Chapter 39
Regret-----
We won the case.
Walang laban ang mga Jacob sa 'min nang sumali na ang mga Garcia. Tinulungan nila kaming ipakulong si Jason dahil sa mga ginawa nito. Alam ko naman na hindi sila tutulong kung hindi pa nasali ang mga pangalan nila. Tumulong sila dahil ang sabi nila, nag-sisisi sila sa ginawa nila kay Estera. Hindi naman kumikibo si Estera sa tuwing napag-uusapan namin 'yon. Nakikinig lang siya.
Hindi ko talaga maintindihan ang mga tao minsan. Hindi sila kikilos hanggang sa madamay na sila. Sigurado naman ako na hindi sincere ang mga Garcia tungkol sa mga ginawa nila laban sa mga Jacob dahil madaming tao ang nagalit sa kanila. Ginawa lang nila 'yon para ipakita na mabait sila, hindi dahil gusto nila o dahil na-konsensya sila.
Kahit na nanalo kami dahil na rin sa naging tulong mga Garcia, hinding-hindi ako magpapasalamat sa kanila. Hinding-hindi ko malilimutan ang ginawa nila kay Estera at Leale. Kahit na hindi pa nila ako kilala noon at wala akong ideya tungkol sa mga gano'n noon, alam ko sa sarili ko na ngayon na alam ko kung ano ang nangyari, hinding-hindi ko na 'yon malilimutan. Ni hindi ko nga sila maintindihan kung pa'no nila nagawa 'yon sa kapamilya nila.
Nakakakilabot sila.
Ilang linggo matapos ang pagkapanalo sa kaso, umuwi ng Pilipinas si Kuya Amari. Alam kong gustong-gusto na talaga niyang umuwi noong nakaraan habang pending pa ang case kaso hindi siya pinalad dahil hindi siya pinayagan ng boss niya. Tinapos niya ang proyekto. At ngayon na tapos na, umuwi agad siya ng Pilipinas para bisitahin kami.
"'Toy, kuha mo 'ko tubig galing sa loob," utos ni Kuya Amari kay Leane na nag-lalaro lang ng cellphone sa tabi niya.
"Tamad," dinig kong bulong ni Leane bago sumunod sa Tito niya.
I saw a smirk forming on my brother's lips when he heard what Leane mumbled about him. I shook my head as I drank my orange juice while sitting beside Leale who was munching his chocolate marshmallow while a glass of Chuckie with a lot of ice was in front of him. My brother was eating a burger that Tita gave him. There was already a glass of orange juice in front of him, so I don't know what's his problem why he made Leane get a glass of water for him.
"Uuwi ba kayo sa bahay o titira na kayo kasama si LJ?" tanong ni Kuya nang tuluyan nang makalayo mula sa 'min si Leane.
BINABASA MO ANG
Record The Shot (SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)
Romance(SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) As love blooms between the Journalism student, Maevhelle Douce Espina, and the ace of the soccer team, Leale Jemerson Arcilla, someone from the past came to ruin what they have. Sinubukang itago at ilayo ni Lea...