Chapter 23

1.7K 47 2
                                    

Chapter 23




Christine's POV.

Hilong-hilo pa rin ako nang makasakay sa taxi. Saglit lang na nawala ang kalasingan, ngayon naman inaantok na ako. Gusto kong ipahinga ang puso't utak ko. Pero kita ko sa salamin ng pagsunod ng kotse ni Dustin, nilingon ko ito.

"Manong, pakibilisan po." saad ko. Bahagya ko ring pinilig ang ulo ko, dala ng pagkahulo.

"Bakit po, ma'am? Kilala n'yo po ba 'yang kotseng nakasunod satin?"

"Yes po, a-at naghanap lang siya ng gulo." asik ko na sinunod naman ng driver.

Naalala ko ang kotse, pero sa kalagayan ko ngayon, hindi sapat ang lakas ko para makapag-drive ng maayos. Ipakuha ko nalang bukas.

Nang makarating sa bahay, ang buong akala ko na hindi na nakasunod si Dustin ay nawala. Pababa pa lang ako, ngunit hinintay na ako ni Dustin.

"Christine, let's talk, please? Ano bang gusto mong marinig na paliwanag ko? If I can, I will do it. Just...just say it, 'wag mo namang gawin sa'kin 'to."

"Dustin, hindi mo ba ako naintindihan? K-kung kailan ako na ang susuko, ikaw naman ang lalaban ngayon? Kung noon mo pa sana ginawa 'yan, b-baka hindi tayo masaktan ng ganito ngayon. Please, just accept the fact that were not meant for each other." tuluyang tumulo ang luha ko.

Pumasok na ako sa gate at iniwan doon si Dustin. Napasapo ako sa mukha at napaupo sa may gate.

Ano pang pinaglaban ko ngayon? Narinig ko na ang buong paliwanag niya, pero hindi ko pa rin siya magawang patawarin.

Nanghihina akong tumayo at naglakad papasok ng bahay. Patay na lahat ng ilaw, saglit akong uminom ng tubig bago pinuntahan si Justine sa kanyang kwarto.

Binuksan ko ang pinto at tanging lampshade nalang ang nakabukas.

"This is my first time to feel that I have a whole family. Thank you sa inyo ng guy na 'yon." naalala ko ang sinabi ni Justine.

Ang malungkot nitong mata na mas lalong nakapagpasakit ng puso ko. "I'm sorry Justine, sorry kung hindi ako naging Ina sa'yo. Sorry k-kung i-ipinagdamot kita sa daddy mo." dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya. "I-im really sorry, Justine. H-hindi ko lang matanggap na mas lalong mawala ka sa'kin. I-im sorry,"

Hinawakan ko ang kanyang noo, ngunit napatigil ako nang maramdaman kung gaano ito kainit. Namumutla na rin ang labi nito, at nanginginig sa lamig.

"J-justine?" gising ko rito. Mas lalo lang na lumakas ang panginginig nito na ikinatakot ko. "Justine, gumising ka! Mama! Jenny! Pumunta kayo rito sa kwarto ni Justine, ngayon na!" sigaw ko.

Niyugyog ko ang balikat ni Justine at hindi napigilan ang luhang kusang tumulo sa aking pisnge.

"Justine!"

"Anak, anong nangyari?" kinapa ni mama Ang noo ni Justine. "Jusko, jenny, ipahanda mo ang driver dalhin natin si Justine sa hospital."

"O-opo Tita,"

Si mama na mismo ang umakay kay Justine, naiwan ako sa loob ng kwarto nang mag-isa.

Hanggang kailan ba 'to? Lord, hanggang kailan niyo pahirapan ang anak ko? B-bakit sa kanya nyo pa binigay ang sakit nya? B-bakit hindi nalang sakin? B-bakit sa anak ko pang simula't sapol, sobra ng nasaktan? K-kulang pa ba ang naranasan namin na pati ang anak ko, binigyan nyo ng ganitong sakit? B-bakit h-hindi nalang a-ako? K-kung kulang pa, andito naman ako. Manhid na ako, kaya sakin nalang. 'wag na sa anak ko.

Pinahidan ko ang aking pisnge at lumabas ng kwarto. Si papa nalang ang nadatnan ko sa labas. Naka-upo pa rin sa witcher.

"P-papa," tawag ko sa kanya.

Impregnated By My Ex (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon