Chapter 23

94 4 0
                                    

Chapter 23

Guilty

-----


Napangiwi ako nang makaramdam ng hapdi mula sa pagkababae ko. Nilingon ko ang katabi kong mahimbing ang tulog, mahina pang humihilik. Nginiwian ko siya bago ako tumayo para makapag-bihis na. Nakita ko naman ang mga damit na suot ko kahapon sa banyo ng kwarto. Sinuot ko 'yon bago i-spray ang pabango na nasa bag ko bago tuluyang lumabas ng kwarto niya.



Inilapag ko ang bag at cardigan ko sa may couch ni Leale habang pinapalibot ang mga mata ko sa buong interior ng condo niya. Tama nga ang hinala kong malaki't malawak ito dahil sa sala ay may mga equipment siya para pang-exercise. Mayroon din siyang malaking aquarium sa likuran ng mga equipment niya. Malaki ang flat screen TV ni Leale habang may cabinet sa ilalim nito kung saan nakapatong ang mga speakers. Sa gitna no'n ay ang tatlong remote control. Para sa TV, cable, at AirCon.



Carpeted ang buong salas ng condo ni Leale. Kulay itim 'yon kaya 'di masyadong kita ang mga dumi. O sadyang wala lang dumi dahil palaging may nag-lilinis. Nang mag-tungo ako sa may kusina ay agad kong napansin kung gaano 'yon ka-moderno at kalinis. Mukhang palagi ngang nag-lilinis si Leale kagaya rati dahil sobrang arte rin  niya pag-dating sa kapaligiran niya. Sakitin din kasi kaya gano'n.



Hindi ko lang alam kung bakit nainom pa rin siya palagi ng chocolate drink kahit mabilis lang siya magkasakit. Adik yata.



Binuksan ko ang refrigerator ni Leale para tingnan kung ano ang pwedeng lutuin bilang tanghalin naming dalawa. Ala una na kasi ng hapon kaya tanghalin at hapunan na ang gagawin ko. Napangiwi ako nang makakita ng matatamis na inumin at pagkain sa refrigerator ni Leale. Punong-puno ng Chuckie ang refrigerator ni Leale at kakaunti lang ang mga pwedeng makain. Mukhang minsan lang din yata siya umuwi rito ayon sa mga nakikita ko. O ubos na ang mga pagkain niya?



Kinuha ko ang hotdog mula sa freezer niya para prituhin 'yon bilang ulam namin. Nag-saing na rin ako. Habang nagpi-prito ng hotdog at itlog ay inayos ko na ang lamesa para kung magising man siya habang nagluluto pa ako, kakain na lang siya. Pagkatapos kong mag-luto't mag-hain ay binalikan ko siya sa kwarto kung saan natutulog pa rin siya. Hindi ko magising dahil halata ang pagod sa mukha niya. Nahilik pa kaya hinayaan ko na lang siyang ituloy ang pag-tulog niya at kumain na lang ako mag-isa.



After eating, I went back to the room where he was sleeping to check on him. When I found him still soundly sleeping, I left a note to the sidetable to say that I'll be right back after checking my son. Ayaw ko man siyang iwan nang hindi kami nakakapag-usap ng maayos tungkol sa nangyari, gusto ko na rin makita ang anak ko kaya babalik na lang ako sa kaniya pagkatapos kong gawin ang dapat kong gawin.



I was already wearing my cardigan as I carried my back when I walked towards the door of his condo. My eyes blinked a bit when I saw a huge picture frame on the wall of the hallway towards the door. It was a family picture of him and his parents. It looked recent because of their looks. Nakaupo ang mga magulang ni Leale habang nasa likuran siya ng mga ito. His father was wearing a black tuxedo with a black necktie. His hair has white strands, but it didn't bother him to show a small smile, small enough to show how happy he is with his son and wife. Leale and his father looked like each other. Halatang sa kaniya nag-mana.



Leale's mother was wearing a white floral dress. She looked elegant in it. Her hair that looked like she dyed with color brown was in a elegant messy bun. She was wearing accessories, enough to make her looked expensive. She was brightly smiling which made me reminded of Leale whenever he smiles. Halatang sa kaniya nag-mana si Leale sa pagiging palangiti niya sa mga taong gusto niya. Palagi kasing nakaismid o nakairap si Leale sa mga taong hindi niya gusto.



Record The Shot (SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon