Chapter 14

1.5K 42 3
                                    

Chapter 14







"I can't believe it!" kwento ni Justine habang punong-puno ang kanyang bibig.

"Justine, don't talk when your mouth is full." saway ko sa kanya.

"We'll win, Tita! And I can also see the chemistry between you and daddy!" hindi pa rin matigil niyang kwento. mabuti nalang wala pa si Dustin. Nagpapaalam kasi itong mag-cr muna.

"Stop it, Justine." saway ko parin.

"Sorry, Tita." tungo niya na ikinaalarma ko. "This is my first time to feel that I have a whole family. Thank you sa inyo ng guy na 'yon." slang ang kanyang tagalog pero ramdam ko pa rin ang lungkot.

"I'm sorry," hingi ko rin ng tawad. Nakonsensya ako. Kung hindi dahil sa'kin hindi makaramdam ng gan'yan si Justine.

Natigil lang kami sa pag-uusap nang tumunog ang phone ko sa may mesa. Pati si Justine ay napatingin na rin Doon.

"Wait lang Justine." mahina kong saad bago sagutin ang unknown number na tumawag. Baka si Tiarra na naman. Ang daming number niya rin kung gano'n.

"Tiarra, is this you?" tanong ko.

"I'm not. This is Hannah, magkita tayo ngayon din. I-text ko sa'yo kung saan." anito at kaagad na pinatay ang tawag.

Hannah? Parang may narinig na akong ganong pangalan.

"Who's calling you, Tita?" kunot-noong tanong ni Justine.

Umiling ako. "Si Hannah daw." wala sa sarili kong sagot.

"Hannah? Bakit siya tumawag sa'yo?" singit ni Dustin. Nagkibit ako ng balikat. Maski ako hindi alam ang dahilan niya. Pati na rin ang pakikipagkita sa'kin.

Tumayo ako. "Dustin, pwedeng ikaw na munang bahala kay Justine? I really need to go, magkita nalang tayo sa bahay." dali-dali kong saad.

"Magkita kayo ni Hannah?" tanong pa rin ni Dustin. Tiningnan ko lang siya nang may ibig sabihin at kaagad na nilapitan si Justine na hindi alam ang nangyari.

"Sumama ka muna kay d-dad mo ha?" naiilang pa rin akong sabihin na dad niya 'yon.

"Why?" tanong niya.

"I just have to go. I'll just see you in the house, baby." hinalikan ko siya sa pisnge bago tuluyang umalis. Tumunog naman ang phone ko at nang tingnan ko iyon na ang address na ni-sent ni Hannah.

Nang makarating sa address na sinasabi ni Hannah, Isa iyong coffee shop. Nandoon na rin ng isang pigura ng babae at nang lumingon siya, kaagad kong naalala kung saan kami nagkita. Doon sa office ni Dustin na Christine din ang tawag sa'kin.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa may harapan. Wala pa mang isang minuto ay may dumating na waiter at nilapag ang frappe. Nang makaalis ito ay tiningnan ko si Hannah na may kahulugan.

"Here," aniya. Napatingin ako sa sobreng nasa harap ko ngayon. "Tingnan mo 'yan, 300 million para sa pag-alis mo dito sa lugar." walang pasubali niyang saad.

Kunot-noong tumingin ako sa kanya. "At anong dahilan para aalis ako dito?"

"Dahil sa pera? I know your background, Hailey. At siguradong para sa anak mo, gagawin mo ang iniutos ko." para akong binuhusan ng malamig na yelo. Paano niyang nalaman na may anak ako? Imposibleng...

"As what I've said, I check your background." ngisi niya. "And that Tiarra, your so called fake sister and the fake mother of your son, gusto mo bang malaman ang totoo niyang pagkatao behind her so innocent face?" patuloy pa nito na animo'y nasiyahan sa reaksyon ko.

Sa loob ng limang taon, ngayon lang ulit may nag-ungkat ng aking nakaraan. At bakit sa babaeng hindi ko pa gaanong kakilala nanggaling?

Kinuha ko ang sobre. Tama nga siya, may checking nakapaloob no'n at 300 million.

"Don't worry, hindi 'yan scam. I alreay sign it." aniya.

"I don't need your money, Hannah. Kung gusto ko man ng pera ngayon na ganyan ka laki, mas gugustuhin kong pagsikapan para makuha 'yan. Hindi 'yong galing sa katulad mong alam kong kakaiba ang galaw ng utak. Excuse me, I have to go." saad ko at muling nilagay sa mesa ang sobre. Akmang tatayo na ako nang muli siyang magsalita.

"Your son." aniya. "Kapag nalaman niyang pinaglaruan niyo siya, ano kayang maramdaman niya?" dugtong niya. Tama nga ako, nasisiyahan siyang alamin ang buhay naming mag-ina.

Napabalik ako sa pag-up at nag-apoy ang matang tiningnan siya. "Wag na wag mong idamay sa walang kwentang pag-uusap na 'to ang anak ko, Hannah! Kapag narinig ko pa ang pagbanggit mo maski sa pangalan niya, magkamatayan tayo!" nagtangis ang bagang kong saad.

She chuckled. "Hindi ko inasahan na may ikakatapang ka rin pala, Hailey. All I thought gaya ka pa rin ng dati na tanga at walang kwentang asawa. Mabuti naman at sa wakas lumabas din ang totoong ikaw, para naman masiyahan akong paglaruan ka lalo." ngisi niya. "Take that, kung ayaw mong atakehin ulit ang anak mo." aniya at tumayo. Napakuyom ko ang aking kamao dahil sa inis at galit.

"Desperada." saad ko na ikinatigil niya. Inangat ko ang tingin sa kanya at ako naman ngayon ang napangisi. "Nagtaka ako kung saan ka naging desperada, sa pag-alis ba namin, o desperada kang makalayo kami sa tabi ni Dustin? Tell me Hannah, tama ba ako sa dalawang 'yon?" giit ko sa kanya.

"Of course not! Ako ang fiance ni Dustin kaya bakit ako maging desperada? All I know, ako ang fiance at hindi ikaw. Kaya better leave now, 'wag kang lapit ng lapit sa kanya. Isa pa, anong dahilan para maging desperada akong makalayo kayo sa tabi ni Dustin?"

"Dahil kamukha ko ang asawa niya?" may pagtatanong kong saad. "Kahit na ako ang nasa pwesto mo. Kakabahan na talaga akong mas lalong mapalapit si Dustin sa babaeng kamukha ni Christine. Lalo nang alam kong mas mahal niya ito kesa sa'kin." patuloy ko na mas lalong ikinasama ng timpla ng kangang mukha. Pigil na pigil siya ngunit napangisi ako nang hindi niya napigilan ang galit.

"How dare you!" galit niyang sigaw.

"I'm just telling the truth, Hannah. Oh diba, mas masakit malaman ang katotohanan?" tumayo ako. "I wonder nga kung bakit at kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng asawa niya? Kung ako sa may pakana ng planong 'yon, kabahan na ako. Malapit na ang delobyo para sa kanila." mas lalo akong napangisi sa naging reaksyon niya. "Mauna na ako, Hannah. Nasiyahan akong makausap ka ng ganito." aniko at tuluyan na siyang iwan sa loob.

Nang makalabas sa coffee shop ay doon ko pa naramdaman ang panginginig ng aking tuhod. Takot sa pwedeng mangyari samin ni Justine. Nang mapalingon ako sa kinaroroonan ni Hannah, galit na galit na itinumba niya ang mesa at hindi pa na kontento, pati ang ibang mesa ay itinumba pa.

Muli akong napangisi. "Dapat lang sa'yo 'yan, Desperada." saad ko at sumakay sa kotse.

"Ma'am, ayos ka lang po ba?" tanong ni manong nang makapasok ako sa loob.

Tumango ako at nakita naman ang itim na kotseng nakasunod samin na alam kong mga bodyguards ko 'yon. Bago pa kami makarating sa coffee shop kanina ay sinabihan ko na sila na wag makialam dahil kaya ko na ang sarili ko.

"Kilala ang pamilya Rejas dito bilang mabubuting tao na naglingkod sa lunsod." kwento ni manong. "At ang Sandoval naman ay maliban sa magaling magpatakbo ng kompanya, kilala rin sa pinakamalaki at pinakamaraming kompanya. Parehong kilala ang bawat pamilya nila, kaya no'ng nawala ang asawa ni sir Dustin Sandoval, wala pang isang buwan ay ipinagkasundo na ng bawat pamilya ang pagkasal sa kanilang anak. Ngunit, humingi ng oras si sir Dustin para magluksa at binigay naman iyon ni ma'am Hannah. Pero sa tingin ko, sa ngayon, hindi na matuloy ang kanilang kasal." mahabang kwento ni manong.

Kumunot ang noo ko. "B-bakit?" utal kong tanong.

"Dahil may nagbalik na mas importante sa kanya." nahinto na ang sasakyan. Gusto ko pa sanang malaman kung sino pero dumating na kami. "Sige na ma'am, tawagin niyo lang ako kung may lakad tayo."

Tulalang naglakad ako at sumakay ng elevator. Nang makarating sa condo ay kaagad akong napatigil nang makitang nanood ng movie si Dustin at Justine. Ang kaninang galit at blanko kong pag-iisip ay napunan ng saya. Pero dapat nga ba akong magsaya? Wala akong karapatan kay Dustin, at tama si Hannah, kailangan kong lumayo sa kanya, hindi para protektahan ang anak ko, kundi pati na ang puso ko. Pero paano ko naman 'yon magawa kung nauna ng hilingin ni Dustin na huwag ilayo si Justine sa kanya?

Impregnated By My Ex (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon