Chapter 12

1.8K 56 3
                                    

Chapter 12




MONTH PASS BY, ngayong araw ang dating ni Justine kasama si Tiarra. Kahit na ayaw nitong sumama, pinilit ko pa rin. Hindi niya naman kasi sinabi ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw niyang sumama.

Kasama ko si Dustin sa pagsundo kay Justine. Nitong nakaraang buwan ay medyo nagkamabutihan na kami ni Dustin bilang magkapit-bahay, 'yon lang ay ayaw na ayaw pa rin niyang may pinaki-alaman ako sa gamit niya.

"Wait for me here, Hailey. Maliligo muna ako," aniya habang naka-topless na. Tumango lang ako sa kanya. "Don't forget my rules," saad pa niya bago tuluyang pumasok sa loob.

"Oo na, hinding-hindi ko 'yon makakalimutan Mr. Sandoval." tawa ko. He returned and he glared at me.

"We have already talked about this. Just call me Dustin, Miss Freynn."

"Hailey nalang din kasi." simangot ko. Hindi niya naman na ako pinakinggan.

Napailing nalang ako at tumayo. I'm a silly girl, matagal ko na talagang gustong pasukin ang kwarto niya. Nalibot ko na lahat ng sulok ng kanyang condo, tanging kwarto niya nalang ang wala.

Nilagay ko sa single sofa ang bag at nagsimula ng maglakad patungong kwarto ni Dustin. Dahan-dahan ko iyong binuksan, unang bumungad sakin ay ang panlalaking pabango na halos humahalimuyak pa sa ilong ko. Pero hindi ko 'yon pinansin.

I pressed the switch and the whole area lit up.  Bahagyang nakabukas pa ang white curtain ng kanyang see through glasses.

I rolled my eyes. There are three pictures placed in the picture frame. Isang babaeng kamukhang-kamukha ko, si Dustin at isang picture ng baby na nasa loob pa ng tyan. Napagitnaan iyon nina Dustin at ng babae.

Dahan-dahan akong lumapit at marahang hinawakan ang picture.

"Dustin, mahal na mahal kita." muntik ko ng mabitawan ang picture frame nang may maalala ulit ako.

"Hailey," baritonong boses ni Dustin ang nagpapagitla sa'kin. Humarap ako sa kanya at patay malisyang nilagay sa may likuran ko ang frame.

"D-d-dustin, andito ka na pala." utal kong sambit.

Tiningnan niya ang frame at tumingin din sa'kin. "Let's go." malamig niyang turan.

"S-sorry," tungo ko.

"Don't show such weakness in front of me, mas lalo ko lang naalala siya sa'yo." aniya. "Let's go, baka ando'n na sila sa airport ngayon." aniya na tinanguan ko nalang.

Bago tuluyang makalabas sa kwarto, saglit kong nilingon ang frame.

Kung hindi ba nawala ang memorya ko noon, may maalala pa ako sa kanya? Sino ka ba talaga sa buhay ko, Dustin Sandoval?


>>FLASHBACK<<

"N-nasaan ako?" mulat ko sa aking mata. Malabo pa masyado ang aking paningin at may kaunting kerot pa akong naramdaman sa may ulo ko.

"N-nandito ka sa hospital, m-maam." saad ng babaeng hindi ko kilala. Ngayon ko pa lang nakita ang kanyang mukha, at kahit na ano, wala akong maalala kung saan ako nanggaling.

"S-sino ka?" tanong ko.

"P-po?"

"Sino ka? Sino ako? At n-nasaan tayo?" sunod-sunod kong tanong.

"A-ako po si Tiarra Freynn, ma'am. A-ayos ka lang po ba? Sorry po talaga ma'am, hanggang ngayon hindi ko pa rin tinigilang sisihin ang sarili ko dahil sa aksedente. Sorry po,"

Kumunot ang noo ko. "A-aksedente? K-kailan?"

Bago pa makasagot si Tiarra ay may dumating na babae.

Impregnated By My Ex (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon