Chapter 8

2.6K 69 7
                                    

Chapter 8

Dustin's POV.

BUONG meeting na wala akong masyadong naintindihan. Tatango lang ako kung may i-suggest siya sa'kin. Ang limang taon kong binabad ang sarili sa trabaho at pagpractice, nawala ang bisa lahat ng 'yon. Parang nagsisimula pa lang akong natuto sa lahat.

I remained staring into her eyes, no emotion and trace on her face that it was focused on work.

Saan ang Christine na palagi kong hinahanap? Even though she said she was Hailey, there was still hope left in me. I hope she really is.

"So, that's for today Mr. Sandoval!" nakangiting aniya, ngunit hindi about sa kanyang tenga ang ngiting 'yon na madalas kong makita kay Christine noon. Tumayo siya kaya tumayo na rin ako para makipag-kamay sa kanya. "Goodluck in our partnership, Mr. sandoval." saad pa nito bago tuluyang lumabas sa office.

Nanatili akong nakatayo, nakatingin sa kanyang likuran. Bahagyang napatawa.

'Kung mahanap mo siya, kung totoo nga na siya si Christine, ano namang gagawin mo Dustin? Saktan ulit siya? Magpakilala kang asawa sa kanya? Sabihing mahal mo naman talaga siya?' saad ng isa kong isip.

Everything's not going back to normal, so stop overthinking.

"No. S-shes my wife, She is my wife I have always hurt. I-i just want to say sorry for what I did."

Hindi ko mapigilan ang sariling sundan siya. Papasarado na ang elevator. Unting-unti nalang para tuluyan ko ng hindi makita ulit ang kanyang mukha. That innocent face, I miss her so much.

Iniharang ko ang aking kamay. Gulat ang rumehestro sa kanyang mukha. Nang tuluyan na itong bumukas, walang pag-aalinlangan akong pumasok at niyakap siya ng mahigpit.

"Please, don't leave me, Christine. I-i know that I hurt you, but please forgive me. I-i don't want to lose you anymore, p-please just stay with me." asik ko. Nanatali siyang walang kibo. Walang imik at hindi makagalaw.

Tiningnan ko siya sa mata. Tsaka ko lang nakita ang matagal ko ng hinahanap, ang emosyon sa kanyang mata. Ngunit saglit lang iyon at kaagad na napalitan ng blankong tingin.

"W-what are you talking about, Mr. Sandoval? Hindi kita maintindihan. May nangyari ba?" aniya. Ramdam ko sa bawat salitang lumabas sa kanyang bibig na totoo ang lahat. "who's Christine? Gano'n na ba siya ka-importante sa'yo para mapagkamalan mo ako?" curious nitong saad.

Umiling ako. "N-no. I-im sorry, I thought your just pretending." saad ko. Pasimple kong pinunasan ang luhang dumaloy sa aking pisnge.

"Look, I know your serious. Pero 'wag mo sanang isipin na nagpapanggap ako. Seryoso ako sa lahat ng bagay, lalo na sa trabaho. Wala akong oras para sa tulad ng iniisip mo." tumunog ang elevator, bumukas iyon. "Kung may pagkapareho man kami ni Christine. I'm sorry, pero hindi talaga siya ako. Hindi ko man alam ang totoong nangyari, pero sa narinig ko mula sa'yo, nagsisisi ka. Ito lang Mr. Sandoval ah, payong kaibigan lang 'to, sana kung alam mong mahalaga ang taong 'yon, 'wag mong bigyan ng rason para pakawalan ka." aniya at tuluyang lumabas.

Naiwan akong puno ng pagsisisi. Napasabunot ako sa aking buhok. Hindi siya si Christine, dahil kung siya 'yon, hindi niya 'ko matiis.

"Hindi ko man alam ang totoong nangyari, pero sa narinig ko mula sa'yo, nagsisisi ka. Ito lang Mr. Sandoval ah, payong kaibigan lang 'to, sana kung alam mong mahalaga ang taong 'yon, 'wag mong bigyan ng rason para pakawalan ka." tumango-tango ako nang muling bumalik sa aking alaala ang sinabi ni Hailey.

Impregnated By My Ex (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon