Chapter 24
Nang makarating sa hospital, nadatnan ko doon Mama at Jenny. Sobrang lamya ng kanilang mata habang tiningnan ang natutulog na si Justine.
Kahit na ako, hindi ko kayang makitang sobra na ang paghihirap ni Justine.
"Mama,"
Sabay silang napabaling sa kinaroroonan ko. Lumapit ako sa kanila. Paniguradong alam na nila ngayon ang totoong kondisyon ng anak ko.
"Christine, hindi ko alam ang nangyayari, p-pero, sa kondisyon ngayon ni Justine, I'm so...I'm so sorry," si Jenny.
"Masyado na palang malala ang kondisyon ng apo ko, Christine. M-mas lalong hindi ko mapapatawad nito ang sarili ko, sa mga panahong inatake ang anak mo, ikaw lang mag-isa ang pumapasan sa problema mo. Wala kami ng papa mo,"
"A-ayos lang ma, ano, kumusta na raw ang lagay ni Justine? Nag-improve na ba?" umaasa kong tanong kahit alam ko na ang sagot.
Minsan akala namin maayos na ang lagay ni Justine, pero kapag inatake, mas lalong malala pa iyon kesa sa dating pag-atake ng sakit nito.
"Christine, kakagaling lang ng doctor dito. A-at, sabi kapag aatake pa ang sakit ni Justine, mauubusan na sya ng dugo. At hindi na alam ng doctor kung kakayanin pa ng katawan ni Justine kapag gawin ang operasyon." si Jenny ang sumagot.
Halos sunod-sunod ang pagbuga ko ng hangin. Hindi ko na alam pa ang gagawin. Simula no'ng nakakaalala ako, pinutol ko na lahat ng koneksyon namin ni Celestine, at hindi ko naman kayang gamitin ang pera niya gayong galit pa rin ako sa kanya. Gusto kong iwan lahat ng mga bagay na meron ako no'ng Hailey pa ang ginamit kong identity. At ngayon, kulang ang pera para sa operasyon kay Justine. Isa lang ang naisip kong paraan, mailigtas ang buhay ni Justine at same time, mapro-protektahan na kami niyon.
"Sana nga lang, tama itong desisyon ko."
Nasa coffee shop ako ngayon, malapit sa hospital na kinaroroonan ngayon ni Justine.
Ang nag-iisang bagay na alam kong mailigtas si Justine, 'yon ay ang baliin ang pangakong sinabi ko kay Hannah na hindi ko tanggapin ang pera. Isa lang naman ang condition niya, bawal lang kaming lalapit kay Dustin. At alam ko namang kayang-kaya ko ang bagay na 'yon.
Napa-ayos ako ng upo nang makitang bumaba na si Hannah sa kanyang kotse.
Malayo pa lang pero kitang-kita ko na ang kanyang pagngisi sa'kin. Pakiramdam siguro niya, nanalo na siya sa'kin. At oo, nanalo siya ngayon, dahil handa kong gawin ang lahat para sa kaligtasan ng anak ko.
"Now that you're here, your decision is final, right? Dahil hindi ako tatanggap ng anong excuses kapag nagbago ang isip mo."
"Yeah, at alam mo na kung bakit ginagawa ko 'to, Hannah."
"I don't need that, Hailey. Ang tanging gusto ko lang ngayon, 'yon ay ang lalayo kayo sa buhay ng fiance ko." muli siyang ngumisi at binigay sa'kin ang sobre. Sure na ba talaga ako dito sa gagawin ko? "Nagbago na ang isip mo?"
"Of course not, k-kung ano ang sinabi ko, gagawin ko 'yon."
"Good. Sign first our contract. Siguraduhin mo lang na hindi mo babaliin ang pangako mo sakin, dahil kung hindi, alam mo na ang kalalagyan mo."
Nag-aalangan man ay tinanggap ko iyon. Tama, ito rin ang maging paraan ko para hindi na makita si Dustin.
Nang tuluyan ko na iyong mapirmahan, mas lalong lumawak ang ngisi ni Hannah.
"I got your back, Hailey. Ngayon din ay pwede mo ng kunin lahat ang pera. Naipasa ko na sa bank account mo, Hailey. I have to go, wala ng bagohan pa sa pinag-usapan natin, Hailey."
![](https://img.wattpad.com/cover/286595109-288-k907844.jpg)
BINABASA MO ANG
Impregnated By My Ex (COMPLETED)
Storie d'amoreChristine Paller was impregnate by her ex, Dustin Sandoval. Pero hindi sa ganoong paraan nagtatapos ang kanilang relasyon. Their parents wants them to get married. Then, they make a plan, their marriage is only in paper and for the baby. Pero paano...