Chapter 21
Malalaki ang aking hakbang na tinungo ang opisina ni Dustin. Nawala na sa isip ko ang pagpapahintay sa'kin ni Jenny. Ramdam ko ang panginginig dahil sa galit. Si Hannah lang talaga ang makakagawa sa'kin nito. Ang walang kwentang Hannah na 'yan. Ikaw naman ang magsaya pansamantala, bruha ka.
Nang makarating sa mismong opisina ni Dustin, kaagad na humarang sa daraanan ko ang kanyang secretary.
"Ma'am, sorry po, pero may ka-business meeting po ngayon ang CEO."
"Who?" tanong ko. Kita ko ang pag-aalangan ng kanyang mukha para sagutin ako kaya ako nalang ang nanahimik.
Kailangan kong mapakalma ang sarili bago makaharap si Dustin. Tama, kumalma ka, Christine.
Makalipas ang ilang oras, sakto naman ang paglabas ng ginang mula sa loob. Saglit lang siyang napatingin sa kinaroroonan ko at rumehestro sa mga mata ang gulat. Ngunit kalaunan ay deretso na ang paglalakad nito.
Ako naman ngayon walang pasabing pumasok sa loob. Kita ko pa ang pagsabunot ni Dustin sa kanyang buhok dala ng frustration. Galit ako sa kanya, pero kahit anong tanggi ko,may naramdaman pa rin akong kirot sa puso ko.
Christine, stop that. Matagal ka ng nagbago. Simula ng iwan ka ni Dustin, wala ng natirang pagmamahal sa puso mo.
Nang mapansin ni Dustin na nandito ako sa may hamba ng pinto, ang kaninang puno ng frustration ang kanyang mukha, ngayon naman ay napalitan ng pagkagulat at same time, maliwanag ang mukhang nakangiti sa'kin. And it's going to melt my heart. Parang ang puso ko na ang kumilala kay Dustin, pero hindi ang isip ko.
"Hailey, you're here! Come in, have a sit. Do we have a meeting now? Or, did I forgot something?" aniya at aligagang nilapitan ako.
Wala akong imik na tiningnan siya. Ang dating Dustin minahal ko ay bumalik. Ang Dustin na minahal at inalaagaan ako ng sobra noon ay muli kong naalala. Pero mabura na ba niyon ang sakit na pinaranas niya sa'kin?
Umiling ako. "May ibigay lang ako sayo, Mr. Sandoval."
"Dustin." pagtama niya sa'kin.
"No. It's Mr. Sandoval. You are my boss here, at napakabastos ko naman kung tawagin kita sa pangalan mo. And to think, we're just a neighbor." mahaba kong litanya na ikinahinto niya at pait na ngumiti ng tipid bago naglakad at umupo sa kanyang swivel chair.
"Oh yeah. I forgot, sorry Ms. Freynn. Have a sit, so that mapag-usapan na natin ang ipinunta mo." saad niya na may pagka bossy na.
May kinuha ako sa bag at ibinigay iyon sa kanya. Isang resignation letter ang unang pumasok sa isip ko para mailayo sila ni Justine sa isa't isa. Dahil kung patuloy akong magtrabaho rito, paniguradong magkikita at magkikita pa rin ang mag-ama.
"Resignation letter?" kunot-noong tanong niya na tinanguan ko naman. "Why? May problema ba sa company ko? We were going to talk---"
"No need Mr. Sandoval. Napag-isip-isip ko na 'to. And that's my final decision." matigas ang mukha kong saad. Hindi ko na rin nagawa pang umupo kaharap siya. At akong hindi makita ang mukha niya kailanman.
"But, Haiely, you promise me that---"
"Wala akong ipinangako sa'yo, Mr. Sandoval. And remember this, promises will meant to be broken, kaya 'wag kang umasa sa mga pangakong mapapako at mapapako pa rin pagdating ng araw." mahaba kong litanya. Dumaan sa kanyang mukha ang sakit. At bago pa man may kakaiba ulit akong maramdaman. "I have to go," paalam ko at tumalikod.
Ngunit bago pa ako tuluyang makalabas sa naturang opisina, naramdaman ko ang kanyang paghawak sa palapulsuhan ko na aking ikinahinto.
"Tell me, Hailey. You're not going to leave me right? Makikita ko pa kayo ni Justine diba?" tanong nito na ikinasakit ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Impregnated By My Ex (COMPLETED)
RomanceChristine Paller was impregnate by her ex, Dustin Sandoval. Pero hindi sa ganoong paraan nagtatapos ang kanilang relasyon. Their parents wants them to get married. Then, they make a plan, their marriage is only in paper and for the baby. Pero paano...