Chapter 27
Burry
-----
Dark. It was too dark that I thought I already died. Ilang beses akong nag-pasalamat sa Diyos nang magising ako na puti ang nakikita. I thought I already died because of the darkness, but what I didn't know was that I was still closing my eyes, still didn't ready to open them for another heartbeat that I will make.
Hindi pa ako pwedeng mawala. May anak pa akong nag-hihintay sa 'kin. May anak pa akong mamahalin. May anak pa akong aalagaan. Hindi niya pa kilala kung sino ang ama niya. Marami pa akong dapat gawin. Hindi pa ako handa. Hinding-hindi ako magiging handa para sa anak ko.
Inikot ko ang mga mata ko sa buong paligid nang maramdaman ang pag-balik ng diwa ko. Wala akong kasama sa loob ng hospital room na kinaroroonan ko. Agad akong napangiwi nang maramdaman ang pag-kirot ng katawan ko ng subukan kong maupo.
Kahit na nahihirapan sa pag-kilos ay agad akong bumaba mula sa kama. Kinuha ko ang paperbag na nasa sidetable, kung saan nakalagay ang mga damit ko. Hindi ko alam kung ilang oras o araw na ako rito pero salamat na lang din at may damit ako rito. Agad akong nag-palit ng damit bago agarang lumabas ng hospital room.
Napahinto ako nang may makasalubong akong nurse na agad akong nakilala sa hindi malamang dahilan. Nakita ko kung pa'no manlaki ang mga mata niya nang makitang nakatayo ako sa kabila ng pag-kirot ng buong katawan ko. May mga benda ang ilang parte ng katawan ko kaya ganito na lang ang naging reaksyon niya.
"Ma'am!" sigaw ng nurse nang bigla akong umalis sa harapan niya. "Ma'am, bawal pa po kayong lumabas! Ma'am!"
Hindi ko pinakinggan ang sinisigaw niya at patuloy lang ako sa pag-takbo kahit na nahihirapan na dahil sa kirot na nararamdaman ko mula sa buong katawan ko. Gano'n na lang ang pag-kabog ng puso ko nang makita ang iilang nurses at doctors na hinahabol na rin ako kaya agad kong binilisan ang pag-takbo patungo sa exit ng hospital. Malapit na akong makalabas nang tuluyan na nila akong mahagip, dahilan nang pag-balik ko rin sa kwarto kung saan ako lumabas.
Putang ina naman. Gusto ko ng makita ang anak ko!
Pinakalma ako ng mga doctor nang singhalan ko sila. Nanahimik na lang ako dahil alam kong ginagawa lang naman nila ang mga trabaho nila. May tinawagan sila at sinabing gising na raw ako. Hindi ko alam kung sino pero hindi na ako nag-abala pang alamin dahil mas gusto kong makita ang anak ko kaysa gumawa ng kahit ano.
"Ma'am, kailangan po naming malaman ang name ng baby niyo para matuloy na po 'yung libing niya. Gusto po kasi ni sir na kayo ang mag-pangalan sa anak niyo, e,"
Kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi ng nurse sa 'kin. Sigurado naman ako na ako ang kinakausap niya dahil kaming dalawa lang naman ang nandito. Napansin niya yata ang pagkalito ko dahil umawang ang labi niya kasabay nang pagkakabalisa niya.
"What baby are you talking about?" nakakunot ang noong tanong ko sa kaniya.
"Ma'am... When you met the accident, the baby that you were bearing died. You had miscarriage," marahang paliwanag ng nurse, nag-iingat sa 'kin.
"What?" gulat kong usal.
I was... I was pregnant?
"Alam na po ni sir... 'Yung daddy po ng baby niyo? Alam na po niya na nakunan kayo due the accident. Pero hinihintay pa rin po kasi kayo ni sir na magising bago ilibing ang fetus ni baby. Kayo raw po ang mag-bigay ng pangalan dahil kayo naman daw po ang nag-dala," aniya.
BINABASA MO ANG
Record The Shot (SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)
Romance(SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) As love blooms between the Journalism student, Maevhelle Douce Espina, and the ace of the soccer team, Leale Jemerson Arcilla, someone from the past came to ruin what they have. Sinubukang itago at ilayo ni Lea...