[Play this song while reading this chapter: Enchanted- Taylor Swift.]
Chapter 40
Placed
-----
I told myself that I will never let anyone belittle me. Hinding-hindi ako papayag na may manunuya sa 'kin nnag hindi ako nakakaganti. Hinding-hindi ako papayag na matalo kung saan ay alam kong kayang-kaya kong manalo gamit ang pananalita pa lang. I will do everything to get what I want because I can, my motto before my son was born.
Pero ngayon na meron ng Leane. Ngayon na narito na ang anak ko, iba na ang gusto ko. Iba na ang gagawin ko. I will do everything just to keep my son safe and happy. Hanggang masaya siya, masaya na rin ako. Kahit na panunuya niya pa sa 'kin ang madalas na nagpapakita ng mga ngiti niya, hindi ko 'yon pipigilan. Alam ko namang mga biro niya 'yon dahil gano'n din ako sa kaniya minsan.
I will do everything for my son even if I can't.
I smiled at my psychiatrist when our session ended. I stood to leave the room while fixing my hair. I put my hair in a messy bun while I was walking towards the exit of the hospital. I was holding my beige handbag while wearing my black t-shirt tucked inside my denim skirt which was partnered with my white rubber shoes.
A smile appeared on my lips when I saw Leale leaning against his car while looking in my direction. He was wearing a black short-sleeved button-down dress shirt and denim shorts with his white rubber shoes, matching with my outfit. He was wearing black sunglasses when I arrived in front of him to kiss him as a greet.
"Si Leane?" tanong ko nang makapasok na kami sa loob ng kotse niya."
"Inuna na kita dahil may practice pa sila," sagot niya kaya tumango na lang ako bago kami bumiyahe patungong Cohen Academy.
Mabilis lang din kaming nakarating sa may Cohen Academy. Hindi rin naman kami nag-hintay pa dahil palabas na si Leane ng school nang makarating kami ro'n. Naka-angat hanggang tuhod niya ang laylayan ng jogging pants niya habang naka-suot ng high socks at itim na sapatos na bili pa ng papa niya. Iba na ang suot niyang damit dahil malamang ay nag-palit na dahil sa pawis. Printed black t-shirt na ang suot niya habang nakasukbit naman sa balikat niya ang green niyang bag na bili ni Kuya Amari mula sa ibang bansa.
Si Leale na lang ang bumaba para tulungan si Leane sa pag-buhat ng bag niya. Pag-pasok ni Leane sa loob ng kotse ay agad kong inabot sa kaniya ang isang bote ng tubig na agad niyang binuksan para makainom na. Bumiyahe na ulit kami paalis nang makapasok na ng tuluyan si Leale sa loob ng kotse niya.
Dumaan kami sa may flower shop para bumili ng bulaklak para kay Maevhenne. Puting mga rosas ang binili namin at dalawang kandila bago muling bumiyahe papunta sa may sementeryo. Kinukuwentuhan lang kami ni Leane tungkol sa araw niya habang nasa biyahe kami kaya nang makarating kami sa may sementeryo, tapos na ang kwento niya.
Pinunasan ni Leale ang lapida ni Maevhenne nang makarating kami sa puntod nito. May tent na rito kaya hindi kami nasisinagan ng araw lalo na't hapon pa. Nag-dala rin kami ng ilang monoblocks para may maupuan kami. Iuuwi rin naman namin 'yon dahil may kukuha no'n kung iiwan lang namin sa may puntod ni Maevhenne.
"Hello, Maevhenne," bati ni Leane sa kapatid niya kasabay nang pag-lagay ng bulaklak sa puntod nito. "We're here again with you. Kumpleto na tayo ngayon,"
BINABASA MO ANG
Record The Shot (SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)
Romance(SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) As love blooms between the Journalism student, Maevhelle Douce Espina, and the ace of the soccer team, Leale Jemerson Arcilla, someone from the past came to ruin what they have. Sinubukang itago at ilayo ni Lea...