Chapter 34

118 5 0
                                    

Chapter 34

Warning

-----


I was furrowing my eyebrows when I left the company. I could still hear the chief's voice shouting my name, but I didn't even bother looking back, and just went out of the company building. I just stopped walking when I saw media waiting for me.




My eyes closed when the flashes of cameras greeted me when I went out. They were trying to get near me, but the security guards know better that they were already being stopped by them. Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil ayoko namang bumalik sa loob kung saan nakaabang si chief na agad akong nginisian nang makitang hindi ako makaalis.




I was about to shout at them all when I saw a van approaching us. Men in black came out which made the media turn around at them out of confusion. I furrowed my eyebrows when I realized that they were bodyguards. One of them was talking through his earpiece that he was wearing while most of them were now walking towards us. My lips parted when I saw they blocked the media, so I could escape from them.




Hindi ako nag-aksaya ng oras at agad na nag-lakad palayo mula sa kanila. Lalagpasan ko na rin sana ang van kung saan sila nanggaling nang harangan ako no'ng isa na may kausap mula sa earpiece niya. Bahagya siyang yumuko sa 'kin na naging dahilan nang pag-kurap ko dahil sa gulat at pagkalito.




"Pinapasundo po kayo ni Young Master sa 'min, Madame," aniya habang bahagyang nakayuko pa rin sa 'kin.




"Y-Young Master?" kumukurap-kurap na ulit ko sa kaniya.




Tiningnan niya ako bago tipid na tumango. "Young Master Toshirino, Madame,"




Namilog ang mga mata ko nang marinig ang pangalan ni Toshi mula sa kaniya. Gulat, tiningnan ko ang paligid at namataan kung ga'no karami ang mga guards na nakapalibot sa 'min. Lahat sila ay pormal ang mga suot habang walang emosyon ang mga mukha. Lahat din sila ay may suot na earpiece, at may baril sa bulsa. Napalunok ako bago muling harapin ang guwardiya na nasa harapan ko. Yumuko naman siya agad bago iniminuwestra ang van na nakabukas para sa 'kin.




Hindi na ako nag-dalawang isip pa na pumasok sa loob ng van lalo na't masyado ng maraming tao ang dumadating para kuhanan ako ng mga litrato't video. Mukha namang nagsasabi siya ng totoo dahil tinawag pa niya na Young Master si Toshi. Alam ko naman na mayaman ang pamilya ni Toshi pero hindi ganito na Young Master pa ang tawag sa kaniya! Gaano ba kayaman ang lalaking 'yon?!




Masyadong spacious ang van na sumundo sa 'kin kaya feel ko, ang lungkot-lungkot ko kahit hindi naman masyado. Nasa ibang sasakyan kasi 'yung mga bodyguards kaya ako lang, 'yung driver, at 'yung kumausap sa 'kin na bodyguard ang kasama ko sa loob ng van. Hindi ko rin alam kung bakit vana ng gamit nila kung ako lang naman pala mag-isa rito.

Record The Shot (SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon