Chapter 3

2.5K 66 3
                                    

                  Chapter Three

"Pinatay mo ang anak ko Christine, at ngayon lalapit-lapit ka sa'kin para humingi ulit ng chance? How can I give you that again if you are the reason for the loss of my child? I never loved you once, Christine. I hope you kept it, sa ngayon, umalis ka na sa harapan ko. ALIS!"

Agad akong napabangon dahil sa bangongot. Nang kapain ko ang aking mukha, basang-basa ito na para bang totoo ang lahat ng nangyari.

Anong ibig sabihin no'n? Napatay ko ang anak niya? Pinilig ko ang ulo ko at kumuha ng tubig sa ref. Tanghaling tapat inaantok ako. Tapos dumagdag pa ang kakaibang bangongot na 'yon. Parang totoong nasaktan ako sa bawat bigkas niya ng masasakit na salita ay sobrang sakit.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa baba." tawag sa'kin ng Isa sa mga kasambahay namin na dumating kahapon.

Agad ko ng tinapos ang pag-inom at saglit na inayos ang sarili. Sino kaya ang naghanap sakin ng ganitong oras? Wala naman akong inaasahang bisita.

Nang makarating sa may sala, isang babae ang prenteng nakaupo sa sofa. Sa ikinilos nito ay kitang-kita na ang pagiging professional.

"So, you're Christine?" tumaas pa ng bahagya ang kaniyang kilay. Sa kanyang mala-abong mata ay kapag tumingin ito ay parang tagos hanggang kaluluwa ang kaniyang titig.

Tumango ako. Umupo sa parihabang sofa, kaharap niya.

"I already know what your relationship with Dustin. By the way, I'm Celestine Sandoval, Dustin's eldest sister. Sa palagay ko, Na-kwento na ako ng kapatid ko sayo, tama ba ako?" aniya. Umiling ako, hindi masyadong makatingin sa kanyang mata. "To be honest Christine, I like you for my brother. But you can't pleased my father to be like you as a wife for my brother. I tell you frankly, may nakalaan na para sa kapatid ko. They supposedly get married this month. Kung ako hindi pa na-kwento ni Dustin sa'yo, mas lalo na si Hannah na childhood bestfriend niya at same time, his first love." mahaba niyang litanya. Sumimsim rin siya ng kanyang coffee.

"Anong dahilan kung bakit mo sinabi sa'kin ang lahat ng 'yan?" gulong tanong ko sa kanya.

"If you love my brother so much, please let him go. Yeah, sinabi ko na gusto kita para sa kapatid ko, pero mas may bagay pa siyang mahalagang gawin, Christine."

Bumuntong hininga ako. "P-pero I can't let him go. Buntis ako, at . . . M-mahal ko pa rin siya."

"Ah, I see." tumango-tango siya at tumayo. "Pag-isipan mong mabuti ang sinabi ko, Christine. I gotta go, may pupuntahan pa ako." paalam nito.

Nang makaalis na siya ay napatungo ako. Bago pa tuluyang mamuo ang luha sa aking mata ay syang pagdating ni Dustin.

Blanko ang kanyang mukhang nakatingin sa'kin at kalaunan ay umiwas ng tingin.

"Si Hannah..." mahina kong bigkas bago pa man niya ako tuluyang lagpasan. Napatigil siya sa paglalakad.

"I don't need to explain myself, Christine. We're not in a relationship anymore." he said coldly.

"Dustin, may gusto lang akong malaman," mahina kong anas. "Wala na ba talaga? No'ng naging tayo, n-ni minsan ba minahal mo rin ako? O ginamit mo lang ako para makapag-move on ka kay Hannah?" tanong ko sa kanya. Unti-unti na rin sa pamumuo ang aking luha.

"I did." patango-tango niyang anas. "But I love Hannah more than you. Sinabi ko na sa'yo, You'd better move on with me, because you have nothing to look forward to." may kinuha siyang papel sa kanyang bag at binigay sa'kin. "That's our contract. From now on, hindi mo na ako kailangang alagaan. You don’t please me on the things I do. You don't have to wait for me anymore. You can only re -enter a relationship after 2 years. At pagkatapos ng dalawang taon nating pagsasama bilang mag-asawa, you can do what you want, because in that time, our relationship as a husband and wife is already over." mahaba niyang litanya.

Impregnated By My Ex (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon