Chapter 07
Leale
-----
"Kayo na?" Amanda asked while pointing her lips in Leale's direction.
"Hindi pa," sagot ko.
"Pa," ulit niya bago ngumisi.
Napailing na lang ako sa kaniya bago panoorin si Leale na palapit sa table namin. Dinig ko ang pag-singhap nina Neil at Kheerah nang mapagtanto na palapit sa 'min si Leale kasama sina Toshi at Eman. Kilala nila ang tatlo dahil sila ang naging highlight ng news simula ng huling laro ni Kuya Amari. Nag-viral kasi 'yung video ni Leale na inuuto 'yung kalaban kaya gano'n. Nadamay na rin sina Toshi at Eman dahil halos lahat ng posts ni Leale sa social media niya ay kasama sina Toshi at Eman.
"Hey, baby," bati ni Leale bago humalik sa pisngi ko. Matamis siyang ngumiti sa 'kin bago ipakit ang isang balot ng pastillas sa 'kin. "Look what I bought! Your favorite!"
"Sana all," bulong ni Toshi.
"Mamamatay na yata akong single," sabi naman ni Eman.
Hindi ko pinansin ang dalawa at kinuha na lang ang pastillas mula kay Leale. Umupo rin naman siya agad sa tabi ko kaya nakiupo na rin sina Toshi at Eman. Kita ko sa gilid ng mga mata ko kung pa'no halos 'di na makahinga sina Kheerah at Amanda dahil sa mga lalaking kasama namin. Kahit naman na may boyfriend na si Kheerah, nagkakaroon pa rin siya ng crush. Supportive pa nga si Austin kahit nagseselos na.
"Salamat," sagot ko kay Leale bago buksan ang plastic ng pastillas.
"Anytime," bulong niya sa tainga ko.
Agad akong nag-subo ng isang piraso ng pastillas dahil sa ginawa niyang pag-bulong. Umiwas din ako ng tingin mula sa kaniya kasabay nang pamumula ng buong mukha ko at pag-taas ng balahibo ko. His voice was cold yet sounds so sweet. Nakaka-putang ina.
I saw how my friends tried to hide the bitterness on theit faces by smiling at me. I chuckled at them because of that. They just rolled their eyes before trying to talk to the soccer players who were with us.
"Really? A nurse student?" Interesadong sambit ni Eman habang kaharap si Neil. "May sister kang nurse student? Ilang taon na? Masteral na ba o college pa lang din?"
"College pa lang. Sa Lee Academy nag-aaral ayon na rin sa kagustuhan ni Papa," nagkabit balikat si Neil bago samaan ng tingin si Eman. "Bakit? Liligawan mo? Gusto mo sapakin kita?"
"Grabe naman... Nagtatanong lang, e," pag-tago agad ni Eman ng pagkakainteres niya.
"Nagtatanong kasi gustong lumandi," nanga-asar na ngumisi si Leale sa kaniya.
"Auto yes ang sagot kapag Nursing student, 'di ba, Eman?" Ngisi rin ni Toshi.
"Tang ina niyong dalawa," malutong na pagmumura ni Eman sa dalawa niyang matalik na kaibigan. "Porke't magaganda ang lovelife niyo ay gaganituhin niyo na ako!"
"I don't have a fucking lovelife, dude," agad na ngumiwi si Toshi. "Si LJ lang ang meron,"
"Sus! Habulin ka naman ng mga babae! Hindi ko talaga makuha kung bakit wala ka pang sineseryoso, Toshi! Ayaw mong gayahin si LJ! May babae na naman! Photojournalist ang mga nais!" Singhap ni Eman.
"Anong na naman?" Kumunot ang noo ko.
Mabilis ang naging pag-harap nina Eman at Toshi sa 'kin nang marinig ang naging tanong ko. Parehong nakaawang ang mga labi nila na para bang hindi sila makapaniwala na tinatanong ko sila tungkol do'n. Kumunot ang noo ko lalo dahil do'n bago balingan si Leale na nalilito ring nakabaling sa 'kin, akala ay alam ko na kung ano ang tinutukoy ng dalawa.
BINABASA MO ANG
Record The Shot (SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)
Romance(SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) As love blooms between the Journalism student, Maevhelle Douce Espina, and the ace of the soccer team, Leale Jemerson Arcilla, someone from the past came to ruin what they have. Sinubukang itago at ilayo ni Lea...