Chapter 03
Smile
-----
Being the fixed photojournalist of the soccer team felt contented since my scholarship is now stable, but it's tiring. Araw-araw ay dapat nasa soccer field ako para ilista ang improving nila. Dapat ay alam ko kung ano ang mga ginagawa nila araw-araw para mag-handa sa nga darating na laro. Feeling ko minsan, ako ang coach nila. Nakakapagod.
Kilala ko na rin silang lahat. Dapat lang dahil araw-araw ko silang nakikita at weekly ko silang binabalita sa newspaper. Tuwang-tuwa naman sila dahil nababanggit na ang mga pangalan nilang lahat, hindi kagaya no'ng si Diana pa ang photojournalist nila. Ang ace at captain lang ang palaging binabanggit.
Even though I am now quite busy with my studies, hindi ko pa rin napapabayaan ang pagiging photojournalist ko. Maski ang pagta-trabaho tuwing weekend ay hindi ko nakakaligtaan. Do'n lang naman ako kumukuha ng perang panggastos ko dahil ayokong humingi ng pera mula kay Kuya. Graduating na siya ngayong taon na may kursong Engineering. Kapag may trabaho na siya, ro'n lang ako hihingi nang hihingi ng pera.
"Miss Maevhelle! Tawag ka ni Cap!"
Huminga ako nang malalim nang marinig ang boses ni Eman. Mula sa laptop ko kung saan ako abalang nage-edit, binalingan ko ang direksyon ni Eman kung saan ay naabutan ko siyang kasama ang mga kaibigan niya, sina Leale at Toshi. Pare-pareho silang nakasuot ng uniporme ng Business Management course. Next year, hindi na nila kailangan pang mag-suot ng uniporme dahil 3rd-year na naman. Gano'n sa Cohen, sa last 2-3 years mo na bilang college student, hindi ka na magsusuot ng uniform kagaya ni Kuya Amari na kahit t-shirt basta naka-blazer ay ayos na.
Nasa labas ako ng canteen kung saan ay may mga bakanteng upuan. Do'n ako pumuwesto dahil bukod sa kaunti lang ang tao, gusto ko pa ang sariwang hangin ang tumama sa 'kin kaysa ang hangin na nagmu-mula sa aircon. Naka-bukas ang laptop ko sa harapan ko habang nakakalat naman ang mga pictures at mga papel, kung saan nakalagay ang mga information ng mga pictures na kinuhanan ko.
"Where is he?" I asked Eman when they arrived in front of me.
"Nasa may library. Sa bandang dulo," sagot niya bago pagmasdan ang lamesang nasa harapan ko. "Grabe, Miss Maevhelle. Ang ganda ng sulat mo! Kasing ganda mo!"
"Alam ko," simple kong sagot sa kaniya bago tapikin ang kamay niyang palihim na hinahawakan ang mga litrato ko. "Don't touch my pictures. Susunugin ko 'yang mga kamay mo,"
Sabay-sabay silang tatlo na napasinghap nang marinig ang sinabi ko. Madrama pang hinawakan ni Eman ang kamay niya habang pigil-tawa naman siyang pinapanood ni Toshi. Habang si Leale, walang pakialam na umupo sa harapan ko bago tingnan ang mga larawan ko nang hindi ito hinahawakan kagaya ng gusto ko.
"Bakit daw ako hanap ni Kuya?" Tanong ko sa kanila habang nakaupo na sila kasama ko.
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa table para tingnan kung may text ba siya. Wala naman kaya kumunot ang noo ko bago balingan si Eman na ang sabi ay tawag ako ng nakakatanda kong kapatid. Nang mapansin niya ang matalim kong mga tingin sa kaniya ay agad siyang nag-taas ng mga kamay na para bang sumusuko na siya.
"Pumasok lang siya sa library tapos bigla kang hinanap! Mukhang wala namang importanteng sasabihin, lodi! Promise!" Nakaangat pa rin ang mga kamay na wika ni Eman.
"Siguraduhin mo lang, ha..." naniningkit ang mga matang sambit ko rito.
"True 'to, lods! No lies!" Aniya pa.
BINABASA MO ANG
Record The Shot (SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)
Romance(SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) As love blooms between the Journalism student, Maevhelle Douce Espina, and the ace of the soccer team, Leale Jemerson Arcilla, someone from the past came to ruin what they have. Sinubukang itago at ilayo ni Lea...