Chapter 37
Victim
-----
I went out of the restroom with my furrowed eyebrows out of annoyance because of that girl who tries to make me upset. Hindi ko alam kung sino siya. Gusto kong malaman kung sino siya dahil halatang kilala niya talaga si Leale. Wala naman akong nabalitaan na nagka-girlfriend si Leale ng santa?
If she's one of those girls who like Leale, parang lugi ako. I know that I'm pretty, but not like her. She's naturally beautiful. Effortless. It felt like she's the girl who will always make you stop walking when she passed by, so you could stare at her. Siya 'yung babae na tahimik lang, walang ginagawa, pero ang dami nang nagkakandarapa mapansin niya lang.
Siya 'yung babae na kapag nakita mo, lalabas lahat ng insecurities mo. Gano'n siya kaganda. Gano'n kalakas ang dating niya.
If she's a star, men will stare at her every night. Mananatili silang gising hanggang sa mag-umaga na para lang titigan siya. Maski ang mga babae ay hihintayin ang pag-dating niya. Lahat, sa kaniya naka-tuon ang atensyon.
"May nakaaway ka ba sa restroom?" naka-taas ang kilay na tanong ni Toshi sa 'kin nang makita ang itsura ko pag-dating ko.
"Wala," pagalit na sagot ko.
Nag-kabit balikat na lang siya kaya napabaling ang mga mata ko sa katabi niyang nakatayo na rin. Inosenteng nakatingin sa 'kin si Leale na para bang sinusubukan niyang basahin ang mga iniisip ko. Umirap ako sa kaniya bago tumayo sa tabi ni Aidan dahil pakiramdam ko, tatanungin ko na siya kung may nag-pakita bang anghel sa kaniya.
Tang ina kasi ng babae na 'yon. Ang ganda-ganda pero type pa yata si Leale! Alam kong wala kaming relasyon ni Leale, pero ramdam ko na mahal ako ni Leale. Hindi ako natatakot na maagaw si Leale dahil sa loob ng isang dekada, ako pa rin ang mahal ni Leale. Hindi man 'yon sinasabi sa 'kin ni Leale, pinaparamdam naman niya. E, pero kasi, ang ganda talaga no'ng babae!
"Leale," hindi ko na napigilan nang papasok na kami sa loob ng court. "May tumatawag ba sa 'yong Jemerson?"
Napansin ko kung pa'no bahagyang kumunot ang noo niya nang marinig ang naging tanong ko. Sasagot na sana siya nang mahagip ng mga mata ko ang lalaking nakaupo na sa may kabilang side ng court. It was Jason. Nakalingon siya sa 'min habang walang bakas ng kaba ang mukha na para bang kampante siya sa magiging resulta ng trial ngayon.
Bago pa man tumama ang mga mata ni Jason sa 'kin ay agad na humarang si Leale sa harapan ko, tinatago ako mula kay Jason. Marahan na hinawakan ni Leale ang kamay ko bago ako alalayan sa pag-upo sa katapat na row nina Jason at ng pamilya niya. Umupo rin sa tabi namin sina Toshi at Aidan. Tumayo rin naman agad kami nang pumasok na sa loob si Judge Dela Cruz.
I took a seat inside the court since Aidan will question me again regarding the case. And just like the usual, I told him everything that we practiced earlier. Nang ang abogado na ni Jason ang nag-tanong, gano'n na lang kaba ko pero nagawa ko pa rin siyang tanungin ng maayos. The lawyer was trying to manipulate me into saying things that he wanted to hear, but I know better. Hindi niya alam, second dream job ko ang pagiging abogado.
After being questioned, it was Jason's turn. Nakakuyom ang mga kamao kong nakapatong sa mga hita ko habang nakikinig sa dire-diretso niyang pag-sisinungaling. Nasa tabi ko si Leale na nakahawak sa may likod ko, kinakalma ako. Pakiramdam ko ay masusuka na ako habang pinapakinggan ang mga kasinungalingan ni Jason. Ni hindi man lang siya kumukurap habang nag-sisinungaling. Nakakasuka siya.
BINABASA MO ANG
Record The Shot (SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)
Romance(SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) As love blooms between the Journalism student, Maevhelle Douce Espina, and the ace of the soccer team, Leale Jemerson Arcilla, someone from the past came to ruin what they have. Sinubukang itago at ilayo ni Lea...