Chapter 22

90 4 0
                                    

WARNING: Sexual interaction,

Chapter 22

Father

-----

Agad din kaming nakarating sa condo niya. Ibang condo na 'yon. Mas malaki, mas malawak. Halatang mamahalin. Sa pangalan pa lang ng company, alam mo nang mayayaman lang ang may kayang bumili ng condo nila. Alpha.


Mukhang penthouse 'yon kahit na condo pa lang. The interior style of it is modern. Talagang pang-mayaman. Bukod sa mukhang mayaman, amoy mayaman din. Hindi ko na masyado pang napagmasdan ang buong detalye ng condo niya dahil agad niya akong dinala sa isa sa mga kwarto. Halatang guestroom lang 'yon dahil walang kagamit-gamit sa loob. The AirCon was already opened when we got inside. The smell of the room kinda smelled like Leale. Mukhang natutulog din siya minsan sa kwartong 'to.


"Do you want to change your clothes or you're going to sleep like that?" I heard him asked while I was already lying on the bed.


"Palit," I answered, badly want to sleep.


"Okay, wait me. Kukuha lang ako ng damit na pwede mong suotin," he said before I heard the door opened and closed.


Halos makatulog na 'ko habang hinihintay ang pag-balik niya para makapag-palit na 'ko ng damit. Gusto ko na talaga matulog at alam kong kaunti na lang, makakatulog na 'ko. Pero nasanay kasi ako na mag-palit ng damit bago matulog. Dati pa lang ay gano'n na ako pero mas ginusto kong mag-linis ng katawan simula nang dumating si Leane. Ang bilis magkasakit. Kailangan palaging malinis ang mga taong kasama niya. Pati ang kapaligiran niya, dapat malinis din.


Isa rin siguro 'yon sa mga dahilan kung bakit wala siyang mga kaibigan sa school bukod sa mga anak ng mga kaibigan ko at ang nag-iisang kayang mag-tiis sa kaniya na si Daphne, kapitbahay namin. Maarte rin kasi minsan si Leane dahil nga nasanay na malinis ang nakapaligid sa kaniya. Palasagot din kapag hindi niya gusto ang mga naririnig o nakikita. Alam niya rin kung pa'no lumaban kapag alam niyang may mali sa sitwasyon na kinabibilangan niya.


Ilang beses na rin akong napatawag noon sa school niya dahil sa mga away na sangkot siya. Hindi naman siya mapaalis ng school dahil representative din nila si Leane. Proud ako dahil do'n. Kahit anong pamimilit ng mga magulang ng mga nakaaway ni Leane na i-expel na siya o kaya ay i-kick out, hindi pa rin ginagawa ng school dahil alam nilang malaking kawalan si Leane kapag ginawa nila 'yon. Leane made the school known because of his nonstop winnings against the other schools. Matalino si Leane sa Math. Journalist din kaya hindi talaga mapakawalan ng eskuwelahan.


Well, kahit na gano'n pa nga ang ambag niya sa school, hindi pa rin siya kasali sa manlalaro sa soccer. Yes, my son loves to play soccer, too. Hindi ko alam kung pa'no nag-simula pero nang malaman niya na ex ko ang palagi niyang nakikita sa TV na soccer player at ang posibilidad na siya ang ama niya, nag-paturo na siya kay Kuya Amari kung pa'no mag-laro. Mabilis lang din naman siyang natuto dahil tito lang naman niya ang dating team captain ng soccer team namin. Sumali sa soccer team ng school pero hindi pa siya tuluyang nakakapaglaro.


Hindi pa naman kasi siya gano'n kagaling kaya understandable. Hindi rin naman kasi ro'n naka-focus si Leane dahil nga sa Math competitions niya. Minsan pa ay siya ang ginagawang escort kaya hindi talaga makapag-focus sa soccer. Hindi ko naman siya pinipilit dahil siya naman ang may gusto no'n in the first place. Ni hindi ko nga siya pinapakialamanan sa mga ginagawa niya sa school dahil nagsasabi naman siya sa 'kin kapag kailangan niya ng tulong. Isa pa, nalalaman ko rin naman ang mga nangyayari sa kaniya dahil kinukuwento rin sa 'kin palagi ni Daphne ang mga ginagawa niya sa school.


Record The Shot (SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon