Chapter 14
Video
-----
I scratched my right eyebrow as soon as I opened my eyes upon waking up. My eyebrows furrowed in an instant upon realizing that I wasn't in my room. I got up and looked around, only to found out that I'm in Leale's room at his condo. Mukhang siya ang nag-uwi sa 'kin kagabi mula sa party.
Bahagya akong napanguso nang mapansin na iba na ang suot kong damit. Medyo masakit din ang tagiliran ko sa hindi malamang dahilan. Tiningnan ko 'yon para makita kung may sugat ba 'ko pero isang maliit na pasa lang ang natamo ko. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maalala kung saan ko nakuha 'yon. Mas kumunot pa ang noo ko nang wala akong maalala sa nangyari kagabi simula nang mawalan ako ng malay sa tabi ni Jason. Mukhang nalasing talaga ako. Hindi naman kasi talaga ako nainom dahil taga-bantay o taga-luto lang naman ako ng pulutan nina Kuya noon.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama ni Leale na kasing amoy niya. I was wearing his white t-shirt and green boxers which made me guessed that I gave him a lot of trouble last night since I also checked the bathroom and saw my clothes hanging over the glass wall of his shower, drying them. Lumabas na ako ng tuluyan ng kwarto niya at nag-tungo sa may kusina dahil nakaamoy agad ako ng pagkain. It looked like he's cooking our breakfast... Or lunch?
"So you're awake," Leale stated upon seeing me. He was topless with his black apron on and grey jogging pants. He was frying eggs already while the plate on the table behind him had the bacons he just cooked. "Have a seat, baby. Have your breakfast,"
"Anong oras na?" I asked, yawning.
"It's still 10AM. Nakakagulat nga't gising ka na dahil buong akala ko ay mamayang tanghali ka pa magigising. Konti lang tuloy 'yung niluto kong bacons," he replied while pouting his lips slightly. "Do you want some more bacons, baby? I'll cook them for you,"
"No, it's okay. Sabayan mo na lang ako sa pag-kain," umiling ako. "Konti lang din naman ang kakainin ko. Sumasakit pa ang ulo ko,"
Dahil sa sinabi ko, napa-halakhak siya. Mukhang may naalala siya sa nangyari kagabi kaya agad akong napanguso sa hiya. Mukhang may ginawa nga akong kahihiyan kagabi para tumawa siya ng ganito.
"Pa'nong 'di sasakit ang ulo mo, e, lasing na lasing ka kagabi? Buti na lang talaga't nakita ka ni Toshi," aniya habang tumatawa pa.
Toshi? So he's the one who brought me here? Mukhang tumuloy nga siya sa party kagaya nang sinabi ni Jason sa 'kin. Baka, saktong nakita ni Jason si Toshi nang mawalan ako ng malay kaya sa kaniya niya na lang ako inabot dahil alam niyang alam ni Toshi kung saan agad ako dadalhin.
"Gano'n ba? Kaya pala nakakagago na ang sakit, e," bumusangot ang mukha ko. "Sakit ng ulo ko, Leale! Parang binibiyak na!"
Leale put the plate on the table in front of me after finishing frying the eggs. He smirked at me before getting closer and sat beside me. I pouted my lips like a baby when he held my cheeks, squeezing them to make my lips pouted more. He looked at me like he was so worried before checking me.
"Kawawa naman ang baby ko... Binibiyak na ang ulo," aniya bago halikan ang labi ko. "Kawawa naman,"
Mas ngumuso ako dahil sa sinabi niya na naging dahilan nang pag-silay ng isang ngisi sa mga labi niya. Kahit na gano'n, hindi pa rin siya tumigil sa pag-halik sa mga labi ko habang paulit-ulit na sinasabi na kawawa naman ako.
"Anong gusto ng baby ko para mawala ang sakit ng ulo niya? Ano?" Tanong niya habang hinahalik-halikan ang mga labi ko.
"Kiss," sagot ko bago mas ngumuso sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Record The Shot (SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)
Romance(SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) As love blooms between the Journalism student, Maevhelle Douce Espina, and the ace of the soccer team, Leale Jemerson Arcilla, someone from the past came to ruin what they have. Sinubukang itago at ilayo ni Lea...