto ni mama.

"I'm sorry ma at paalam," mahina kong saad bago tuluyang lumabas ng bahay.

Nang makarating sa kotse, ando'n na sa loob si Dustin. May hawak siyang libro habang nag-h-headset. Nasa backseat siya kaya mas pinili kong maupo sa front seat. Hanggang sa makarating sa bahay na sinasabi ni Tita Kristina ay wala pa ring imik si Dustin. Nang tingnan ko siya, nakahalukipkip na ito at base sa kanyang porma ay malalim ang tulog niya.

"Ma'am, ibaba ko na po itong nga gamit niyo." saad ni manong Edgar. Ang driver.

Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Sige po, susunod lang din po ako sa loob. Gisingin ko lang muna si Dustin."

Bumaba na muna ako, binuksan ko ang pinto ng backseat at akmang gigisingin na siya ng bigla itong gumalaw.

Saglit akong napatitig sa kanya. Muling pinagmasdan ang gwapo niyang mukha. Kung noon ay pwede ko pang hawakan lahat ng parteng iyon, ngayon naman ay hindi na maaari.

"Dustin, gusto ko mang humingi ng explanation sa'yo. Pero kahit na manghingi ako sa'yo no'n, alam ko namang mas lalo lang akong masaktan. Oo, mahal kita, pero kapag binigyan mo ako ng explanation alam ko na mas lalo lang akong madurog. Mas . . . Mas lalo lang kitang hawakan ng mahigpit." mahina kong anas, may tumulo ring isang butil ng luha sa aking pisnge. Hinawakan ko ng marahan ang kanyang mukha. "Gusto kitang pakawalan, Dustin. Gustong-gusto, pero hindi ko kaya. Hindi ko kaya na hindi ka makita kahit na isang minuto man lang." pinalis ko ang luhang patuloy na dumaloy sa aking pisnge at napabuga ng hangin.

Dumaan pa ang ilang minuto na tinitigan ko lang si Dustin. Nang matanto ko na mas lalo ko lang siyang hawakan ng mahigpit kapag tinitigan ko pa siya ng matagal ay agad na akong umiwas. Ngunit kaagad rin akong nagitla nang hawakan niya ako sa braso.

"I know what you're thinking," asik niya. "But please stick to it, Christine."

Nalilitong tumingin ako sa kanya. Nakapikit pa rin siya, nang umangat ang kanyang mukha ay muling nagtagpo ang aming mga mata.

"A-anong ibig mong s-sabihin, Dustin?"

"I'm going to make our contract tomorrow, and after our wedding, you will sign it." malamig na nitong turan at bumaba sa kabilang pinto.

Impregnated By My Ex (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon