Chapter 31

115 5 0
                                    

Chapter 31

Everything

-----


Pakiramdam ko ay kaunti na lang, mahihimatay na ako habang pinagmamasdan ang mag-ama na nakatingin lang sa isa't isa. Isama mo pa ang kanina pang pag-sisiko sa 'kin ni Amanda na nasa tabi ko na ngayon. Pati na rin ang makahulugan na tingin sa 'kin ni Toshi, ipinaparating na wala na akong oras para mag-isip na. Na ngayon na ang oras para sabihin kay Leale ang totoo.




"I don't need any support from someone I just met," sagot ni Leane habang diretso pa rin ang tingin sa mga mata sa ama niya.




Umigting ang panga ni Leale nang marinig ang sinabi ni Leane sa kaniya. Bumigat ang pag-hinga habang hindi pa rin pinuputol ang tingin mula sa anak. Sobra na akong kinakabahan sa mga nangyayari na nabigla ako nang may humawak sa kamay ko. Nang tingnan ko kung sino 'yon ay agad kong naabutan si Leane na malambot na ang mga matang nakatingin sa 'kin.




"Uwi na tayo, Mama..." marahan na nitong sambit.




Ibinuka ko ang bibig ko para sumagot nang mahagip ng mga mata ko ang tingin ni Leale sa kamay ni Leane na nakahawak sa kamay ko. Napalunok ako nang tingnan ako ni Leale na naging dahilan nang pag-tama ng mga mata namin. Naramamdaman ko ang pagkatuyo ng lalamunan ko dahil sa nangyari, dahilan nang pag-iwas ko ng tingin mula sa kaniya.




Narinig ko ang pekeng tawa ni Amanda sa tabi ko bago higitin si Leane.




"Sige na, Leane. Tanggapin mo na 'yung alok ni LJ. Kapag hindi mo tinanggap, magta-trabaho ng mas malala ang mama mo para mapapayag ka lang na sumali r'yan," pamimilit ni Amanda kay Leane na agad sumimangot ang mukha.




"Ikaw na lang kaya ang mag-sponsor sa 'kin, Ninang? Ang dami kasi alam, e... po,"




"Tang inang—" pumikit ng mariin si Amanda para pahabain ang pasensiya niya. "Wala akong pera,"




"Benta natin 'yung bag mo, Ninang,"nakangising suhestiyon ni Leane.




"Ikaw kaya 'yung ibenta ko?" Sagot naman ni Amanda.




"Sige pero sa 'kin mapupunta 'yung pera, ha? Ako naman pala 'yung ibebenta, e," pang-aasar pa ni Leane.




"Okay lang. Kapag binenta ka na naman, hindi mo na kasama Mama mo," ngumisi na rin si Amanda.




"You little shi—"




Nanlaki ang mga mata ko kasabay nang mabilis na pag-takip sa bibig niya bago pa niya matapos ang sasabihin niya. Nakita ko mula sa gilid ng mga mata ko kung pa'no napaayos mula sa pagkakatayo sina Leale at Eman nang makita ang ginawa ko habang natatawa na si Toshi.




Si Toshi pa lang ang nakakaalam na walang preno ang bibig ni Leane kapag napikon na 'to kaya hindi na ako nagulat na gano'n ang naging reaksyon niya. Kapag narinig ni Leale na nagmumura na agad si Leane sa murang edad, baka kung ano pa ang masabi niya! Baka tuluyan nang magalit sa 'kin 'yon!




"Isa," pinanlakihan ko ng mga mata si Leane nang subukan nitong ituro si Amanda na para bang minumura na niya ito sa isipan niya, dahilan nang pag-tigil niya sa paggalaw at kinunot na lang ang mukha bago sumimangot.




"Takot," panunuya ni Amanda.




"If you're not just older than me," pag-simangot lalo ni Leane.




Humalakhak si Amanda nang marinig ang sinabi ni Leane. Maski sina Kheerah at Neil ay natawa. Tanging si Aidan lang ang tahimik na nagmamasid, alam na hindi pa rin humuhupa ang kaba ko.




Record The Shot (SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon