Chapter 28
ISANG buwan akong walang contact kela Dustin. Hindi ko na alam ang gagawin. Parang sa loob ng isang buwan, para akong lantang gulay. Walang ibang gawin kundi mag-over-think.
"P-paano kung dinala ni Dustin sa malayo ang anak ko? P-paano kung wala na silang balak bumalik? J-jenny, sabihin mo sa'kin na hindi totoo." puno ng pag-asa kong saad.
"Syempre, hindi naman talaga totoo. Babalik sila, Christine. Si Justine pa ba? Alam kong mahal na mahal ka nya."
Nagpatuloy ako sa paglalakad pabalik-balik dito sa loob ng kwarto. Ito lang palagi ang ginagawa ko, lalo na kapag may inisip ako ng malalim.
"Alam ko na ang gagawin!" kinuha ko ang phone at wallet tsaka nagmamadaling lumabas sa kwarto.
"Hoy! Saan ka pupunta, Christine?" sunod ni Jenny sa'kin.
"Kela mommy, kailangan ko ng information. Hindi ko na mahintay ang ilang araw. Dapat ngayon na ang balik nila, pero hindi sila dumating."
"Teka, tumigil ka nga!" humarang si Jenny sa harapan ko. "Palagi ka nalang gan'yan, pwedeng nagbakasyon lang sila? Malay mo, babalik na sila dito bukas."
"Bukas pa? Jenny, puro bukas nalang. Walang mangyayari kung hindi ako gagawa ng paraan ngayon."
"Ang tigas ng ulo mo, Christine." sa wakas ay umalis sya sa harapan ko. Umupo si Jenny sa may sofa. "Kapag ginawa mo pa 'yan, baka hindi na babalik si Justine mo."
Mas lalong kumulo ang dugo ko sa pinagsasabi ng babaeng 'to. Umupo ako sa may harapan nya.
"Sige, ano bang dapat kong gawin?"
Kita ko naman ang pagngiti nya. "Chill. O 'di kaya, magbakasyon tayo kasama sila Tita?" hinampas ko nga sya.
"Bakasyon? Magawa ko ba 'yon?" muli akong tumayo.
"O, 'wag mong sabihin na tutuloy ka?"
"Pupuntahan ko ang abogado ko, kailangan kong ma-arrange lahat ng papelis namin ni Dustin para sa divorce."
Ngayong inilayo ni Dustin sa'kin ang anak ko, mas lalo akong atat na hiwalayan sya.
Oo, naintindihan ko ang sitwasyon ni Dustin. Pero makatao pa ba ang hindi pagpaparamdam sa'kin? Gusto kong malaman ang kalagayan ng anak ko, pero heto syang pilit ipinaglayo kami.
Ipinapangako ko talaga na kapag babalik na sila dito, wala ng dapat maayos pa sa'min.
"Sure ka ba talaga sa pakikipag-divorce mo na 'yan?" paulit-ulit na tanong ni Jenny.
Gusto ko ng takpan ang tenga ko. Kung hindi lang ako ang nag-drive, baka kanina ko pa nilagyan ng kung ano sa bibig ng babaeng 'yan. Kulang nalang na gumamit sya ng megaphone para sa paulit-ulit nyang sinasabi.
"Christine, may anak kayo."
"Na hindi na bumabalik sa'kin, Jenny. Kanina ka pa paulit-ulit n'yan. Hindi na ako binalikan ni Justine, kaya kapag babalik sila dito, ako naman ang aalis. Wala ng maaayos sa pagitan namin ni Dustin. Galit ako sa kanya, tapos!" pagtatapos ko sa usapan.
"Pero---"
Napapikit ako sa inis. "Hindi ka ba talaga titigil, Jenny? Ayaw ko ng makipag-balikan kay Dustin. Takot na akong mangyari ulit 'yong dati na pumayag ako sa gusto nyo ni Lance, pero anong nangyari? Hindi ba mas lalo lang akong nasaktan?"
Natahimik si Jenny. Realization hits me. Huminga ako ng malalim.
"Sorry," saad ko. "Ayaw ko na talaga kay Dustin, Jenny. Wala ng makapagpabago sa isip ko."
![](https://img.wattpad.com/cover/286595109-288-k907844.jpg)
BINABASA MO ANG
Impregnated By My Ex (COMPLETED)
RomanceChristine Paller was impregnate by her ex, Dustin Sandoval. Pero hindi sa ganoong paraan nagtatapos ang kanilang relasyon. Their parents wants them to get married. Then, they make a plan, their marriage is only in paper and for the baby. Pero paano...